Sweet#16 >

6.2K 205 7
                                    

Dedic ang chapter na toh kay kuya Soju kahit wala syang hilig sa mga boyxboy hahaha! Gustong gusto ko kasi ang mga kwento nya,lalo na si Olivia Penelope at si Barbara :3

--

Matapos ng dinner ay nagpaalam ako kung pwede makigamit ng banyo,sinamahan naman ako ng isang maid. Habang nasa CR ay napaisip ako sa mga narinig ko kanina. Ang kumpanya nina Brayden ay kilala sa pagbebenta ng lupain at properties,yon pala naman talaga gawain nila,ang mang angkin na nga,pumapatay pa,at ngayon narinig ko mismo na lugi na sila I have to make my move,dapat mabili ko na agad ang pag aari nila sa lalong madaling panahon.

Palabas na sana ako ng banyo ng may marinig akong boses, si Bubbles at ang Mom nila,sure ako dun.

"Bakit dinala nyo dito yong baklang yon? May kakaiba akong nararamdaman sa kanya" sabi nung Mom nila.

"Oh c'mon Mom,lahat na lang pinag iisipan nyo,nahahawa na kayo kay Dad,edi kung may ginawang against us si Eiko papatay nyo sa mga tauhan nyo,ganun kasimple,but I doubt it,magaan ang loob ko sa kanya,unlike that Page Fag" sagot ni Bubbles.

Bumilis tibok ng puso ko,iba parin pala talaga pag ikaw mismo nakakadinig,that time parang gusto ko na sila sugurin.

"Basta,I dont like him,at isa ka pa,ang bagal mo kumilos,patay na patay ka dun sa Ian Montenegro na yon diba? Dapat magpabuntis ka na para wala na syang takas at masamsam natin kayamanan ng mga Montenegro,saka mo sila idispatsa lahat,kasama yung Eiko na yan" mataray na sabi ng Mom nila Bubbles at Brayden.

"Mom! Huwag si Ian! Si Page pwede pa,pero kung si Eiko idadamay,labas ako dyan,si kuya ang makakalaban mo"

"I dont care! Ewan ko dyan sa kuya mo,ang daming magagandang babae naghahabol sa kanya tapos sa bakla sya magkakagusto,kadiri!"

Doon na ako nagpasyang lumabas ng banyo na kunwari walang narinig at kunwari inaayos ko pa ang damit ko.

"Oh Eiko,hinihintay ka na ni Brayden,ihahatid ka daw nya" sabi nung Mom nila.

"Oo nga po,natagalan ako sa CR kasi tumawag si Kuya,salamat po sa magandang pag salubong at masarap na dinner" buong giliw kong sagot at nakipag beso beso sa mag inang demonyo.

Sinamahan ako ni Bubbles sa labas kung san naghihintay si Brayden,agad ako nitong sinalubong at inalalayan makasakay sa passenger's seat,saka sya sumakay.

--

Masyado na ako madaming iniisip,si Kurt,si Brayden at ang paghihiganti ko,kaya naisipan kong kausapin si Kuya ng maabutan ko sila ni Ate Farrah sa living room.

"Kuya,lets talk" sabi ko at tumabi na sa mag irog,ang tagal na din ng dalawang ito,bakit kaya hindi pa sila magpakasal?

"Uhm sige sa labas muna ako" ani Ate Farrah.

"No Ate,dyan ka lang" pigil ko dito.

"Ano ba sasabihin mo Eiko?" takang tanong ni Kuya Eron

"Kuya aalis na ako sa kumpanya,mas naisip kong yung ibang bussiness na lamang ni Ford ang pagtuunan ko ng pansin" sagot ko.

"Huh? What do you mean?"

"Marami akong dapat gawin kuya na hindi ko magawa,since maganda ang performance mo,pwede bang ikaw na ang mag take over ng posisyon ko? Ikaw na ang bagong CEO,tatawagan ko si Attorney mamaya regarding this"

"Are you serious? Baka magalit yung iba" nag aalangang sabi ni Kuya.

"Hindi yan.Lahat sila bilib sayo kaya dont worry,at ikaw naman Ate Farrah mag apply ka dun para may kasama lagi si Kuya, sige na,akyat na ako,tatawagan ko pa si Atty.Nicolai" pagtatapos ko at nginitian silang dalawa.

Ng makarating sa kwarto ay agad kong tinawagan si Attorney at sinabi ang plano ko,he agreed at bukas na bukas daw ay iannounce namin iyon sa buong company.

Sinabi ko din sa kanya ang pagka lugi ng mga Villamor,aaralin daw nya kung paano namin mabibili ang property ng mga ito ng hindi nakakahalata.

Kalalapag ko lang ng Phone ko sa kama ng may tumatawag na naman,ng tingnan ko,yung private investigator na inarkila ko.

"Yes?" bungad ko agad.

"Napag alaman kong drug dealer din pala sila,nakakuha ako ng mga ebidensya na maaari nating gamitin laban sa kanila" sagot nito.

"Good,for the mean time,itago mo muna yan,unahin ko muna ang gagawin ko,maraming salamat ah?" sabi ko.

"Its my Job,sige po bye"

Napangiti ako at humiga,pero naisip ko,san ako dadalhin ng mga ginagawa ko? Makakabuti ba ito o mas magpapalala sa sitwasyon?

Kaya ko bang gawin yon sa pamilya ni Brayden? Kaya ko ba syang saktan ganitong hayagan nyang ipinapakita at sinasabing gusto nya ako? Pero pano si Kurt? Gusto ko si Kurt,sya ang nagsasabi na huwag ako tumuloy pero kahit gano ko sya kagusto,hindi ko pwedeng itigil ang nasimulan ko na. Either way,may mga matatapakan at masasaktan pa din ako. Si Kurt at si Brayden.

Aaahhhgggh! Pinapasakit ng dalawang yon ang ulo ko!

EIKO : BitterSweet Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon