Part 25 ~ Itlog

30 1 0
                                    

Apple's POV

*knock knock*

"Ms. Apple, may nag hahanap po sainyo."

"Sino daw po Butler?"

"Bumaba nalang daw ho kayo."

Ang aga aga naman may bisita? May napaginipan ako, crush ko daw si Barney. Buti nga hindi ako binangungot, sabi din nila bading daw kasi si Barney. Hindi nga marunong mag nail cutter yun e, ang haba ng kuko sa paa. Actually may nail polish pa nga e, color white. BWAHAHAHAHA!!

Aga aga, inaatake ako ng ka-cornyhan. Mag hihilamos na muna ako at mag too-toothbrush at mag aayos ng onti, baka sabihin excited ako masyado kaya ang bilis kong bumaba. Pagka-tapos kong mag hilamos at mag toothbrush, nag ipit na ako ng buhok saka nag lagay ng pulbos.

Pababa na ako at kinukusot kusot ko pa mata ko, antok na antok talaga ako sobra. Hindi gumana yung hilamos e, ayan tuloy. Kumanta kaya ako? Pero mamaya na, baka bumagyo. May bisita pa naman.

"Hoy kulubot, ako nauna dito!" sigaw ni Red.

"Anong kulubot ka dyan? Hoy, baby face 'to!" sagot ni Aj.

Hanla? Bakit nandito 'tong dalawang 'to? At bakit nandito din ang timberwolves? Ang iingay pa naman nitong mga 'to, maagang pang bubulabog ang gagawin nila. Sigurado ako dyan.

"Tangna Captain, kahit si Apple inaantok pa. Hilig niyong mang bulabog." inaantok na sabi ni Calyx.

"E tangna din nitong bubwit na 'to e, nakikipag unahan." sagot ni Aj.

"Bubwit? Tch. Hoy kulubot, aminin mo nalang kasi na nauna ako dito!" sigaw ni Red.

"Ulul, manahimik ka!"

"Ulul ka din!"

Ano ba naman 'tong dalawang 'to. Aissh! Tignan mo nga 'tong mga timberwolves, mga nagsisi-hilikan na dito sa sofa. Si Lorence naka nganga pa! Si Calyx, Louis, Ian, Mark, Kyle at si Carl e mga tulo laway. Hindi dapat timberwolves e, tuloy laway gang dapat pangalan ng team nila. Tch.

"GOOOOOOOD MORNING TIMBERWOLVES!" sigaw ko sakanila para magising naman sila.

"OWW!"

"DAPAK!"

"FCK!"

"WHAT?! SAAN?!"

"TANGNA!"

"JUSKUPURUDI"

"Nakalunok ng megaphone. Aissh!"

At tada!! Gising na ang mga maiingay na timberwolves, habang si Aj at Red ang sama ng tingin sa isa't isa. Baka nagkaka develope-an na. Bromance lang? Ishiship ko na 'tong dalawang 'to next time. Tinitignan lang namin sila, parang yung nasa isip nila e nagpa-patayan na sila. Tch. Ano bang ipinunta nilang dalawa dito? Aissh!

"Bakit ba kayo nandito?" tanong ko.

"Wife."

"Vanessa."

"Ano? Forever na ba kayong mag sasabay mag salita?"

"Tch. Hoy bubwit ako nga muna!"

"Hoy kulubot, ako muna, tutal ako nauna dito."

"Pag untugin ko kaya kayo? Ikaw mauna Saavedra."

"Sabi na sa'yo kulubot e, ako ang uunahin!"

"Tch. Dami mo pang sinasabi, bilisan mo bubwit."

"Dumalaw ako dito para i-check if you're okay."

"Tch. Baduy. I came here to say sorry for what happened sa mansion."

--

Umalis na silang dalawa at ang timberwolves. Hapon na din at gusto ko ng itlog na maalat at ng pugo, mai-tweet nga. Nandito ako ngayon sa kwarto, si Allysa naman umalis, may pupuntahan daw siya. Yun talagang si Amae napaka gala. Tch.

{ I want pugo and itlog na maalat!! } tweet sent.

Nag twitwitter lang ako simula kanina pagka-tapos kong maligo. Hindi naman ako inaantok, sa sobrang bored ko e nag selfie nalang ako at pinost ko yun sa instagram. Syempre hindi mawawala ang comment nung dalawang ng gambala saakin kanina.

6,447 likes and 73 comments (instagram)

ajjiyownn: Wow wife, you're so pretty.

prettyshy: Gorgeous!

blacksaavedra: Damn, you're too gorgeous.

allysamazingg: Wow Ate, i'm umalis lang naman. You make selfie na! You're so ganda talaga Ate Avane!

avanewong: Thankyou! :)

*knock knock*

"Come in."

"Ma'am Avane, nasa baba ho sila Sir Red at Sir Aj."

"Alright. Bababa na ako!"

Paano? E kaka-comment palang nung dalawang yun sa picture ko ha? Tch. Mang bubulabog nanaman sila for sure.

"Vane! Here's your itlog na maalat."

"Vanessa, here's your pugo."

"Hoy kulubot! Mas masarap 'tong pugo ko."

"Ulul! Maliit yang pugo mo, sakin malaki."

"Itlog pa din naman 'to! Itlog din yan, pero mas masarap yung akin."

"Mas malaki itlog ko bubwit!"

"Okay ng maliit, mapag tyatyagaan 'to kulubot!"

"Anong itlog itlog kayo dyan? Manahimik nga kayo. I-search niyo sa google kung tama yang itlog itlog niyo. Tch."

Saka ako umakyat dito sa taas, tch. Itlog itlog, nagpa-lakihan pa ng itlog. Okay na sana yung may dala sila e, kaso yung magpapa-lakihan ng itlog? Tch. Masisiraan ako ng ulo sakanila.

***
A/N: Abangan kung anong ginawa ng dalawa pag tapos ng pag akyat ni Apple. ^_^

Muling IbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon