Chapter 12: Love, Hate

1K 30 7
  • Dedicated kay Melannie de Leon
                                    

I dedicate this to Me_lanie23 na nagkusang gumawa ng aking cover ngayon :"D salamat gid~

Bryan's POV

Halos ilang araw din akong absent dahil sa lagnat ko. Ganito kasi ako kapag nagkakasakit, matagal gumaling. Pero hindi naman siguro counted na absent ang sabado at linggo diba?

Nasa kwarto ko ako ngayon at nakaharap ako ngayon sa salamin habang inaayos ang buhok ko "Hay...ang pogi ko talaga"

Rrrriiiiiiinnnngggg.........Rrrrrriiiiiinnnnggg..

"Istorbo naman yang telepono na yan. Hahayaan ko nalang si Ate ang sumagot" sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang isang perpektong tao na nasa harap ko.

"BABY BRYAN!!! Sagutin mo ang telepono, may ginagawa lang ako" Britney.

Tsskkk hanggang kaylan kaya akong tatawagin ni Ate na ganon. -.-

Wala akong nagawa. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala.

Rrriiiiiiinnnggg.....Rrrrriiiiiinnnggg...

"Oo na sasagutin na kita" sabi ko sa telepono.

"Hello?" bati ko sa kabilang linya.

"Hello" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na yun. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Hello Bryan anak ikaw ba yan?" muling nagsalita ang nasa kabilang linya. Hindi ako nagkakamali na siya nga ito. Kahit matagal ko nang hindi napapakinggan ang boses niya.

"Anak? Si Mama mo ito" dadag niyang muli.

Mama? kaylan pa kayo naging isang magulang sa akin?" ito ang mga salitang gustong gusto kong sabihin sa kanya, hindi lang sa kanya kundi sa Papa ko rin.

"Aalis na po ako ma..may klase pa po ako" tugon ko. Ayoko nang tumagal pa ang usapan namin baka kung ano pa ang masabi ko.

"Baby sinong tumawag?" tanong ni Ate na may hawak na sandok.

"Ahh...wala sina Melissa at Gregorio lang" tugon ko habang inaayos ang polo ko.

"Hoy! Bryan Muntae Kane!" bulyaw niya kaya ako nagulat at mapatingin sa kanya. Muntae? san galing yun?

"A..ano?" nalalunok nalang ako ng plema ko dahil sa gulat.

"Ikaw bata ka, Wala kang galang sa magulang mo! Ano bang school meron ka? Bakit hindi ka tinuturuan ng tamang asal?" sunud sunod niyang dada.

"Chill ate agang aga sinisira mo kagwapuhan ko" sabi ko sa kanya na mas ikinagalit niya.

"Che! Lumayas ka na nga" bulyaw niya sabay hagis ng sandok na hawak niya. Buti nalang hindi ako timamaan.

Pagkalabas ko sa pintuan ay hindi ko na naiwasan pang sumigaw "Urgg..STRESS!" nagtinginan sakin ang mga kapitbahay ko pero hindi ko sila pinansin at naglakad nalang palayo.

-----

Nakarating na ako sa school. Late na nga ako pero himala kasi hindi ako sinita ng guard. Siguro namiss niya ako kaya pinagbigyan niya ako.

Habang naglalakad ay napansin kong walang mga estudyanteng naggagala. Baka nagsisimula na ang klase?

"Ay iho sandali lang"

Napatigil ako kasi tinawag ulit ako nung guard. Hay namiss talaga ako neto..tssk..tsskk

"Punta ka sa gym, nandoon lahat ng estudyante" sabi nito.

I WANT TO BE A KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon