:[12] Nearly to end of school year★

418 54 5
                                    

2 days na ang nakakalipas, since nalaman ko na lilipat na talaga ng school si Amiel. Hindi pa rin ako makapaniwala.... Ang daming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko tuwing naalala ko iyong sinabi niya.

Linggo ngayon, lahat sila nagsimba. Ako naiwan dito sa bahay mag-isa.. Ang lungkot ko.. Ang tahimik ko.. Lahat ng tao dito sa amin hindi ko masyado pinapansin at kadalasan nasusungitan ko pa.. Hindi din ako masyado makakain.. Lutang ang isip ko.. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Hanggang sa nakauwi na sila Mommy ay heto pa rin ako nakahiga... Walang balak bumangon. Maga ang mga mata.. Paano iyak pa din ako ng iyak simula nung isang araw at laging puyat.. mga 4am na ako lagi nakakatulog tapos pabangon bangon pa ako. Ang hirap matulog ng maayos kapag may dinadala kang problema noh?

"Anak, bangon ka na jan... Kakain na"

"Mi! Ayoko pong kumain wala po akong gana".

"Anak, bakit? dahil doon pa rin ba sa nalaman mo?"

Pagkasabi ni mommy nun ay hindi ko na napigilan umiyak....

"Sige Anak iiyak mo lang yan.. Oo, Alam natin mahirap yan.. pero diba Mahal ka naman niya? Ang kailangan mong gawin ngayon ay magtiwala sa kanya.... Sa tingin mo kapag nakita niya na nag kaka ganyan ka, matutuwa siya? Mag-aalala lang siya sayo ng sobra at baka makasama pa yan sa sakit mo.. Alam mo naman yang sakit mo.. Delikado na... Nag-iingat lang tayo..

"Hays, ang hirap mommy :("

"Kumain ka na muna.. Para hindi ka magkasakit lalo"

"Opo Sige."

Hanggang sa natapos na muli ang isang buong araw. Mag 2:30 am na at hindi pa din ako makatulog ,Mamaya may pasok na ulit kami.. Parang ang hirap makita siya. Tuwing nakikita ko siya, naalala ko na hindi ko na siya makakasama next year. Ansaklap...

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*!!!

Okay, hindi na ako magrereact dyan sa sevice ko na wagas makabusina. hehehe, nasanay na ako. Heto ako papasok na sa University at parang wala pa din sa sarili. Wala akong tulog, kakayanin ko kaya ito? Halatang halata na puyat ako.

"Kuya Amiel bakit parang may nagbago po kay Ate Nica?"  Narinig kong tanong nung elementary na kaservice namin.

"Paanong nagbago Justine?"

"Parang antahi-tahimik niya po, tapos tulala po siya at mukhang malungkot. Nakakapanibago lang po. Parang hindi ako sanay na ganyan siya. Kasi po diba Maingay at pala kwento po yan si Ate Nica? Nagulat ako sa sagot ni Justine.

Two Lost Promises (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon