Maganda ang sikat ng araw, katamtaman ang ihip ng hangin, maamoy mo ang mga sariwang bulaklak na nagsisimulang magsibukas..
Kay gandang umaga.
nang
"MAKOY BUMANGON KA NA ANONG ORAS NA."
Nagising ako sa sigaw ni mama.
"MAY PASOK KA PA!!! TSAKA MAY DADAANAN KA PA SA PALENGKE DIBA??"
Alam kong nakatayo siya sa pinto ng kwarto at kahit nakapikit pa ko ay nakikita ko ang nakakunot niyang noo.
"OPOO. 5 Minutes." Hirit ko.
"Letche! Basta bumangon ka na."
Pagkasabi ay tumalikod na siya.
Kahit inaantok pa ay pinilit ko ang sarili na tumayo na para gumayak.
Dumiretso ako sa banyo ng kwarto dala ang tuwalya.
Nagsepilyo at dali-daling naligo.
Infairness mabula ang sabong safeguard.
Kuskos. Kuskos. Kuskos.
Buhos. Buhos. Buhos.
Kiskis. kiskis. kiskis.
Buhos uli.
Isa pa.
Buhos.
After 15 minutes ay lumabas na ko.
Nagpunas ng buhok.
Punas ng katawan.
Suot ng brief.
Suot ng pantalon.
Suot ng sando.
Lagay ng deodorant. (Rexona to men!)
Binuksan ko ang cabinet para kunin ang uniporme na agad kong sinuot.
Wisik ng pabango.
Harap sa salamin.
Dinampot ko ang wax sa ibabaw ng lamesa sa harap ng salamin.
Kumuha ako ng tama lang at dali-daling inayos ang buhok.
Ayos.
Ayos.
Ayos.
Ayos.
Gulo, gulo, gulo.
Ayos uli.
Ayos.
Ayos.
Ayos.
Gulo uli.
Ayos.
Ayos.
Gu---
Yan okay na.
Dinampot ko ang bag ko at lumabas ng kwarto.
Medyo inaantok pa ko ah.
BINABASA MO ANG
30 chapters of sorrow
FanfictionIsang batang napag-iwanan ng kasalukuyan dahil sakanyang kabagalan. Hubad at sariwa ang kaalaman hindi ko alam ang dahilan. Yan si Makoy. Makulit, pasaway, matalino at matalinaw, mabait kapag tulog. Magmamahal, masasaktan. Madadapa at muling babango...