Mag krus pa kaya landas namin? 3 years ago since nung sumikat siya at ako naman nagbabalak na ako umalis ng bansa next week, napag planuhan ko na din kasi na mas maganda kung ipagpapatuloy ko pag aaral ko sa USA.
Ako nga pala si Apple Vanessa Wong, ang maghahanap ng forever sa USA. Char, BWAHAHAHA! 19 years old palang ako, at syempre, turning 20 palang. Nirequest ko kela Mama at Papa, na sa private plane nalang namin ako sasakay. Sila Mama at Papa naman, nasa USA na sila, bale ako nalang mag isa dito sa mansion. Nauumay na kasi ako mag isa dito. Next week na ang flight ko, ang aga aga 7:20 am daw!
6:40 am Monday (July 6, 2015)
Paalis na ko ng bahay, ang aga ano? Aba syempre, kailangan ko mag hanap ng forever sa airport! Char, 7:20 am kasi ang flight ko, sabi nila Mama at Papa may makakasabay daw ako na celebrities dun. Sanay na ako, ganyan naman kapag umaalis kami ng bansa. Pero this time ako lang mag isa.
"Manang, yung sasakyan po ba nasa labas na?"
"Ay opo Ma'am, kanina pa ho."
"Osya Manang, aalis na po ako. Ingat po kayo dito."
Hindi na sumagot si Manang, matagal na namin syang kakilala at pinagkakatiwalaan. Kilala nga ni Manang si Red, Red Saavedra, ang lalaking nagpatibok at nagpapatibok pa din ng puso ko. 5 years ago sobrang close pa namin, magka-chat pa nga kami, magka-text, tapos ngayon? Wala na..
...
"Ma'am, nandito na ho tayo sa airport, kaya nyo na ho ba tong maleta nyo?"
Panira moment, nag eemote ako manong e.. "Ay opo, kaya ko na yan."
Tulad nga ng sabi ko, may private plane kami. Pumasok na ako sa loob at alam naman na nila na sa private plane namin ako sasakay.
Nag iikot ikot ako dito sa p.p (private plane in short) namin, masasarap naman ang mga pagkain at inumin, para akong bata na tumatakbo ng maka-bunggo ako ng isang lalake..
"Ikaw?!" sabay naming sinabi yon at guess who? Kung siya ang iniisip nyo, tama kayo. Si Red Saavedra ang nabunggo ko, hindi ko akalain na iniisip ko lang kanina, ngayon nasa harap ko na.
"A-Apple, ikaw ba yan?"
"Ay hindi! Anino ko lang 'to!" tiyaka niya ako itinayo.
"Tch. Naalala ko nga pala, private plane niyo to."
(_-) (-_) ganyan kami mag usap ngayon.
Red's POV
Ako nga pala si Red Lucas Saavedra, artista na ako ngayon, 5 years ago ng makilala ko si Apple. Sa dati kong school kami nagka-kilala, ewan ko, ba't kami naging close. May kakaiba kasi sa babaeng yon e, ibang iba na sya sa Apple na nakilala ko noon, lalong gumanda at pumayat. Si Apple nga pala ang naka bunggo ko kanina.
...
"Sir Red?" si Butler, kasama ko. -_-
"Yes, butler?"
"Lumipat daw ho kayo sa ibang mahihigaan."
"Tch. Saan ako hihiga? Sa lapag?"
"Duon ho, Sir" tsaka tinuro ni Butler ang malaking room.
Apple's POV
"Apple?!"
"Hindi, mango, malamang ako" sagot ko sakanya. -_-
"Sabi ni Butler dito daw ako lumipat. Uyy! Request mo?"
"Wag kang feeler kung ayaw mong batuhin kita ng totoong mansanas, sila Mama at Papa ang nag request"
Feeler talaga nito kahit kailan, sarap hagisan ng mansanas e. Oo, may isang malaking room pamilya namin dito sa p.p, parang hindi nga to eroplano e ta--
"KYAAAA! Hoy, bakit ka nag tanggal ng t-shirt?! RED LUCAS SAAVEDRA!!" kahit wala tong abs, mahihimatay ka e.
"Bakit, masama ba?"
"Malamang! Hindi lang naman tayong dalawa dito!"
"Ha? Sino pa?"
"Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, papalag ka?"
Natahimik sya at naupo sa gilid ng kama. Ngayon ay nakatitig ako sakanya, ang pogi pa rin nya, chinito, maputi, matangkad.
...
"Hi Apple!" sabay sinabi nila Ate Kathryn at Kuya DJ, noon pa man close na kaming tatlo. Minsan nga dumadalaw sila sa mansion eh, di mo lubos akalain na may ka-close akong artista.
"Hi Ate Kath! Hi Kuya DJ"
"Sino siya? Boyfriend mo?" tanong ni ate Kath at si Kuya Dj naman ay nag cr.
"Ayyy! Si Red Saavedra nga po pala, fri--"
"Hi po, bestfriend po ako ni Apple. Artista din po ako. Eto naman frine-friendzone ako"
"Ate Kath dun po kayo sa kabilang kama" at nahiga na dun si Ate Kath, sumunod si Kuya DJ..
....
"BWAHAHAHAHAHA!!!!" tawa naming apat na tawang tawa sa Scooby Doo, yan na-tripan namin kanina eh, pinag tataluhan kasi namin kung Mission Impossible ba o Crazy Beautiful You, mamaya na ang CBY.
Tignan mo to si Red, kahit anong gawin nacucutan ako sakanya. Natapos na ang Scooby Doo, sunod na ang CBY. Pero bago nyan kakain muna kami.
Kukuha na sana ako ng pagkain ng may humila saakin...
Red's POV
"Red, ang cute mo" FCK! I'M NOT A GAY PERO KAPAG SI APPLE NAG SASABI NYAN, KINIKILIG AKO!!
BINABASA MO ANG
Muling Ibalik
Teen FictionMaibalik pa kaya ang nakaraan na noon ay nawasak dahil sa kasikatan at pagka-wala ng komunikasyon?