Part 28 ~ Salon

23 0 0
                                    




Apple's POV

Pilit na binubuksan ni Aj yung pintuan, aba nangangawit na ko dito, hindi manlang niya naisip na hindi naka lock yung pintuan? Ito talagang lalake na 'to.

"Leche binubuksan mo ba yung pintuan? Kanina pa ko nangangawit dito, Cuppycake!!"

"Fck! Hindi pala naka lock? Tangna Wife!!" BWAHAHAHAHA! Akala niya naka lock yung pintuan, tch. Kaya pala hindi niya masyadong tinutulak.

"Tanga ka ba? Edi sana hindi ako nangangawit kamay ko ngayon leche ka. HAHAHAHA!!"

*boogsh*

"Punyeta kang bopis ka! Aray ko!" itumba ba naman yung pintuan, ang bigat pa naman. Nandito ako sa likod ng pintuan na natumba. Aissh!

"Eh bakit kasi nandyan ka sa likod? Alam mo namang kaya ko 'tong itumba."

"Malay ko bang kaya mo 'tong itumba? Eh kung ikaw kaya itumba ko dyan?"

"Kaya mo Wife?"

"Ako pa hinamon mong bopis ka!" tumayo ako at bigla siyang..

A.) Sinapak B.) Sinipa C.) Sinampal

*boogsh*

Syempre ang sagot dyan ay A. oo, sinapak ko si Cuppycake. Akala niya ba hindi ako marunong manapak? Tch. Hintayin ko lang maging color black mata niya, ng malaman niya kung gano kasakit mabagsakan ng pinto.

"Fck Wife! Why did you do that?"

"Hinamon mo ko eh."

Pagka-tapos nun ay niyakap ko siya na para bang bumalik ako sa pagka-bata. Aaminin kong kahit ginaganito ko siya mahal na mahal ko yan, nagpapa-salamat nalang ako sa nanay at tatay ko, dahil kung hindi? Hindi ko 'to kilala ngayon.

AJ's POV

Ang sakit pa rin ng sapak sakin ni Apple, kahit na niyakap ako nun grabe ang sakit pa rin eh. Tangna ang lakas sumuntok, akala mo hindi babae eh.

Naka-higa na kaming dalawa ngayon, nandito kami sa kwarto ko. Nakakapagod 'tong araw na 'to, andaming nangyari. Wala dito si Allysa, malamang sa malamang kasama yun ni Louis. Paalisin ba naman ng ate niya eh.

Pero panalo pa rin talaga yung reaction ni Apple, nanlaki mata tapos biglaang beastmode. Lahat sila natakot, habang ako nag pipigil ng tawa.

"Wife, gusto mo bang mag mall tayo bukas?"

Pag lingon ko eh naka-tulog na pala, ako pa mag luluto bukas. Tch. Ano kaya masarap na iluto? Egg, bacon and hotdog nalang.

--

Kakagising ko palang, oh shit. 9 na, buti nalang tulog pa rin 'tong si Apple. Usually kasi maaga siya magising, it's either 6 or 7. Nag mumuni muni kasi yun sa garden o 'di kaya, nag luluto.

Maka-pag toothbrush nga muna, mamaya halikan ako ni Wife eh ang baho pa ng bibig ko. Arteng lalake eh 'no?

"Cuppycake, ang aga mo naman magising? Bukas pa naman pasok natin ah."

"I know Wife, manood ka muna dyan ng cartoons. May gagawin lang ako. I love you." mahilig kasi siyang manood ng cartoons, at syempre hinalikan ko siya sa noo.

"Okay baby, I love you too."

"Naks naman Wife, ano 'to? Mag syota lang? New endearment ah."

"Nyeta ka, ang aga aga wag mo kong bwinibwisit."

Tumayo siya at aba? Nagpalit ng damit, naka sando at shorts and fck. Ang sexy niya. Ang swerte ko talaga, naka jackpot ako.

Muling IbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon