Part 22 ~ Ring

22 0 0
                                    

Apple's POV

Nandito kami sa mall ngayon, bibili kami ng singsing para daw masabing engaged talaga. Ang dami ding alam nito ni Aj e, ganito ba talaga kapag arrange marriage? Walang bf bf or gf gf muna? Aisssh!

Si Allysa nga pala nasa bahay, nagpaiwan. May kelangan pa daw siyang tapusin para sa school nila. Ang bait na bata no? Naku! Nagpa-iwan pa talaga.

Para naman hindi siya mag tampo, bibilhan ko nalang siya ng damit. Tutal mag shoshopping naman kaming dalawa ni Aj ngayon, isa pa, para may naibigay naman ako sa kapatid ko diba?

Nandito na kami sa bilihan ng mga singsing, ang gaganda at mukhang elegante. Lalo na yun oh! Simple pero maganda, yung gold na para siyang line tapos nakapalibot ito sa color silver na singsing.

"Eto cuppycake oh, ang ganda.." sabay turo ko sa singsing.

"Oo nga Wife. First, ask her if filipino siya and then tanong mo yung price."

"Uhm Ms? Are you a filipino?"

"Ah yes Ma'am!" sabay ngiti nito saakin.

"Magkano po ito? Ito pong magandang singsing na 'to." tinuro ko yung gusto kong singsing.

"250,000K po, Ma'am."

"Ay ang mahal cuppycake."

"It's fine Wife, bibilhin natin yan."

"Aww, thank you cuppycake. I love you!"

"I love you too Wife." sabay ngiti niya sakin.

--

At Ji-Yon's Mansion...

Yes! Ang saya saya ko ngayong araw, binili namin yung singsing kahit sobrang mahal. Sabagay, kapag mahal ka naman talaga kasi ng tao ibibigay niya kung anong gusto mo. Pero siyempre, alamin mo din limitations mo sa pagpapabili sakaniya. Tandaan mong binoyfriend/ginirlfriend mo siya para mahalin at hindi perahan.

Tuwang tuwa si Allysa sa mga binili kong damit para sakaniya, ang priceless ng ngiti niya. Alam mo talagang masaya siya e, yung mga ngiti niya, mala Yaya Dub e. Itong kapatid ko kahit nakakasakit sa ulo kapag nag sasalita, kapag naman ngumingiti, mawawala pagod mo.

Si Aj naman nasa may garden, ayaw akong papuntahin dun. Kami lang ni Allysa nandito sa labas at.. TEKA?! Saan pupunta 'tong kapatid ko? Bakit naka dress 'to?

"Hoy Amae! Bakit naka dress ka? Saan lakad mo, aber?"

"Amae? What's that pauso ba nanaman Ate?"

"It's Allysa and Mae, pinag mix ko lang. Now, sagutin mo ako. Saan ka nga pupunta at naka dress ka?"

"Don't make sigaw or what nalang Ate, okies? You make palit your suot na there sa taas, it's naka ready na. I'll make sumbong you to Kuya Aj if you don't make me sunod."

"Okay fine. Ano sasama ka?"

"Oh sure Ate!"

Saka kami umakyat dito sa taas at nagpapalit na ako, ang ganda naman ng dress na ito? Sa pagkaka-alam ko wala akong dress na ganito, wala din kaming binili ni Aj na ganito kanina..

Oh ayan! I'm ready, mag pupulbos nalang ako't mag aayos ng buhok. Tapos ready na talaga, ano nanaman kayang kalokohan binabalak nito ni merlat? Tch!!

"Ate, let's make takip na your eyes. Tutal you make pulbo lang naman"

"Hoy ikaw na merlat ka, anong binabalak mo? Ipapakidnap mo ata ako!"

"You talaga Ate, you're so nakakainis. Do I look like bad ba to make you pakidnap?"

Muling IbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon