Sweet#23 > Finale

8.9K 283 58
  • Dedicated kay All the readers and supporters
                                    

Nagising ako na nasa isang malaki at magandang kwarto ako. Nakakarinig din ako ng mga hampas ng alon.

Nasan ako?

Agad akong tumayo,nakakita ako ng bintana,pag silip ko sumalubong sa akin ang karagatan. Napalingon ako sa paligid. At don ko napagtanto na para kaming nasa isla at nasa isang tabing bahagi itong kinatatayuan ng bahay kung nasan ako. Hindi din ako makakatakas dahil panigurado ang malalaking bato sa ibaba ang babagsakan ko,kung hindi man malulunod naman ako.

Bakit nila ako dinala dito? Bakit hindi na lamang nila ako pinatay para natapos na ang lahat?

Narinig kong bumukas ang pinto kaya napalingon ako. Pumasok ang Mom ni Brayden,at ang ikinabigla ko ay tulak tulak nito si Brayden sa wheelchair at nakatulala ito.

"My son wants to see you bago ka man lang mamamatay,dapat matuwa ka dahil sa magandang lugar ka mamamatay" nakangiting sabi nito,kinilabutan ako bigla,napatingin ako kay Brayden na parang walang nakikita at parang walang naririnig.

Agad akong tumayo,lumapit kay Brayden at lumuhod sa harap nya,hindi ko na naman mapigilang mapaiyak,dahil sa akin kaya sya nagkaganito.

"B-brayden,patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko,alam kong malaki ang naging kasalanan ko,dahil sa akin nagkaganito ka" umiiyak kong sabi,ngunit nanatili lamang tulala si Brayden.

Bigla akong sinipa ng kanyang ina kaya sumalampak ako sa sahig,namilipit ako at hindi makahinga,nanigas ang sikmura ko.

Ngunit bumangon pa din ako at paluhod na naglakad palapit kay Brayden.

"Patawarin mo sana ako Brayden,minahal din kita pero mas mahal ko si Kurt,naging napaka halaga mo sa akin,nabulag ako sa kagustuhan kong makaganti sa pamilya mo pero before I could stop it,huli na ang lahat,ang,ang nangyari kay Bubbles ay aksidente,kung hindi ako iiwas,ako ang mahuhulog at mam---"

Muli sinipa ako ng ina ni Brayden,this time sa mukha na kaya napa atras ako,nakita kong tumutulo ang mga luha ni Brayden. Naririnig nya ako!

"Stupid! Sana ikaw na lang ang namatay! Sabi ko na nga ba at malas ang dala mo sa pamilya ko!! At anong pag ganti ang sinasabi mo?! At mahal? Mahal mo ang anak ko kaya pinabayaan mo syang magka ganyan? Ikaw pa ang nagtulak sa kanya sa kamiserablehan!" galit na galit na sabi nito habang lumuluha. Naiintindihan ko sya,isa syang magulang at masakit para sa kanya ang nangyari sa mga anak.

"Isa ang pamilya ko sa namatayan ng pinasunog nyo ang squatters area namin noon kaya gusto kong gumanti,pero hindi sa ganung paraan" umiiyak at nakayuko kong sabi. Pagtingala ko nakita ko ang pagkabigla sa mukha ng ina ni Brayden,at si Brayden naman ay nakatitig sa akin.

"Well kahit ano pang sabihin mo,hindi na nun mababago ang pangyayari,bilang pagbabayad mo,face your death" anito,hinila ang wheelchair at lumabas sila at sinara ang pinto. Sinubukan kong buksan ulit ang pinto ngunit naka lock na ito mula sa labas.

Lumuluhang bumalik ako ng upo sa kama.

"Wala na akong magagawa,ito na ang kabayaran sa mga nagawa ko,hanggang dito na lang siguro ako"

Ilang saglit pa at bumukas ang pinto,pumasok ang dalawang lalaki at marahas akong hinawakan sa magkabilang braso,hindi na ako pumalag,ano pang silbi? Sa kamatayan din naman ang punta ko.

Naglakad kami pababa ng mansyon,lumabas kami ng bahay at naglakad pa. Tumingin ako sa paligid,nagkamali ako,wala pala kami sa isla kundi nasa isang tagong lugar sa tabi ng dagat.

Huminto kami sa tapat ng isang parang lumang bodega.Binuksan ng isang lalaking makapal ang balbas ang pinto at ang isa ay itinulak ako sa loob at muling sumara ang pinto.

EIKO : BitterSweet Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon