Sweet#4 >

7.9K 256 8
                                    

Dumating ang araw ng graduation ko, si kuya ang nagsabit ng mga medalya sa akin. Noong oras na ng valedictorian speech ko,hindi ko na napigilan ang pagluha,sana nandito sina Inay at Itay para masaksihan nila ang isa sa mga tagumpay ko sa buhay. Ang lahat ng ito ay para sa kanila.

Habang sinasabi ko ang aking speech ay hinayaan kong tumulo ang aking mga luha,hinihiling ko na sana maging inspirasyon ito sa mga tulad ko.

Karamihan sa mga magulang ay nakita kong umiiyak dahil sa mga sinabi ko. Si kuya Eron ganun din,nakangiti habang tumutulo ang luha. At ng bumaba ako sa stage,sinalubong ako ni kuya ng mahigpit na yakap. Ramdam ko ang pagmamahal sa akin ni kuya.

"Sobrang proud ako sayo Eiko,at alam ko ganun din sina Inay at Itay, mahal na mahal kita kapatid ko" sa sinabing iyon ni Kuya ay lalo ako napaiyak.

"Salamat po kuya,mahal din po kita" humihikbing sagot ko.

"Eiko,huwag mong hayaang ma api ka ulit tulad nung bata ka pa,lumaban ka, ipakita mo sa lahat na hindi porket ganyan ang iyong sekswalidad ay magpapatalo ka na,ipakita mo na iba ka okay?"

"Opo kuya"

Pag uwi namin sa bahay nina kuya Enzo ay may maliit na salo salo. Naiyak ako dahil kahit hindi ko sila kadugo ay itinuring din nila akong anak,nagpasalamat kami ni kuya Eron sa kanila at ipinaalam ni kuya Eron ang pag alis namin kinabukasan

Nalungkot sila,maging ako nalungkot din,minahal ko na sila,lalo na si kuya Enzo na malaki na ang nasakop sa puso ko. Walang nakaalam nun,hindi naman ako naghangad ng kapalit,besides bata pa ako at kuntento na ako sa kung anong trato sa akin ni kuya Enzo,yun ang mahalaga.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis ni kuya Eron,naging emosyonal ako,lalo na at sa kanila naramdaman naming magkaroon ulit ng pamilya.

Niyakap ako ni tito at tita,tapos si kuya Enzo niyakap din ako ng mahigpit.

Ang sarap ng pakiramdam ko nun,pero ang mas lalong parang nagpalutang sa akin sa alapaap ay ang ibinulong nya.

"Mag iingat at lalo ka magpaka baet Eiko ah? Hihintayin kita, pag nasa tamang edad ka na ako na bahala sayo,mamimiss kita" ani kuya Enzo at hinalikan ako sa noo.

Parang lumundag ang puso ko sa mga sinabi nya. Itinatak ko yon sa isip at puso ko. Naintindihan ko yon,ibig sabihin gusto din ako ni kuya Enzo. Hihintayin daw nya ako! Tatlo o apat na taon lang naman agwat ng edad namin,pero sige,ipinapangako ko,babalik ako sa kanya.

"Tol eto nga pala address ng lilipatan namin,dalawin mo kami ah?" ani kuya kay kuya Enzo.

"Baliw! Parang hindi naman tayo magkatrabaho sa P2,o sige,pupunta ako senyo pag wala ka,para kami lang ni Eiko ang mamamasyal" pabirong sagot ni kuya Enzo. Agad naman ako namula dahil dun.

----

Pagod na inihiga ko ang katawan sa kama, katatapos lang namin mag ayos ng gamit ni kuya dito sa bago naming nilipatan. Isang maliit na apartment lang naman.

Dalawang kwarto na magkatapat, isang banyo malapit sa kusina at malinis na sala, may pinto papaunta sa likod kung san pwede pala maglaba dahil may gripo at pwede din dun mag sampay.

Wala pa masyadong gamit,sabi ni kuya ay uunti untiin na lang namin ang paglalagay ng mga gamit,mura din ang upa dito. Nahiya ako kay kuya kaya sinabi ko na maghanap din ako ng trabaho ngunit hindi sya pumayag. Unahin ko daw ang pag aaral.

Mabilis na lumipas ang panahon ng hindi ko namamalayan. Hindi ko lubos maisip na 4th year college na pala ako. Ang dating batang baklang gusgusin ay ngayon hinahangaan na sa ganda at talino, pero kahit ganun pa man, wala akong naging kaibigan dahil ayaw ko din.

Marami nagkakagusto sa aking lalaki,hindi sa pagmamayabang pero kailangan ko sila iturn down,dahil si Enzo lang ang naglalaman ng puso ko. Sa mga dumaang panahon natuto ako mag ayos, yung uri ng pag aayos na walang ginagamit na make up, dahil alam kong natural na ang ganda ko. Kadalasan lagi ako napapa away sa mga babae at kapwa bakla dahil mataray daw ako o inagawan ko daw sila ng lalaki, pero hindi ako nagpapatalo. Ako si Eiko at hindi ako marunong magpatalo at sumuko.

Dun pa din kami ni Kuya nakatira sa apartment,sobrang tagal na nga,kaya yung landlord eh napalapit na sa amin. Si kuya swerte talaga,bukod sa may maganda at mabaet na girlfriend na si ate Farrah, ngayon naman ay Branch manager na sya ng isang kilalang fast food chain. Oh diba? Hindi pa nakapag aral ang kuya ko sa lagay na yan kaya nga idol na idol ko yan eh.

At si Enzo? Ayon, magmula ng mag college ako hindi na sya pumunta sa bahay,ayaw ko naman na ako ang pupunta sa kanila,though pwede din yon para madalaw ko sina Tito at Tita. Dati naman dumadalaw dalaw sa apartment si kuya Enzo, minsan dalawa pa nga kami namamasyal kaya lalo ko syang minahal. Siguro sobrang busy na yon ngayon,balita ko kay kuya Manager na daw ng P2 yon.

Hayst,namimiss kaya nya ako tulad ng pagka miss ko sa kanya? Iniisip din kaya nya ako tulad ng minuminuto at oras oras kong pag iisip sa kanya?

Isang beses katatapos ko lang maligo at kalalabas ko lang ng banyo ng marinig ko si kuya na may kausap sa phone nya.

"Sigurado ka ba dyan tol? Mga villamor ang nagpasunog sa squatters area na tinitirhan namin noon? Oh sige! Gago! Huwag ka mag alala! Wala akong balak patayin sila! Hindi ko kaya yon, bukas titingnan ko lugar nila,para may idea ako pano makakabawi ng walang sakitang nangyayari,sige tol,salamat sa information"

Yon ang narinig ko,lumakas ang kabog ng dibdib ko sa nalaman. Sinadya pala sunugin ang lugar namin noon? Pagbabayaran ng mga Villamor na yan ang ginawa nila,dahil sa kanila madaming nawalang buhay,kasama na dun sina Inay at Itay. All these years pala ay lihim na inalam ni kuya ang puno't dulo ng sunog na yon? At ngayon,heto na nga ang kasagutan.

Lintik lang ang walang ganti! Kung si kuya may sariling plano,may sarili din akong plano,at sisiguraduhin kong magtatagumpay ako at doble ng sakit na naramdaman namin ni kuya ang ipaparanas ko sa kanila.

Agad ko binuksan ang laptap ko at nag internet. Sinerch ko ang pamilyang Villamor. Swerte namang agad ako nakakuha ng mga impormasyon, iba nga naman pag sikat at mayaman, nakalantad kahit sa internet ang buong buhay.

Napangiti ako ng makita ang mga larawan nila, mag asawang mukhang garapal talaga sa yaman at mga pera,at mga anak na parang walang kamuwang muwang sa kademonyohan ng mga magulang nila.

Hindi ko alam kung ano ang unang hakbang ko kaya kailangan, pag isipan ko itong mabuti.

Pagkatapos ng mahabang panahon,sa wakas, magkakaroon na ng katarungan ang pagkamatay nina Inay at Itay.

AN ~ MUSTA PO? Ayan lang muna mga frnds :) VOTE and COMMENT po ^__^

EIKO : BitterSweet Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon