Author's note:
Finally, one more and this first story would end! Hay! Medyo nahirapan ako rito but, so far, nagawa ko naman, hehehe! :) Sana... Sige! Just read na lang!
Thank you!
... ... ...
CHAPTER TEN
Three months ago…
“Kamusta naman ang paghahanda sa kasal?” bungad na tanong ni Rica matapos niyang pagbuksan ang mga ito ng pinto.
“Iyan kaagad ang itinanong mo sa kanya, Rica!” hayag ni Kat.
“Why?! There’s nothing wrong with that!” Rica answered while she, she just ignores it.
“Hay! Pasok na muna kayong dalawa sa loob at doon na lang ninyo ipagpatuloy ang pagtatalo.” Hayag niya sa mga ito.
“Mabuti pa nga!” sagot ni Rica samantalang umiling lamang si Kat bilang tugon sa isinagot ni Rica sa kanya.
“So, ano na?” si Rica.
Halos kakaupo lang nila sa sofa nang magtanong uli ito at alam niyang tungkol iyon sa kasal. Ang kasal nila ni Roldan at sa wakas, nasabi na rin niya sa mga ito kung sino at ano talaga si Roldan Camua. Kaya hindi na niya kailangan pang magtago sa mga ito ng tungkol kay Roldan dahil alam na ng mga ito ang totoo.
“Family ko na lang ang hinihintay at wala nang dapat asikasuhin pa.” sagot niya rito na totoo naman dahil halos lahat ng mga dapat gawin sa kanilang kasal ay nagawa nang lahat ng lolo ni Roldan. Kahit pa nga tinutulan nila iyong dalawa, nasunod pa rin ang matanda dahil katwiran nito sa kanila. Iisang apong lalake nito si Roldan at gagawin nito ang lahat para rito at sa mapapangasawa nito.
Kasama na rin roon ang gastos sa pag-uwi ng kanyang pamilya dahil si Don Rolando na rin ang gumastos ng mga iyon kaya naghihintay na lamang siya sa pagdating ng mga ito.
“Wow! Ang suwerto mo, girl! Biruin mo, si Don Rolando na ang umasikaso ng lahat so ang kailangan na lamang ay ang mismong mga pirma ninyo sa kontrata at boom! Tapos na lahat! Kasal na kayo ni Dan!” masayang hayag ni Rica.
“Hay! Nakakahiya nga kay lolo dahil ni kusing wala akong ginastos.” hayag niya sa mga ito.
“Ikaw naman, intindihin mo na lang siya dahil nag-iisang apo na lalake niya iyang si Dan. Kaya gagawin at ibibigay niya ang lahat para sa nag-iisang apong lalake niya.” sagot naman ni Kat.
“Well, you were right about it! And I do understand it, still…”
“Then, give him great-grandchildren.” Rica commented that made her blush while Kat just smiles onto her.
“Anyway, what do you like to drink?” pag-iiba niya ng topic.
“Orange juice ako!” sagot ni Rica.
“Green Tea…” sagot naman ni Kat.
“Okay! Wait lang muna kayo rito,” hayag niya sa mga ito.
“Okay!” sabay na sagot nito na tinanguan naman niya.
“Here,” sabay abot niya sa mga inumin nito pagkalipas lamang ng ilang minuto.
YOU ARE READING
AT THE BUS STORIES: (A Fiancé to Pretend)
RomantikMariafe and Roldan is living in the same subdivision though. They really don't know each other, but despite of it Mariafe got crush on him since she saw him at the bus where they both riding at. But never in her life that she may picture them as a c...