Sweet#12 >

6.8K 224 4
                                    

"Hello?" bungad ko.

"Is this you Eiko?" Sabi ng boses sa kabilang linya. Shit! Hindi ako makahinga ng maayos,ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ganon boses nun? Napaka swabe, parang nang aakit! Damn!

Bakit ganito epekto sa akin ng Kurt na to? Napakapit ako sa dibdib ko na sobrang lakas ng kabog.

Shit lang! Boses pa lang pero nagkakaganito ako? Anyare sakin? O.o

"Eiko? Are you still there?" pagkuway sabi nito. Kinalma ko ang sarili ko.

"Yup,Im still here,pasensya na,uminom lang ako ng tubig,so.. Napatawag ka?" sabi ko na lang,and thank God nakipag cooperate naman ang boses ko.

"Ah.. Gusto sana kita yayaing lumabas to talk some important matters" sabi nya,pero tulad kay Brayden,I have to decline his invitation.

"Pero Kurt,pwedeng next time na lang kasi---"

"Its about YOU and sa plano mo sa mga Villamor" pagputol ni Kurt sa sasabihin ko sana. Napanganga ako at lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko,at talagang binigyang diin nya ang YOU

How does he know? Pano nangyari yon? Walang ibang nakakaalam nun maliban sa aming dalawa ni kuya at alam kong hindi ako tatraydurin ni Kuya.

"Natigilan ka" maya maya ay sabi ni Kurt.

"Kelan mo gustong mag usap tayo?" nasabi ko na lang,wala na eh,nasukol na ako,ako pa naman ang uri ng tao na kahit gaano katapang ay hindi nakakatanggi at nakakapag deny lalo pa at alam kong natumbok ako.

"Now,Im waiting outside your company building,pero papasok ako sa lobby para hintayin ka. See you" and he hunged up.

Saglit pa akong natulala at napaisip. Kung alam na nya? Ano motibo nya? Sasabihin ba nya kay Brayden.

Ugh! Ayoko na masyado mag isip,nakakahiya man sa mga empleyado pero kailangan ko muna umalis sa oras ng trabaho, lalo na kay Ami na iniisip siguro na tungkol sa trabaho ang itinawag ng dalawa.

"Ami,please do cancel all my appointments today,bukas ko sila haharapin,at pag may naghanap,tell them na may aasikasuhin lang akong importante outside the office" bilin ko dito ng madaanan ko. Magalang naman itong sumagot.

Pasakay na ako sa elevator ng sakto naman humabol si kuya.

Pagpasok namin sa elevator binati kami ng mga empleyado at tinugon namin.

"San lakad mo" - kuya Eron.

"Dyan lang sa labas kuya,may kailangan lang imeet,kamusta trabaho?" tanong ko sa kanya.

"Eto gamay ko na,mababaet naman ang mga empleyado,hindi lang ako sanay na tinatawag na Sir" naka ngiting sabi ni kuya kaya napangiti ako.

"Dapat ka ng masanay kuya,isa ka na sa mga stock holder dito at mataas ang position mo,hindi nagkamali si Ford sayo" sagot ko naman. Ang mga kasama namin ay nakikinig lang samin.

Sasagot na sana si kuya pero bumukas na ang elevator at kailangan na nyang lumabas,nag wave lang sya sa akin then sumara na ulit ang pinto.

TING!

Agad na ako lumabas sa elevator at nagpalinga linga sa paligid. Hinahanap ng paningin ko si Kurt.

And there he was,masayang nakikipag kwentuhan kay Manong Guard! Agad din akong lumapit sa mga ito.

"Magandang hapon Mam" bati ng Gwardya at nginitian ko lang,bumaling ako kay Kurt at ayon na naman,kumabog na naman dibdib ko ng napakalakas.

Medyo lumayo ako,natakot kasi akong marinig nya yung pagtambol ng puso ko. Napaka familiar sa akin ng pakiramdam.

EIKO : BitterSweet Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon