4. Trabaho ng Sgt. at arms

182 2 0
                                    

Break time na namin. Medyo hindi pa nawawala ang gigil ko kay reproductive system. Sa mga pinaggagagawa niya, at sa inasta niya sakin.

 Matulungin akong tao.

Wag ka nang pumalag!

Basta matulungin akong tao at mabait. (Sabihin mong hindi? Yung author na ang nagsabi mismo!)

Kaya nagawa ko siyang tulungan. Tapos tatarayin at pagmamalakihan lang niya ko?!

Okay na rin ako. Nabawasan ang galit ko dahil kasabay kong kumain si friend slash crush na si Jessica.

Oo. Crush ko siya grade six palang. Ultimate crush. Pero natatakot akong magtapat.

Hindi kami bestfriend.

Friend oo.

At alam kong kasama ko siya ngayon dahil kaming dalawa lang ang magkakilala sa classroom. O sabihin na nating medyo close. At hanggang dun lang yun.

Magandang babae itong si Jessica. Mabait oo. Matalino oo. 

Sa katunayan. Sa section namin ngayon ay makikitang siya ang pinakamaganda.

Maputi, mahahabang pilik-mata, matangkad, at may dimples kapag ngumiti. At kahit sinong lalaki ay magkakagusto talaga sakanya.

Nakakakilig.

Hindi niya alam yun. Na ang mga paro-paro sa tiyan ko ay nagsisimulang magliparan dahil kasama ko siyang kumakain ng value meal na NFA yata ang kanin sa canteen.

At ang mga bulate, masyadong kill joy dahil nakikisabay sa pagwawala. Hindi nagpapatalo. Gusto rin ng exposure.

Nakatingin ako sakanya. Ang ganda niya. At kung mahuhuli man niya ang tingin ko ay agad kong tinatanggal.

Tinitingnan kami ng mga dumadaang lalaki. Kahit di sabihin ay alam kong humahanga rin sila sa babaeng kaharap ko ngayon sa lamesa.

Romantic. Kahit ang settings ay ang maingay, matao, at mainit na canteen. 

Pakiramdam ko kami lang ang tao. Kami lang ang kumakain. Kami lang dalawa. Isang itong date.

Para sakin.

Humahanga ako. Nagkagusto. Pero siyempre, andiyan pa rin ang katotohanang prioridad ko ang pag-aaral at nasa murang edad pa ko para umibig.

Ngayon, lalasapin ko muna ang mga sandaling pagsulyap lang kay Jessica.

Nasa ganon akong pag-iisip nang sa di kalayuan sa canteen ay may nagkakagulo.

Napatingin kami ni Jessica sa tumpok ng mga tao.

Lumapit kami.

Doon ay nakita namin ang grupo ni Jusmine na pinagtutulungan na awayin si reproductive system. Sa lapag ay natapon na ice tea.

"Hindi ka kasi nag-iingat nerd ka. Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Sigaw ni Jusmine sa nakayukong si Reproductive system.

Napatingin ako kay Jessica na nasa tabi ko na noon ay umiiling iling. Alam niya ang ugali ni Jusmine, hindi ito yung tipo ng tao na basta nalang magpapatalo. Ganti kung ganti.

"Paano ang gagawin ko diyan ha? Ano nang iinumin ko?" Hindi sumasagot si reproductive system.

Nakayuko lang siya.

30 chapters of sorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon