2. Hapunan ng isang Tinedyer

141 4 1
                                    

 3:45 na ng hapon nang makauwi ako. Pagod at gutom. Naghahanap ng makakain.

Kaso tulad ng inaasahan ko, wala akong inabutan sa lamesa.

Wala si Mama. Si papa nasa trabaho. Ang kapatid ko malamang nasa skwelahan pa. Ang ate ko naman ay hindi na talaga samin nakatira.  Mag-isa ako sa bahay. BADTRIP!

Ibinaba ko ang bag ko. Nagbihis ng pambahay at kinuha ang pera sa bulsa ng pantalon kong hinubad. 

Hindi ako bibili ng pagkain. Maghahapunan naman na.

Dumiretso ako sa computer shop. Mag-oonline muna ako sa facebook saglit.

"Kuya Baste, PC 3!" Sigaw ko sa bantay ng computer shop.

Maraming bata sa loob. Pero karamihan ay mga binatilyong naglalaro ng DOTA.

"Sige buksan mo nalang. Ilang oras ba?!" Sigaw niya.

Pinindot ko ang CPU at monitor. Hinila ko ang upuan at umupo ako.

"1 HOUR LANG!" Sigaw ko.

Dali-dali akong nag-online sa Facebook.

May mga friend request. 

Inisa isa ko.

Candy Dela Cruz. Confirmed.

Mc Peleo? Sino to? 

Tiningnan ko ang pictures.

Ah yung matalinong katabi ko.

confirmed.

Jyra Ramirez. 

Classmate ko siya nung grade 5. Okay. Confirmed.

Teka.

Eliza Ulindayao?

Trip ba talaga ko ni Ma'am? Sige confirmed!

Bukod sa friend requests  ay may mga notifications..

Jose Rizal Commented on your status...

Pedro Paterno likes your photo...

Boy Abunda sent you a reuest in FarmVille....

Justin Bieber Shared your Video..

at

Mr. Bean posted on your wall...

Walang bago.

Sa totoo lang, bukod sa pakikinig ng youtube, wala na kong ibang ginagawa sa computer. Hindi naman ako marunong magdota, sf o ano pa man. Nakakatamad na tuloy.

30 minutes later pa ay may nagchat saken.

Si Jyra.

* MAKOY, May Assignment ba tayo?*

 Jyra Ramirez is typing...

* HUY ANO? MERON BA?*

HAHA. Parang siraulo to si Jyra. First day of school ngayon paano kami magkakaroon ng-----

Teka.

OO NGA PALA MAY ASSIGNMENT KAME!

"Kuya Baste out na ko!" Sigaw ko.

30 chapters of sorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon