FIRST STORY: A Fiancé to Pretend

767 31 0
                                    

CHAPTER SIX

 

Tuesday…

            Nagawa na niyang maiwasan si Roldan ng dalawang beses sa umaga at isang beses sa uwian. At sa pagkakataong ito, umaasa siyang sana hindi siya sunduin nito sa uwian nila. Lalo na at malapit na ang oras ng kanilang uwian ayon na rin sa kanyang relo. Napabuntong-hininga tuloy siya dahil sa ginagawa niyang pag-iwas rito samantalang kung tutuusin naman! Wala naman dapat siyang dahilan upang iwasan si Roldan!

            Sadyang hindi lang talaga niya magawang kalimutan iyong huli nilang pag-uusap. At nitong linggo lang iyon, pagkauwi ng lolo nito. Kinausap na niya ito ng masinsinan dahil noon lang talaga sila nagkaroon ng time na pag-usapan ang naging kaganapan ng mga araw na iyon!

            Ang pagpapakilala nito sa kanya bilang “nobya” sa lolo nito na kilala at iginagalang sa business world! Isa pa, ang ginawa nitong aksiyon upang hindi na niya magawa pang makapagtanong ng kung ano-ano rito! Ang paghalik nito sa kanya na nagpayanig ng kanyang mundo! Na halos malimutan na niya kung ano ang tunay na nangyayari ng mga sandaling iyon!

Sunday night…

 

            “So!” mataray niyang simula at pinamay-wangan pa niya ito sabay irap.

            Isang malalim na buntong hininga ang ginawa nito bago siya tingnan sa mga mata na nagpalusaw ng galit niya para rito. Pero hindi siya nagpahalata rito para hindi nito isipin na sa isang tingin palang nito, nalulusaw na ang lahat ng galit at inis niya rito.

            “Hoy, Mr. Roldan Camua! Huwag mo lang akong titigan ng ganyan at hindi niyang masasagot ang lahat ng mga katanungang nasa sa isip ko!” sayaw niya rito na nilangkapan niya ng katarayan.

            He sighs deeply. “Okay! First, I’m sorry!” he said. “Second, hindi ko sinasadyang ang pangalan mo ang mabanggit ko kay lolo. Sadyang wala na akong maisip pa ng mga oras na iyon dahil kinukulit na talaga niya ako ng mga sandaling iyon…”

            “Kaya pangalan ko na lang ang ibinigay mo!” itinuloy niya na tinanguan lang nito. “Naku naman! Alam kong marami-rami rin naman ang mga naging kapangalan ko rito sa mundo! Eh, kung bakit ba naman kasi hindi mo na lang sinabing wala siya rito sa Pilipinas o kaya nag-embento ka na lang ng kahit na ano! Gano’n!” hayag niya.

            “About that… I told to my grandpa that we’re living at the same place and–––’’

            “What!” she cut him off. “My gosh! Dan naman!”

            “I know! I know! And I’m so sorry about that!”

            “Now I get it! That’s the reason why you come to me not because you’ve wanted to be friends with me, because you’ve wanted to ask a favour!”

            “Of course not!” matapang nitong pahayag at mababasa sa mga mata nito ang katotohanan. Kaya lang, hindi pa rin siya magiging panatag dahil lamang roon!

            “Then, what’s your reason?” she asked and added quickly to him. “And please, this time! Be honest with me!”

            He sighs deeply. “Como si yo no puedo decirle lo que me siento realmente para usted desde entonces!” he said almost whispering. – As if I can tell you what I truly feel for you since then! –”

AT THE BUS STORIES: (A Fiancé to Pretend)Where stories live. Discover now