Sweet#17 >

6.1K 207 8
                                    

Napangiti ako ng malaman ko kay Nicolai na successfull ang pagbili namin sa kalahati ng company ng mga Villamor,they really need money at alam kong malapit na sila lumagapak. Konti pa at mawawala na ang lahat ng ari-arian nila lalo pa at madalas na daw sa Casino ang mag asawang Villamor.

Halos magdadalawang linggo na din mula nung maganap yung dinner na yon,at si Kurt hindi pa ulit nagpaparamdam,busy siguro sa trabaho at paghahanap sa pinsan,naiintindihan ko sya dahil ang Montenegro nga naman ang isa sa pinaka mayamang pamilya dito sa bansa at kinikilala din sa Asia dahil sa bussiness.

Hinayaan kong si kuya na ang humawak sa kumpanya at ako naman sa ibang negosyo,flowershop,botique,grill house at marami pang iba pero mas tumutok ako sa Club Ford.

At sa mga panahong iyon si Brayden ang kasakasama ko,minsan hindi ko maiwasang makonsensya at matakot.

Makosensya dahil sa palihim kong pagkalaban sa pamilya nya sa kabila ng pagiging mabait nya sa akin at ang lantarang pagpapakita kung gano nya ako kagusto,sana lang pagkatapos ng lahat ng ito ay magawa pa nya akong mapatawad at sana maintindihan nya ako.

Matakot dahil sa mga araw na nagdaan na wala si Kurt at sya ang pumupuno nito ay nasasakop na nya ang puso ko,natatakot ako sa maaaring mangyari,natatakot ako sa nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Kurt.

Posible ba talaga to na dalawang tao ang mahalin ko? Ano ba dapat ang ginagawa pag ganito?

It was 11:46pm ng makatanggap ako ng tawag sa unknown number,kakagaling ko lang sa Club Ford,papunta na ako sa kotse ko,nagdalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi,pero sinagot ko na din ito baka importante.

"Hello? Sino to?" agad kong bungad ng makasakay na sa kotse ko.

"Hello? Hello? Si Eiko ba to?" tarantang sabi ng nasa kabilang linya. Nakikilala ko ang boses nito.

"Yup its me.. Ikaw ba to Kooki? Anong meron at natataranta ka?!" taka kong tanong,bigla tuloy ako kinabahan at pumasok sa isipan ko ang mag inang Villamor.

"Oh God! Teh we need you! Hinahanap na namin ngayon si Page,malakas ang hinala namin na naloko sya ni Bubbles! Akala ni Page si Ian ang kakatagpuin nya" hysterical na sabi ni Kooki.

Ito na siguro yung sinasabi ng Mom nina Brayden na dispatsahin si Page. Mga demonyo talaga sila.

"Pwede ba Kooki! Kumalma ka! San ba kayo?!"

"Oh shit! Nasa rooftop si Page! At parang. Parang..Tangina si Bubbles yun ah?" sabi pa ni Kooki na parang hindi ako nadinig,nakarinig din ako ng ingay sa background,mga kasama nya siguro,sakto paliko na ako ng makita ko si Kooki na may mga kasama tumatakbo papasok sa isang four storey bldg. Agad kong inend ang call at nagpark.

Binuksan ko ang mini compartment,huminga ako ng malalim dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinuha ko ang laman sa loob,isang baril na lihim kong pinabili noon incase of emergency.

"Mukhang magagamit na kita,mukhang ito na ang simula" bulong ko at agad ding sumunod papasok sa bldg.

Naabutan ko pa sila sa hagdan na tumatakbo. Nakita ko si Kooki kaya agad kong tinawag.

"Dalian mo teh!" ani Kooki at mas lalo namin binilisan ang pag akyat,kung bakit naman kasi hinahayaang bukas ang mga ganitong abandonadong gusali?

Pagdating naming lahat sa rooftop nagimbal kami sa nakita namin,parang lantang gulay na si Page na pilit inihuhulog ni Bubbles sa railings.

Hindi ako nagdalawang isip at tinutok ko ang baril kay Bubbles,kinalabit ang gatilyo,tinamaan ito sa tagiliran at nabitawan si Page mabuti na lamang at maagap ang mga kasama ni Kooki.

Lumingon si Bubbles sapo ang tinamaan ng baril,halatang nagulat ito ng ako ang makita nya.

"Bakit Eiko? Traydor ka!" sigaw ni Bubbles sakin.

"Sorry Bubbles,the game is over" simple kong sagot. Pagkatapos nito alam ko na mga posibleng mangyari.

"God! Tulungan nyo ako dito! Masyado ng bumibigat si Page! Malalaglag sya ng tuluyan!" nadinig kong sigaw kaya napalingon ako sa gawi ni Page. At ng muli kong tingnan si Bubbles ay pasugod na ito sa akin.

"Walangya kang bakla ka! Trinaydor mo ako! Magbabayad ka!" sugod sa akin ni Bubbles napa atras ako,nasa kabilang railings na ako at pag hindi ako naka alis,tiyak malalaglag ako, ng malapit na si Bubbles sa akin ay agad akong umiwas,tumama si Bubbles sa bakod ngunit marupok na pala ito. At bago ko sya mahawakan para hindi mahulog ay huli na ang lahat. Nalaglag na sya.

Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko,nadidinig ko sina Kooki na natataranta ngunit hindi ko iyon inintindi.

Ano na mangyayari ngayon? Kasalanan ko ito. Ginusto ko gumanti pero hindi ang pumatay ng tao.

"Its okay,hanggang dyan na lang siguro sya, youre Eiko right?" ani ng isang boses sa likuran ko.

Tango lang ang naging sagot ko.

"Im Ian Montenegro,aksidente ang lahat. May favor sana ako sayo" sabi pa nito na pinagtaka ko.

"Ako ang aako sa mga nangyari,alam kong sa akin ito isisisi ng mga Villamor,huwag mo na lang sanang ipaalam sa mga tropa namin ni Page ang usapan nating ito" paki usap pa nya.

Hindi ko maintindihan? Bakit aakuin nya ang pangyayari at kasalanang hindi sya ang may gawa?

"Para tantanan na nila si Page" biglang sabi ni Ian.

"Huh?"

"Alam ko yun ang iniisip mo,pwedeng ikaw na sumama sa kanila sa ospital at ako na ang sasama sa presinto?" dagdag pa nito.

Kahit naguguluhan pa ako ay napatango na lang din ako.

AN / MUSTA? Tagaaal kong hindi nakapag Update dito noh? Unahin ko po kasi munang tapusin ang The Right Time :3

VOTES AND COMMENTS po :) mahalaga sa akin ang mga comments nyo ^_^

EIKO : BitterSweet Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon