Part 27 ~ Wallpaper

33 0 0
                                    

Apple's POV

Hanla? Sino naman kaya yung sumigaw? Parang boses ni Allysa yun ha? Teka nga, nasa taas lang yun ah? At bakit wala dito si Louis?

Mabilis na tumakbo ang timberwolves papuntang taas, at ako malumanay na umaakyat dito sa may hagdan. Next time nga sasabihin ko kela Mama at Papa na lagyan ng elevator 'tong mansion, nakakatamad kasi umakyat at tumakbo kapag may emergency.

Ako lang ang mag isang mabagal na paakyat dito sa may hagdan, lahat sila nataas na ata. Nakakatamad kaya tumakbo, mamaya madapa pa ako, kawawa naman ilong ko, baka ma-flat. Mapagkamalan pa akong anak ni Lord Voldemort, tch.

At sa wakas naka-akyat na din ako dito sa taas, syempre kapag umakyat it means nasa taas. Alangan namang umakyat ka tapos nasa baba ka? Tch, tanga Apple.

Ang mga mukha ng timberwolves, ni Shy at ni Jia ay mukhang gulat na gulat! Pag kita ko naman ay..

"MGA LECHE! ANONG KABABALAGHAN PINAG GAGAWA NYO DITO SA MANSION KO?!!!!" yes, mansion KO. At ang nakita ko ay hindi kanais nais na paningin ko, si Louis na naka-patong sa kapatid ko na hanggang ngayon ay magka-dikit pa rin ang labi nila.

"Wife, relax ka lang! Wala namang masama dyan." awat ng lecheng bopis, AKA AJ.

"Eh kung lumabas ka kaya ng mansion ko ng hindi dumadapo yang paa mo sa lapag?! Anong walang masama?! Tignan mo nga!" leche, ginagalit ako. Wala raw masama! Aiiish!

"HOY KAYONG DALAWA! SUMIGAW NA KO'T LAHAT LAHAT MAGKA-DIKIT PA RIN LABI NIYO?! EH KUNG UMAYOS KAYO'T WAG NA MAG PAKITA SAKIN NG MATUWA AKO?!" sigaw ko sakanilang dalawa, sino ba naman ang matutuwa? Sumigaw na ako at lahat magka-dikit pa rin labi nilang dalawa. Tch.

Tiyaka sila mabilis na bumaba, galitin ba naman ako. Etong kapatid ko lumalandi, aba? Maypa-kiss kiss ng nalalaman, pasalamat siya hindi ko 'to masasabi kay Mama at Papa.

Aj's POV

Wife's reaction though, medyo galit. BWAHAHAHA! Nag pigil lang ako ng tawa. Actually panalo mukha niya, makita ba naman niya si Louis na naka-patong sa kapatid niya. Panalo Wife!

"Hoy na-uulol ka na ba? Anong nginiti-ngiti mo dyan?" tch. Pinansin nanaman ako nito ni Wife, naka-upo siya sa may dulo ng sofa, habang ako naka-upo sa isang dulo. Ayaw niya tumabi saakin eh.

"Tch. Pinansin mo nanaman ako Wife, ganyan na ba talaga kapag pogi fiance mo?" saka ako nag killer smile.

"Pogi? Saan banda? Leche ka, napaka-hangin mo. Pwe!"

"Eh kung nag a-agree ka nalag kaya Wife? Tch. Paano ka naman nainlove sakin kung 'di ako pogi?"

"Kasalanan ko bang magka-gusto sayo? Araw araw ko atang tinatanong sa sarili ko bakit ikaw pa naging fiance ko, sa ganda kong to, marami namang pogi dyan at mayayaman pero bakit ikaw pa. Nyeta kang feeler ka!"

"Aba Wife, kakapit lang ako dito sa sofa. Baka matangay ako ng lakas ng hangin na idinulot mo! Nahiya naman mukha ko sayo Wife." tiyaka ako umaksyon na naka-kapit sa sofa at takot na takot.

"G*go ka ba? Eh kung tanggihan ko kaya 'tong arrange marriage na 'to?!"

"Nako Wife, mga panakot mo. Aissh! Akala mo naman magagawa mo."

"Aba ako pa hinamon mong bopis ka ha? Hintayin mo lang leche kang mahangin ka, pag gising na pag gising mo bukas." nag babanta niyang sabi saakin habang nag cecellphone.

Tumahimik nalang ako dahil alam ko na yung tono ng boses niya, BWAHAHAHA! Soon to be wife kong pikon, ang cute cute niyang maasar at magalit. Lalo na kapag minumura niya ako, tch. Wag na kayong maarte dyan. Oo, natutuwa ako sa tuwing minumura niya ako.

Hanggang ngayon nag cecellphone pa rin siya, mukhang busy na busy. Mukhang nawala na yung nakita niya kanina, umayos na mukha niya eh. Tch, hindi ko pa rin talaga makalimutan ang itsura ni Apple kanina. AHAHAHAHA!! Panalo, pwede ng pang actress. Gulat na gulat eh.

"Wife! Tigil mo nga muna yang pag cecellphone mo. Masisira mata mo niyan eh." ni lingon o tingin wala, busy na busy sa cellphone niya.

"Wife! Hindi mo talaga ako papansinin?" hinablot ko ang cellphone niya at natuwa naman ako sa nakita ko, wallpaper niya ang picture ko.

(Nadya's note: Yung wallpaper po ni Apple ay naka lagay sa may gilid. Thank you! ^_^)

"KYAAAAAAAA!!! Akin na nga yung cellphone ko, kahit kelan napaka-pakeelamero mong leche kang bopis ka!"

"Kaya pala Wife kanina ka pa naka-titig sa cellphone mo, ako pala wallpaper mo! I love you Wife!" tiyaka ko siya niyakap na ikinabigla naman niya.

"I love you mo mukha mo! Akin na phone ko! Bitawan mo nga ako, aisssh!" kinalas naman niya ang pagkaka-yakap ko sakanya na ikinatampo ko.

Kinuha na niya ang phone niya't umupo uli, pero sa ngayon nasa iba siyang sofa. Hindi manlang siya nakaramdam na nag tatampo ako, minsan na nga lang ako mang lambing sakaniya.

Apple's POV

Aissh! Nakakainis talaga 'tong si Aj, bigla bigla nalang hinablot cellphone ko. Mukha siyang nag tatampo ngayon dahil sa hindi ko siya sinabihan ng 'I love you too' at kinalas ko ang pagkaka-yakap ko sakaniya.

Tch. Ginuguilty ata ako nito, oo na sige na. Guilty na ako sa ginawa ko't alam kong hindi tama yun! Author bakit mo 'to ginagawa? I'm so na guiguilty na! Sige na nga, lalapitan ko na siya. No choice naman ako, gusto lang naman din niya ng lambing.

"Cuppycake, kahit alam kong leche ka sa buhay ko. I'm sorry, I love you." tiyaka ko siya niyakap at siya naman ay nag pout na parang bata.

"Be thankful at mahal kita, kung hindi.." lumingon siya at tinignan ako ng naka-killer smile, aba.

"Kung hindi ano?" nag kibit balikat naman ako at habang naka taas ang kilay ko.

"Kung hindi, aakalain kong anino lang kita."

"Ah ganun? Eh kung sipain kaya kita papuntang araw?" tinarayan ko uli siya.

"Hindi ko na alam gagawin sayo Wife." sabi niya habang malungkot ang itsura.

"Napaka pangit mong mag tampo bwiset ka, ngumiti ka kung hindi? Hahalikan kita sa pisnge." automatic naman siyang napangiti na mukhang bata.

"Sa pisnge lang?"

"Oh ano? Choosy ka pa?"

*tsup*

*tsup*

*tsup*

Pagka-tapos ko siyang halikan ay tumakbo ako papunta sa kwarto, akalain niyo yun? Ang bilis kong tumakbo. Samantalang nung sumigaw si Allysa akala mo kung anong klaseng tao ako sa sobrang bagal ko.

Nandito na ako sa kwarto at patuloy na binubuksan ni Aj ang pinto, tch. Bopis na 'to, hindi pa mabuksan buksan yung pintuan. Pero wait lang? Bakit dito pa ako sa kwarto nag tago? KYAAAA! Shunga ka Apple!

***

A/N: Abangan ang susunod na chapter para malaman kung ano na nga ba nangyari kay Aj at Apple! Thank you for reading. <3

Muling IbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon