6. Taong nagtetext kahit walang load VS. Taong nagsasalita kahit walang kausap

61 0 0
                                    

AWKWARD.

Eto kami ngayon. Sa jeep. Kasabay umuwi si Jessica at si Vince. Sa kaliwang upuan kami nakaupo ni Mimi samantalang silang magkatabi ay sa kanan kaharap namin.

Ngayon ako nagsisi na kung bakit ini stalk ko pa tong dalawang to. BWISET!

JESSICA: Kailan niyo balak gawin yang project niyo? (Nakangiting tanong ni Jessica)

Tumingin ako kay Vince.

Nakangiti to samin.

Tumingin ako kay Mimi.

Hinihintay din nya na magsalita ako.

BAHALA SYA!

inilabas ko ang cellphone ko at kunyaring magtetext. 

Agad akong siniko ni Mimi pero hindi ko sya pinansin.

Si jessica ay halatang naghihintay pa rin ng sagot namin.

MIMI: Huh? ah eh, baka bukas?

Napatingin sakin si Jessica at halatang nagulat.

Ako rin naman ay nabigla sa sinabi ng intrimitidang babaeng to.

Jessica: Totoo yun Makoy?  Nung grade six tayo napakahirap mong mapalabas ng bahay kapag weekends ah. Bakit ngayon? hahahaha.

AKO: HA? AH EH. AHM. 

VINCE: Baka dahil kay Mimi. Ayiii..

"HINDI AHHHHHHHHHH!!!!!!!!!"

Naisigaw ko sa jeep. 

Nagtinginan lahat nang pasahero sakin. 

Vince: Easy ka lang makoy. Jinojoke ka lang namin.

LECHE KA!

ako:  AHMM. Wala kasi akong ginagawa ngayon sa bahay kaya pumayag ako.

JESSICA: AHH ganun ba. Sige. hahaha

Bumaling uli ako sa cellphone ko. Kunyaring nagtetext uli. Kahit walang load.

Nag usap uli sila. Ng kahit anong bagay pero hindi na ko nakisali sakanila. 

Hindi ako komportable kaya nagkunyari ako na busy sa pagtetext.

Nang.

"Makoy anong ginagawa mo?!" 

Tanong ni Jessica.

"Nagtetext." Sagot ko.

"Nalowbat kasi ako. Pwedeng makitext?"

Nabigla ako sa pabor na gusto niya. 

Paano to?? WALA NAMAN TALAGA KONG LOAD.

ANO BA NAMANNNNNN!!

Napansin siguro niya na hindi ako sumagot.

"Ahm. Kung okay lang naman Makoy." Sabi nya.

"Hindi okay sakin. AYOKO."

Pagsusungit ko kunyari.

"Sige. Ayos lang."

Halata ang mapaklang ngiti sa mukha ni Jessica. 

"jessica ako may load. sakin ka nalang makitext. "   si vince iyon sabay abot ng cellphone sakanya.

"salamat vince. " kinuha ni jessica yung phone sabay ngiti.

bwiseeeeeeeeeeeeeet!!!

Ano ba naman kasi tong napasok ko. 

JUSMIYOOOOOOO.

Huminto ang jeep sa sakayan ng Tricycle. Pumara na si Jessica at si Vince at halata pa rin sa mukha ni jessica ang pagkadismaya sa ginawa ko.

Nagpaalam sila samin at bumaba ng jeep.

Muling umandar ang jeep.

Naiwan kami ni Mimi na magkatabi tanaw sa labas si Jessica habang inaalalayan siya ni Vince.

Inintay ko na lumingon muli si Jessica pero hindi nya ginawa.

Kitang kita ng dalawang mata ko sila. 

Ang masaklap ay umangkla pa si Jessica kay Vince.

Sa paglayo ng jeep ay unti unti na rin silang nawala sa paningin ko.

AYOKO NA. 

Ilang kilometro pa ay bumaba na rin kami ni Mimi ng jeep. 

Sabay kaming maglalakad papuntang sakayan ng tricycle at doon ay magkaiba ang sasakyan namin.

Padilim na sa dinaanan namin. Wala nang dumadaan. Natatandaan ko ay dito kinidnap tong si Mimi. Tahimik ang paligid. kami lang dalawa at tanging poste lang ang nagbibigay ng ilaw.

"Makoy."

Sabi ni Mimi.

Hindi ako sumagot o kahit lumingon man lang.

"AHM. Tatanong ko lang kung gagawin ba natin tong project natin bukas."

Hindi uli ako sumagot.

"Kung tutulungan mo ko, dun nalang tayo magkita sa waiting shed sa sakayan ng tricycle. 1 pm. Daanan nalang natin sa school bukas yung ibang apparatus. Ok lang ba yun sayo?"

Hindi ako sumagot.

"Kung okay lang hihintayin kita."

Sa halip na sagutin ko ang mga sinabi nnya ay pinara ko ang padating na tricycle kahit wala pa kami sa sakayan.

huminto ang tricycle  at tumingin sya sakin.

"SIGE NA. SUMAKAY KA NA." sabi ko sa mahinang boses pero nais masunod ang sinasabi.

hindi sya kaagad kumilos.

"Sumakay ka na sabi!"

kahit nagdadalawang isip ay sinunod ako ni Mimi. Sumakay sya at umandar ang tricycle palayo sakin.

Alam ni Mimi na badtrip ako ngayon. At alam niyang isa siya sa mga dahilan nito.

Taong nagtetext kahit walang load VS. Taong nagsasalita kahit walang kausap (WAKAS)

 iTUTULOY....

30 chapters of sorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon