Pumasok kami sa bahay nila. Tahimik ang paligid at walang katao tao.
May kalakihan ang bahay pero hindi grandyoso na pang mayayaman. Hindi rin naman sila mahirap. Simple, kung ilalarawan.
Maraming halaman sa labas pagpasok ng gate. Pagpasok naman ng mismong bahay at sala agad.
Ibinaba ko ang bag ko at umupo ako sa sofa.
Tahimik kaming dalawa.
"Nasaan ang mga magulang mo?" Tanong ko para basagin ang katahimikan.
hindi sya agad sumagot.
"Si mama? May binili lang yun." sagot nya.
"eh ang papa mo?"
tumingin sya sakin.
"gusto mo ng maiinom?" sa halip ay tanong nya.
Gets ko na.
ayaw niyang pag usapan ang ganung mga bagay.
Hindi ko rin sya sinagot at tumingin ako sa bintana nila. Umuulan pa rin.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at nagtext.
Ilang segundo din niyang pinanuod ang mga galaw kong yun bago sya umalis at pumuntang kusina.
matagal bago sya bumalik.
Naiinip ako.
Tumayo ako at lumapit sa mga photo albums na nakapatong sa aparador sa gilid ng tv nila. Kinuha ko ang isa dun.
umupo ako at binuksan ang album.
"MY BABY" Nakasulat sa unang pahina.
Kung hindi ako nagkakamali ay comfilation yon ng mga picture ni Mimi. Gawa malamang ng mama niya.
Si Mimi.
Si Mimi na nakilala kong baduy, jologs, weird, at nerd.
Si Mimi na magaling mambadtrip.
Si Mimi na tahimik.
Si Mimi na tinuturing kong malas.
at si Mimi na kung titingnan ay walang buhay. Boring at hindi friend material.
Malayong malayo sa mga pictures na tinitingnan ko ngayon.
Isang batang may hawak na manika.
Isang batang nagsasayaw.
Isang batang umiihip ng kandila sa cake.
Isang batang nasa swimming pool.
at isang batang nakabungisngis.
Binuksan ko pa ang ibang mga pahina.
Isang batang may sakit.
Sinarado ko ang album.
Laking gulat ko nang makitang nakatayo na pala si mimi sa harap ko hawak ang dalawang baso ng juice.
"AH EH. Pasensya ka na ah. Pinakielaman ko."
BINABASA MO ANG
30 chapters of sorrow
FanfictionIsang batang napag-iwanan ng kasalukuyan dahil sakanyang kabagalan. Hubad at sariwa ang kaalaman hindi ko alam ang dahilan. Yan si Makoy. Makulit, pasaway, matalino at matalinaw, mabait kapag tulog. Magmamahal, masasaktan. Madadapa at muling babango...