Sweet#8 >

7.1K 240 15
                                    

"Walangya kang bakla ka!" sigaw ni Goddiva at agad tumayo,galit na galit sya,pero Im sorry,hindi nya ako nasindak kahit katiting.

"Oh bakit ikaw? Hindi ka ba bakla? Mag ingat ka sa mga salitang binibitawan mo,dahil hindi ako basta basta Goddiva" taas kilay kong sabi sa kanya,tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha nyang mukhang paa,sinigurado kong maiintimidate sya sa ginawa ko.

"Pagbabayaran mo to! Malakas loob mo dahil kay Boss! Pero sisiguraduhin ko sayong hindi magiging maganda ang pananatili mo dito!" matapang naman nitong sabi. Napapalibutan na kami ngayon ng mga kasamahan namin.

"Oh really? I cant wait for that,pakibilisan lang,madali ako mainip,at pag nainip ako,uunahan kita,and let me have this last words with you, kahit hindi kami ni Clawford kayang kaya kita patumbahin,sa tingin mo ikamamatay ko ang pagkawala ko dito sa Club Ford if ever? No darling, may pinag aralan ako at may utak ako,kaya ko humanap ng ibang trabaho,hindi katulad mo na tatadtadin ng foundation ang mukha at katawan para maging maganda sa paningin ng mga tao, alam mo kung anong wala ka? GANDA,at yon ang meron ako" mahaba at kalmado kong sabi saka sya tinalikuran at lumabas ng Club,dinig ko pang nagpalakpakan ang mga bakla at ang pagsuway nya sa mga ito

"Taray mo teh! Sa unang pagkakataon mula ng mawala si Mimi sa wakas may bumara din kay Goddiva" tuwang tuwang sabi ni Regz na nakasunod pala sila sa akin.

."Serves him right,napaka bossy nya kaya" segunda ni Kookai.

"Matagal na ako nagtitimpi dun pati sa mga alipores nya,kung hindi lang ako mawawalan ng trabaho matagal ko na pinatulan ang halimaw na yon" dagdag pa ni Pupu,napapangiti na lang ako sa sentemyento ng mga ito.

"Now alam nyo na,walang mawawala kung lalabanan nyo sya,ano sya? Anak ng Diyos para katakutan? Duh!" sabat ko sa usapan nila.

"Guys pasok,tuloy ang rehearsal" tawag sa amin ng choreo. Ewan sadyang wala na din ako sa mood ng bumalik kami at mag rehearse ulit,hindi mawala sa isip ko si Enzo at yung babae.

Napaka tanga ko kase,masyado ako nag assue,sino nga bang lalaki ang papatol sa bading? Nakakainis lang kase,sana hindi na nya ako sinanay. Eto tuloy napala ko,ang saklap ng lagapak,tagal kong iningatan ng pagmamahal ko sa kanya,mapupunta lang din pala sa wala :(

Sumapit na ang oras ng show, unang beses ko to,kahit papano kinakabahan ako,talaga palang bigtime ang mga costumer dito? May mga upper class din palang mga lalaki na mahilig sa ganito at sa mga bakla?

Karamihan mga DOM,mga bussinessman. Pero ang pinaka kumuha ng atensyon ko ay ang dalawang gwapong binata na kakapasok lang. Agad na nag init ang ulo ko ng mamukhaan ko ang isa dito.

Si Brayden Villamor!

Mukhang tadhana na ang naglalapit sa amin ah? Pero hindi pa ako magsisimula sa plano ko,masyado pa maaga,kailangan ko muna makipag kaibigan,diba nga sabi ko kay kuya Eron eh bigyan ako ng isang taon? Kailangan ko muna makuha ang loob nito kung kinakailangan,saka ko isusunod ang kapatid nyang babae.

Nag simula na ang unang batch ng performers,and I must say,napahanga ako,pang world class,para kang nasa Las Vegas.

"Pwede mo pa sila mahigitan kung gugustuhin mo" napatingin ako sa nagsalita,si Tita Oro.

"Tita Oro,hindi ba kalabisan na ako agad ang Main star nyo? I mean baguhan pa lang ako,ngayon pa nga lang ako magsisimula diba?" medyo nahihiya kong sabi.

"No darling,thats not true,nakitaan ka ng potensyal ni Ford,and I trust his instinct,and I also trust you" naka ngiti nitong sabi. Laking pasalamat ko na lang at mabaet ito. Hindi nagkamali si Clawford na sya ang gawing bagong manager ng Club Ford.

Pinanood namin ang mga performers,hindi mo iisiping mga bakla ito,ang gagaling,parang Moulin Rouge lang.

Ng matapos sila ay sinalubong sila ng masigabong palakpakan. Dumeretso na ako sa back stage dahil ang batch na namin nina Goddiva ang susunod. Ng makita ko sya ay binigyan nya ako ng masamang tingin na sinalubong ko naman ng isang ngisi.

Hindi mo ako masisindak,witch!

Namatay na lahat ng ilaw,pumailanlang na ang tugtog,sina Goddiva unang lumabas then kami nina Regz. Kahit kinakabahan ay nagconcentrate ako. Inisip ko na this will be my final and I have to give my best.

While doing the performance ilang beses ako pinatid ni Goddiva,mabuti at hindi nahahalata at hindi naman ako tumutumba. Nananadya talaga ang mangkukulam na to! Humanda ka sa akin mamaya.

At the last part of the performance binuhat nila ako at iniangat sa ere. Todo ang ngiti ko,at napansin kong nakatitig sa akin si Brayden at ang kasama nito. Palakpakan ang mga tao.

Nakaramdam ako ng kakaibang tuwa. Pagkapunta pa lang sa back stage ay lumapit na sa akin agad si Tita Oro.

"Ang swerte mo Eiko,ikaw agad ang napansin ng dalawang batang bussinessman,table number 45,go,puntahan mo na,hindi biro ang halagang binayad nila para sayo" naka ngiting sabi ni Tita Oro. Nagtinginan ang mga bakla,lalo na si Goddiva na nginisihan ko pa.

Mamatay ka sa inggit! Bruha!

"Sige po,eh si Ford? Sabi nya manonood sya?"

Saglit na tumahimik si Tita Oro na pinagtaka ko,binasa ko ang mga mata nya ngunit wala ako makita.

"Tumawag sya,he's tired,hintayin mo na lang daw na puntahan ka nya sa inyo,for the meantime,naghihintay mga costumer mo,go! Break a leg Eiko" sagot nito. Hindi man ako kumbinsido ay tinungo ko na ang table number 45.

Habang papalapit tinitigan ko ang dalawang lalaki. At ng tumingin sa akin ang kasama ni Brayden parang bigla akong kinabahan na ewan? Bumilis tibok ng puso ko.

Anong nangyayari? Huwag naman ako ngayon dagain please!

"Hi!" naka ngiti kong bati ng makalapit. At ng mapatingin ulit ako sa kasama ni Brayden lalo bumilis kabog ng dibdib ko.

Baka may gawin syang masama kaya siguro kinakabahan ako? Nasabi ko na lamang sa aking sarili.

"Hi! Please have a seat" naka ngiting sabi ni Brayden at umupo nga ako.

"Ang galing nyo ah? Pang world class,lalo ka na,napabilib mo kami,first time namin dito" sabi pa nito na nakangiti.

Ganyan nga,magpa Cute ka lang para hindi ako mahirapan.

"Thank you,bago lang din naman ako dito,actually ito una kong performance" magiliw kong sagot saka kinuha ang baso ng Iced tea at nag sip dito.

"Talaga? Well,hindi halata,ano nga palang pangalan mo?" si Brayden pa din. Ang tahimik ng kasama nya. Para akong sinusuri na ewan

"Eiko Bermudez"

"Nice meeting you Eiko,Im Brayden Will Villamor and this is my bussiness colleuge Kurt Lyndon Montenegro" naka ngiti nitong pagpapakilala.

AN ~ HAHAHA natutuyo utak ko. COMMENTS and VOTES po kung nagustuhan nyo :3 arigato guzaimasu!

EIKO : BitterSweet Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon