ilang araw na lamang matatapos na talaga ang school year namin. Kaya ito kaming mag-kakaklase ine-enjoy na namin, kaya halos araw araw na kami gumagala. RICHKID XD
"Nics, paano yan? hindi na ako dito mag-aaral next school year,kakayanin mo ba?"
"Oo naman Amiel Mahal naman natin ang isa't isa ah diba?"
"Paano kung may bagong transfer student tapos, gwapo, mas matalino sa akin, mas best sa akin?"
"OH?! Eh ano naman! Ikaw ang mahal ko."
"Talaga?"
"Oo:">"
" tatandaan ko yan ha. 5:20am Wednesday nandito tayo sa loob ng service, sinabi mo na ako lang ang mahal mo."
"Osige ba. Wag mo kakalimutan yan ha."
"Iloveyou Baby Anica ko."
"Iloveyoutoo."
Alam ko na hindi madaling sitwasyon itong dadaanan namin ni Amiel pero diba nga Tiwala lang :) Paano kayo magtatagal kung walang tiwala sa isa't isa? Ang Swerte namin sa isa't isa ni Amiel kahit magiging LDR hindi kami bumibitaw.. Sana tumagal ito... Ang sarap talaga magmahal lalo na kapag mahal ka ng taong gusto mo ^___^
Super lapit na ng Bakasyon namin... Ito tapos na kami mag take ng Student Achievement test naming mga honors yung iba kasi sa isang araw pa eh. Pina una lang kaming mga honors. After ng test namin nag pasya kami ni Arthur na mamasyal muna saglit sa malapit na mall sa school namin. Dahil na din sa ine enjoy namin yung mga bilang na araw na magkasama kami dahil nga lilipat na siya at magiging LDR kami.
Yung pakiramdam na kahit hindi kayo mag-usap habang naglalakad basta kasama mo siya masaya ka at panatag ka? Mahal na Mahal ko talaga itong lalaki na ito. Sobrang mag-kaiba sila ng ex ko. Siguro marahil mas mabait, grabe kung mag care . Ramdam mo ang pagiging boyfriend niya sayo. Siguro din kasi dahil ako ang first girlfriend niya.
"Baby Oh, Ice Cream for you."
Alam na alam talaga nitong boyfriend ko ang pinaka gusto ko kapag napunta ng mall.
"Eh, Ang sweet naman talaga ng boyfriend ko."
"Oo naman. Ako pa! Basta tandaan mo ha. Mahal kita Anica Mariz Palacios. Huwag ka kagad makikinig sa sasabihin ng iba ha?"
"Opo Mr. Antukin"
"Nako ikaw talaga! Ang cute cute mo. Pa-hug nga."
"Good Boy ka sa bago mong school ha? Rinig ko maraming chix daw dun ah. Nakoo talaga! Amiel. Gigisahin kita ng pinong pino."
"HAHA, ang sungit ng mahal ko? Hindi naman Chix ang gusto ko eh. Ikaw ang gusto ko. Magiging good boy po ako. Promise."
"Oo na :P tama na ang bolahan. Gabi na oh. Uwi na tayo. Baka mapagalitan pa ko."
"Hatid na kita."
" Osige"
AMIEL's POV
After ng ilang oras nakauwi na rin ako. Sobrang traffic grabe. Tulog na kaya yung baby ko? Matext ko nga.
To: Baby Ko
Goodnight Baby!:* Sweet dreams. Iloveyou so much♥
Grabe! Sobrang nakakapagod pero masaya naman syempre kasama ko ang lakas ko. Mahal na mahal ko talaga si Anica. Siya lang walang iba. Hirap mag-Adjust neto next school year. New School, New Environment, New Classmates,New Teachers,New Friends. Pero si Anica pa rin.
" Hi Kuya Miel!!! I Miss You"
Teka parang familiar itong babaeng ito ah. Sino nga ba ulit ito? -____- hindi ko matandaan. Bigla bigla nalang kasing susulpot wala man lang pasabi si miss otor.
"Who U?"
"Awch! Grabe naman kuya Miel! hindi mo na ba ako matandaan? Hellooooo??! Ako lang naman ang pinaka maganda mong kababata. Si Ghien. Naalala mo na ba??"
Loadingggg.... Gin??? Ghin?? Ghie?! Ghien........hmmmm.
"Oh. I Remember. Ghien Valmadrid?"
" Ohyeaahh! Kuya Miel Namiss kita^_____^ Wala kang pinagbago! Ang pogi pogi mo pa rin *O*"
Si Ghien Valmadrid yung kababata ko na napaka kulit. Ako daw ang future husband niya. Sabi niya sa akin dati nung mga bata pa kami. Siguro naman nakalimutan na niya yung sinabi niya na yun.
" Kamusta ka na? Tagal din natin hindi nagkita ah. Tignan mo nga hindi na kita naalala."
"Super okay naman ako Kuya Miel! Syempre naman ako hindi kita makakalimutan. Ikaw ata future husband ko^__^"
#BabyAnicaKo Calling ~ ♬
"Hi Baby, Oh? bakit gising ka pa? Tsk..Tsk.. Pupuyat ka na naman noh? Wag ka magpapuyat ah. Magtatampo ako sayo.... Ocge.. Goodnight na. Tutulog na rin ako. I love you ulit baby ko."
"Kuya Miel!! Sino yun? Sino yung kausap mo?????????"
"Girlfriend ko."
"Huwattt??!!"
"Sige na Ghien. Matutulog na ako. Pagod ako. Dito ka ba mag-stay?? Matulog ka na rin. Geh Goodnight."
No! Hindi pwede mangyari ito. Sa akin lang si Amiel. Akin lang siya. Kung sino man siya. Akin lang si Amiel. Hindi sayo . Hindi sa kanila. Sa akin lang. I'll make your life miserable kapag inagaw mo si Amiel sa akin, Bitch. Hinding hindi kami papayag ni ate na mapupunta talaga sayo si Amiel.
BINABASA MO ANG
Two Lost Promises (ON-HOLD)
Teen FictionHanggang Saan ang kakayanin mong mag hintay? © Meloodyy♥