Nakakakilig. Sa bawat reply niya, ang mga paro-paro'y nagliliparan sa aking tiyan. Ang mababangong bulaklak ay nahuhulog mula sa itaas. At ang tamis ng kanyang mga salita ay nagsisilbing tanglaw sa madilim na gabi.
9:00 PM. Friday na pala bukas. Ang bilis ng araw. Matatapos na ang unang linggo ko sa High School. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas.
Kakatapos ko lang gumawa ng assignments, at eto ako ngayon. Nakahiga sa kama, hawak ang cellphone at masayang katext ang aking hinahangaang si Jessica.
Pero ayon sa kwento, wala akong cellphone kaya babaguhin natin ang eksena.
Nakasilip ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga bituin na sa paglipas ng sandali ay nagsisimulang maging mukha ni jessica. Napakaganda niya. Wala siyang kasing ganda. Ang matatamis niyang ngiti, ang mapupulang labi, at mapang-akit na mga mata.
"MAKOYYYYY!!"
Mula sa unang palapag ng bahay ay narinig kong tinawag ako ni Mama. Wrong TIMING naman.
Mabilis kong isinara ang bintana at lumabas ng kwarto.
Bumaba ako at inabutan ko si Mama, Papa at Icy na nagkakagulo sa ilang mga kahon na nasa sala.
'Ano pong meron?" Tanong ko.
"Tingnan mo to MAKOY, Dumating na ang mga package ng ate mo mula Italy. Eh hindi daw muna sila makakauwi sa buwan na ito at abala yung kano niyang asawa." Sagot ni Mama.
"Ganun po ba? Meron ho bang para sakin dyan? hehe" Tanong ko uli.
Tiningnan nila kong tatlo.
"Joke lang po. Kahit chocolates ayos lang sakin." Sabi ko.
" Eto naman! Abay eto oh, kaya kita tinwag eh may pinadalang Laptop yung ate mo para daw sa pag-aaral mo."
Iniabot sakin ni Mama ang isang kuwadradong itim na bag na may kabigatan. Nanabik ako bigla.
"Marunong ka ba naman gumamit niyan? Ako hindi eh." Sabi ni Mama.
"Syempre po!" Sagot ko at halata sa boses ko ang pananabik.
"Hoy MAKOY, Minsan pahiramin mo ako nyan ah." Singit ni papa.
"Oy ROY, Manahimik ka. Para yan sa mga search search ba yun? Basta ayun" Sita ni Mama kay papa.
"Eh bakit? Magreresearch ako?"
"Hala. At ano naman ang ireresearch mo aber?" Pumaywang pa si Mama at inirapan ang makulit na si Papa.
"Kuya MAKOY para sayo rin yata to oh!" Napatingin kami kay ICY.
Hawak niya ang isang maliit na kahon NG CELLphone.
"Sigurado ka bang para sa kuya mo yan?" Tanong ni mama na halata sa boses na interesado rin sa telepono.
"Opo. Nakasulat po ang pangalan niya dito eh. PARA KAY MARK. Yun ang nakalagay."
Napangiti ako.
"ABA SOBRA SOBRA NAMAN YATA." Si Mama iyon.
"Pabayaan mo nga't habang may biyaya, tanggap lang nang tanggap." Pagtatanggol ni papa.
BINABASA MO ANG
30 chapters of sorrow
FanfictionIsang batang napag-iwanan ng kasalukuyan dahil sakanyang kabagalan. Hubad at sariwa ang kaalaman hindi ko alam ang dahilan. Yan si Makoy. Makulit, pasaway, matalino at matalinaw, mabait kapag tulog. Magmamahal, masasaktan. Madadapa at muling babango...