:[1] Si Crush★

854 65 24
                                    

ANICA'S POV

Second year highschool na ako pero bantay sarado pa din ako dahil naka School Service ako. Yung pakiramdam na ako ang pinaka matanda sa service namin, hay nakakaloka.

kaya wala akong ginagawang iba kundi matulog kapag nasa service kesa kausapin yung mga bata hindi naman kami close, eh may pagka tahimik pa naman ako.

Siya nga pala, ako pala si Anica Mariz Palacios Sophomore student sa Le Nashford University,
Ang cool ng name no? hahaha.

Well, ito ako ngayon dating gawi nakatingin sa isang school service. Eh ba't naman kasi kamalas malas ko, Nasa Far Far Away ang bahay namin kaya doon ako sa service ng malalayo ang bahay. Mabuti pa doon sa isang service andoon yung iba kong mga kaklase at si crush. KAIINGGIT! Mabuti pa sila ni Grace mag kaservice. Pero Paano kaya kung??

Kung mainlove si crush sa kanya?!

Paano kaya kung ligawan siya ni crush?!

Paano kaya kapag naging sila ni crush?!

WAAAHHH!! Hindi pwede, hindi pwedeee tohhhh!!! pero, paano nga kaya kung mangyari un?! Sakit.

****

Ngayon sa school,

"Class, dahil tapos na ang 1st quarter nyo mag seseating arrangement na kayo ulit."

at inayos na nga ni mam ang aming upuan

*blahhhh blaaahhhhh blaaahhh blaaahhhhhhhhhhh* Nakakaantok mga pinagsasabi ni mam antagal tagal naman kasi tawagin pangalan ko sa mga lilipat ng upan balak pa ata ihuli ang pangalan ko. Masyado naman akong Special. Siopao lang ang peg sa akin?

after 191222876607623years natawag din ang pangalan ko.

"Ms. Palacios Doon ka maupo sa tabi ni Mr.Clarkson" Finally tinawag na ni mam pangalan ko, akala ko tatandang dalaga na ako sa upuan ko eh.. pero tama ba narinig ko? Sa tabi daw ni Mr.Clarkson ako uupo? Sheyyt. Spell A-W-K-W-A-R-D

Tug.tug.tug.tug.tug. Anica act natural walang dapat makahalata na may gusto ka kay Amiel, dahil ang alam nila may gusto ka kay Vince.

So, pumunta na ako sa pwesto ko, hooh! buti nalang hindi dalawahan ang seating arrangement naming. Bale ganito ang position

Amiel-----Anica----Alden

Haha, kulit noh? puro letter A kami? nagkataon lang yan :)) SI Bestfriend at Si Crush ko katabi ko lang naman. Gudluck na lang sa akin.

So ayun, days go by... hindi naman kami ganun ka-close ni crush tsaka madalas nasusungitan ko siya , paano ba naman kasi, hirap kaya magselos ng patago-.- huhu. awtsu.

Kaya si Alden nalang madalas ko chinichika tropa ko yun e. :)

"Trops, mayshare share ako sau" Aba, parang bigla nasiglahan sa buhay itong bestfriend ko na mukha zombie lang kanina nung tinawag ko.

"nu yun Trops?" Masayang masayang sabi niya sa akin.

"kasi, alam mo ba? hindi nman na tlga si Vince ang gusto ko eh" Ano ba kasi meron dito kay Alden? Ang weird ng itsura niya ngayon mukha siyang asong zombie na ewan.

"Oh?! talaga trops?! sino naman yun?wag mong sabihing ako?" Ano daw sabi niya? Siya ba daw Cras ko. Jusme! Gusto ko tumawa sa harap niya kaso alam ko ma badtrep lang sa akin yan.

"Trops! wag feeler-.- hindi ikaw, si ano.. si.... si Amiel, Trops" Kung kanina ang saya saya niya, bakit nung bigla kong sinabi yun parang naging lantang gulay na zombie naman siya ngayon? Weird niya talaga.

Two Lost Promises (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon