Chapter 09: Sick

1.2K 24 5
                                    

Yay 5k na ahihihi tuwa na ako nun :) mamatz at saka po sorry dahil napakatagal ko po na panahon na hindi nagUD. Ang dami kasing inaasikaso ngayon sa school halos mamatay matay na nga ako sorry talaga :((

At isa pa po si Seajean ang pangalan na nya ay Jane. Iniba ko po ito dahil nahihiya DAW ung mayari ng pangalan na ituuu haha sensya :)

Enjoy kayo dito.

Vinscent's POV

Nandito parin kami ngayon sa bahay ni Therese. Hindi kasi muna niya kami pinaalis dahil bigla nalang umulan ng malakas. Buti nalang at nailibing namin kaagad yung kawawang pusa, buti nalang hindi ito nabasa. Kawawa kaya.

Nandito narin lang kami sa bahay nina Therese kaya't hindi ko na naiwasan pang magkutingting ng mga bagay.

Ang bahay nila ay magandang tingnan sa labas pero simple lang pala sa loob. Puro picture nya nung bata sya ang nakadikit sa pader. Mmm wala ba syang kasama?.

"Therese pasensya na kung magtatanong ako ha pero sino 'to?" tanong ni Sky na may hawak sa palad niya. Lumapit ako upang tingnan ito at nakita ko si Therese na may kasamang matanda na nakayapos sa kanya.

Lumapit narin ang iba at pati narin si Therese " Ahhh...lola Theresita ko yan simula pagkabata sya ang naging kasama ko dito sa bahay kaso syempre tumatanda na kaya di nagtagal pumanaw na sya " sagot nito na medyo nakatungo.

"Nasan ang mga magulang mo?" tanong naman ni Rain ngunit itinaas baba lang ni Therese ang balikat nito.

"Edi....ikaw nalang magisa?" Dagdag pa ng madaldal na si Rain.

Napayuko nalang ang ulo ni Therese at nalungkot nang muli. Napatikom naman si Rain ng bibig dahil sa sinabi nya.

"Hindi ah" sambit ni Jane sabay akbay kay Therese "Andito kaya tayo para sa kanya" taas noong sabi ni Jane kaya napangiti narin si Therese. Napakabait talagang kaibigan nitong si Jane kahit medyo may topak.

« Ring.....Ring.....Ring.....»

Napatingin ang lahat kung saan ang ring.

"Luh sino naman kaya ito" bulong ni Bryan sa kanyang sarili sabay kuha ng cellphone niya mula sa bulsa nya.

Nang mabasa nya ito ay nagtaka nalang kami dahil biglang nanlaki ang mga mata nito na para bang nagulat sa nabasa.

"Anyare?" nakacross ang kamay ni Jane nung tinanong nya si Bryan.

"Na...naku kaylangan ko na palang umuwi may gagawin pa nga pala ako" paliwanag ni Bryan na dali daling binuksan ang pinto. Aalis sya ng ganito kalakas ang ulan?

"Ui magpatila ka muna ng ulan" pagpigil ni Seth dito ngunit huli na dahil nakatakbo na ito sa labas. Bakit kaya nagmamadali ang unggoy na yon?

_ _ _ _ _

Kinabukasan ay hindi pumasok si Bryan. Nagtaka kaming lahat dahil hindi naman ito madalas umabsent.

"Hindi ba pumasok si Mr. Kane ngayon?" tanong ni Ms. Abril habang hawak hawak ang ballpen nya at record book.

"Hindi po" sagot ng ilan sa mga kaklase ko.

"Alam nyo ba kung bakit?" muling nagtanong si Ms. Abril na parang alalang alala.

"Hindi po" muli naming sagot. Hindi naman kasi namin talaga alam kung bakit sya absent ngayon. Siguro yun din ang dahilan ng pag-alis nya kahapon.

"Mmmmm....absent din sina Joshua at yung pinsan nyang si Lorwin ngayon ano" napakamot nalang ng ulo si Ms. Abril at nakakunot ang noo habang tinitingnan ang mga absent "hay nako ano bang meron sa mga kabataan ngayon at tinatamad ng magsipag-aral" bulong nito sa sarili habang napapailing iling nalang. Ang hirap kayang mag-aral lalo na kung maliit ang utak.

I WANT TO BE A KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon