Sweet#13 >

6.9K 210 9
                                    

"Its nice to have tha two of you as our costumer"

Nilingon ko ito.

Si Enzo.

Hindi ko alam kung anong dapat ko maramdaman at kung anong dapat ko maging reaksyon ngayong nakita ko na ulit sya. Parang natuwa ako at nainis. Hindi ko maipaliwanag.

"Uy pare,kamusta?" casual na bati ni Kurt dito.

"Ayos lang naman,youre dating Eiko?" nakangising sagot ni Enzo at tiningnan pa ako. Gagong to! Ano gusto nyang palabasin?

"Sort of,pero were talking bout bussiness too" nakangiting sagot ni Kurt tiningnan ako at kumindat.

What was that for? Bigla na naman bumilis tibok ng puso ko,shit naman!

"Ah I see,kamusta Eiko? Laki ng pinagbago mo ah?" baling sa akin ni Enzo,may nakikita ako sa mga mata nya ngunit hindi ko iyon mabigyan ng pangalan,was it jealous?

"Im doing good kuya Enzo,walang nagbago sa akin maliban sa estado ng buhay ko" sagot ko. Hindi ko kasi alam kung paano pa sya papakisamahan pagkatapos ng kabiguan ko sa kanya.

"Hmmn... O sige,maiwan ko muna kayo,enjoy your lunch date" bago tumalikod ay tinitigan ako ni Enzo.

Nakakainis! Hindi pa nga ako nakaka get over sa pagsasabi ni Kurt na gusto nya ako at heto't nagulo na naman ni Enzo ang damdamin ko.

"He likes you"

"Ha?"

"Gusto ka ni pareng Enzo" seryosong sabi ni Kurt.

Natawa ako ng pagak. Noon siguro ganon ang iniisip ko,pero ngayon hindi na. Naiinis ako sa pinapakita ni Enzo kanina.

"I dont want to talk about it Kurt,kanina lang sinasabi mo na gusto mo ako at ngayon sasabihin mong gusto din ako ni Enzo? Thats too much,hindi ako babae para gustuhin ng katulad nyo,kaya hindi ko makuha ang pinupunto mo" sagot ko sa kanya.

"Sinasabi ko iyon dahil yon ang nararamdaman ko para sayo at yun ang tingin kong nararamdaman din ni Enzo sayo,I can tell by the way he looks at you,alam na alam ko yon dahil 8 years ago naranasan ko yon at ngayon lang ulit ako nagkaganito,though hindi ko inaasahan na sa kagaya ulit ni Yuri ako magkakagusto,life is so ironic,pero this time,hindi ako basta susuko,not again" seryoso nyang sabi.

I was dumbfounded sa mga sinabi nya. Sya lang ang pangalawang lalaki na nagpakita sa akin ng interes maliban kay Ford.

"At hindi ako papayag na mapahamak ka,hindi ka pa nga nagiging akin ay mawawala ka na agad? Kaya itigil mo na din ang plano mo sa mga Villamor" dagdag pa niya.

"Walang patutunguhan ang usapan nating ito Kurt,buo na desisyon ko. Ipaparanas ko sa kanila ang mawalan ng lahat lahat" matigas kong sabi at saka tumayo't dumeretso palabas sa P2 Restaurant.

Hindi ko gusto ang nangyayari,nakakagulo ng damdamin at pag iisip, one moment I was overwhelmed sa pagsabi ni Kurt na gusto nya ako,then biglang pinapatigil nya ako? Walang sino o ano mang pwede pumigil sa akin. Ipapalasap ko sa mga villamor ang sakit na mawalan ng lahat lahat.

Pumara ako ng Taxi,tinawagan ko si Brayden at sinabi kong puntahan nya ako sa Club ford. Hindi na ako makakapag hintay,kailangan ko ng kumilos.

Pagdating ko sa Club ay nagrerehears ang mga bakla,ng makita ako ni Reggie ay agad itong lumapit kasunod sina Pupu at Kookai,kita ko kung paano tumaas ng limang pulgada ang kilay ni Goddiva na iginuhit lamang sa eyeliner.

Insecure as always. Sabi ko sa aking isip.

"Madam! Namiss ka namin!" yakap sa akin ng mga bakla.

"Ang OA nyo ah,maka madam kayo dyan,ako pa rin to mga bruha"

"Syempre teh dapat madam,ikaw na ang amo namin eh" sagot ni Regz.

"Oo nga,at ang taray ng damit mo ah? Office girl ang peg!" segunda ni Pupu.

"Hindi lang yon,ang simple ni bakla,walang muk up at mukha na talagang GIRL" dagdag ni Kookai na nilingon pa si Goddiva.

"Mga baliw,hanggang ngayon ba hindi nyo pa din sya kasundo? Nasan si Tita Oro?" ang nasabi ko na lang,hanep din kasi ang mga baklang to eh,walang pagbabago.

"Wit!" sabay nilang tatlo sinabi yan kaya natawa ako.

"Hindi dapat inaabala ang rehearsal namin,si Mamita Oro ang sadya mo diba? Puntahan mo sya sa private office nya" biglang singit ni Goddiva sa usapan.

"Oh,nandyan ka pala,thanks for the information,uhm by the way,iwas iwasan mo ang pagtaas ng kilay,nahahalatang drawing lang eh" naka ngisi kong sagot saka bumaling kina Reggie. "I'll be watching the show,so see ya later beks!" sabi ko sabay talikod at tinungo ang private office.

Maghapon lang ako sa private office ni tita Oro,kwentuhan lang kami ng kwentuhan,ang dami kong nalaman sa kanya at sa pagkakaibigan nila ni Ford,how I wish na matulad ako sa kanila,kahit tumanda ay hindi iniwanan ng mga kaibigan. Sa totoo lang ngayon palang ako nagkakaroon ng mga masasabing kaibigan.

Night comes,swerte dahil Saturday,ngayon ang big night,dinudumog na ng mga parokyano ang club,kanya kanya na ng pwesto ng mesa ang mga DOM,ang mga naghahanap ng paglalabasan ng init ng katawan at ang mga gusto lumimot at makahanap ng kaibigan.

By 8pm ay dumating si Brayden,gwapong gwapo ang mokong sa office attire,hindi na siguro nakapag palit,ng makapwesto kami sa VIP room sa taas kung saan tanaw na tanaw ang stage at mga performer ay umorder na ako ng alak.

"I thought hindi ka pwede nung tinawagan kita dahil wala pang 40days since nung--" nakangiti nyang sabi but I cut it off.

"I have a change of mind,gusto ko magliwaliw Brayden" nakangiti kong sagot.

"Okay,sabi mo eh,edi magsaya tayo" sabi na lang nito,maya maya dumating na ang alak.

We started drinking and chitchating while watching the performers,ang weird nga at parang matagal na din kami magkakilala. Hard ang alak na in-order ko. Pansin kong pareho na din kaming may tama.

"You know what? Its funny na sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagka interes sa tulad mo" sa kalagitnaan ng pag inom ay sinabi ni Brayden. Kahit kasama sa plano ko na maging malapit sa kanya ay hindi ko naman iniexpect na ganyan ang sasabihin nya.

Dahil din siguro sa tama ng alak ay sinakyan ko ang sinabi nya.

"Really? Prove it then!" naghahamon kong sabi.

"Huwag kang ganyan Eiko,baka hindi ako makapag pigil at saka nandito tayo sa Club mo" sabi ni Brayden.

Tumayo ako,nilock ang pinto,then isinara ang mga kurtina at lumapit sa isang pinto kung saan pwede magpahinga,matulog,kumbaga private room.

Tumayo si Brayden,lumapit sa akin,pumasok ako sa kwarto at sumunod sya then I locked the door.

"I said,prove it" ulit ko,and before I knew it,magkahinang na ang aming mga labi.

EIKO : BitterSweet Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon