Hi po *kaway kaway*
:))))
Nahulaan nyo na ba ang killer? ako kilala ko na O u O
Kaso hindi ko sasabihin. Sa nakaraan pong mga chapter may hint po sa mga yun kayo po ang maghahanap kung ano po iyon XP
Enjoy :-D
Sethro's POV
Sabado ngayon at wala akong magawa kaya't naisip ko na maglakad lakad muna.
"Hay napakainit naman" ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa isang playground. Naisip ko na pumunta muna doon upang magpahinga.
Habang papalapit ay napansin ko na may isang lalaki ang nakaupo sa isang duyan. Magisa lang ito at mukang malalim ang iniisip. Nang makalapit na ako ay nakilala ko kung sino iyon. Si Sky pala ito.
"Hoy" tawag ko dito at agad naman itong napatingin.
"Oi anjan ka pala" Sky.
Umupo ako sa tabi nito "Bakit ka magisa dito? Hindi mo ba kasama si Rain? Oh si Queenie?" Sunod sunod kong tanong dito.
Napabuntong hininga ito "kasama nanaman nya yung lalaking yun!" inis na sabi nito.
"Mmm...bakit ba ano bang meron at ayaw ba ayaw mo sa kanya?" Tanong ko dito. Matagal ko na kasing napapansin na ayaw nito kay Ivan.
"He's a bad influence to my sister, I know my sister kapag may natutunan itong bagong bagay ay nagkakaintiresado agad ito, katulad ng ..." Napatigil si Sky sa pagsasalita at biglang tumingin sa taas upang magisip.
"Pag..pagyoyosi o paginom ng alak parang ganyon" Sky sabay tingin ulit sakin.
Nakunot ang noo ko sa mga narinig "Teka wala namang bisyo si Ivan ah?" sabi ko sa kanya.
Nakunot din ang noo nito at tumawa "Hahaha.....hindi si Ivan si Andrew ang sinasabi ko hahaha! at saka Ivan is a good guy okay sya para sa bunso ko" sabi nito sabay tawa ulit.
"Teka? hindi naman sila nalabas na dalawa diba?" tanong ko dito.
"Akala ko nga rin yon...pero isang araw nakita ko silang magkasama sa iyang Mall, buti nga at hindi lang silang dalawa ang magkasama dahil nandoon si Ivan" Sagot nito at idinuyan ang sarili.
Ahh yun pala ang dahilan ng pagaaway nila noon sa Mall.
"Diba hindi naman close yung dalawa dati bakit ngayon close na close sila?" tanong kong muli.
"Well, nung bata kasi si Rain kalaro nya yung Andrew na yun at matino tino pa noon yung gunggong na yon" Paliwanag nito sabay idinuyan ang sarili ng malakas.
"Baka may gusto rin si Andrew kay Rain, grabe yang kapatid mo andaming nagkakagusto una si Ivan tapos si Vinscent at ngayon naman si Andrew" ako.
Napatigil sa pagduyan si Sky "Si Bibot may gusto kay Rain?" gulat nitong sabi.
Tumango nalang ako.
"Malaking problema 'to" sabi ni Sky.
Idinuyan ko narin ang sarili ko upang makaramdam manlang ng konting hangin.
"Shit, oo nga pala" napatigil si Sky sa pag duyan para itong biglang may naalala.
"Sethy san ang pinakamalapit na Pet shop?" tanong nito saakin.
"Dun kumaliwa ka, nasa dulo pa yun, basta malapit lapit sa Ospital" Paliwanag ko habang tumuturo sa kaliwa.
"Sige, salamat maiwan na kita" sabi nito sabay takbo.
BINABASA MO ANG
I WANT TO BE A KILLER
Misterio / SuspensoWe all have different dreams back when we're just a kid. To be a doctor, police, teacher, fireman and so on. Normally, we always aspire to be like someone we see as our hero. But... What if a child dreams to be a KILLER? Is it still an act of innoce...