Apple's POV
We're on our way to airport para sunduin ang kapatid kong excited na hindi nakapag hintay ng dalawang taon. Aisssh! Dapat kasi papasok kami ngayon e. Pero tumawag si Aj sa school at sinabing hindi kami makakapasok dahil may importante kaming pupuntahan. Edi ayan! Tch. No choice. Aiiiish!!
Inaantok pa talaga ako, 6:30 kami gumising para lang sa kambal ko? Too much effort naman there. Wala din naman akong choice dahil panigurado pag hindi ako nag punta, lagot ako kela Mama at Papa. Lalo naman akong takot kay Papa! Papa's girl kasi ako, kaya kahit ano ginagawa ko just for my father. Siguro si Allysa, Mama's girl yun. I don't really care naman if may kahati na ako, it's just that nakakaselos.
"Wife, we're here."
"Cuppycake, diba may bilihan naman dito ng juice? Pabilhan naman ako ng watermelon juice ohh"
"Sure Wife, mamaya nalang. Ok? I love you."
"Alright. I love you too!"
Sa loob ng airport..
"Anak!"
"Iha!"
Lumingon ako at nakita ko sila Mama at Papa, ang pogi pa rin ni Papa kahit tumatanda na. At si Mama naman, napaka ganda pa rin.
"Hello Mama and Papa!" sabay yakap ko sakanila.
"Hello Tito and Tita." bati ni Aj, tiyaka siya nag beso kay Mama at ngumiti kay Papa.
"Ilang minuto nalang padating na ang kapatid mo Anak, be nice to her. Okay?" paalala ni Papa.
--
"Mom! Dad! Ate!"
Tawag samin ng isang babae. Alam kong si Allysa na 'to, pero teka lang. Bakit ba ako inaate nito? Mukha na ba akong matanda? E sa mga nakikita ko sa picture mas mukha siyang mas matanda sakin e.
And pagka-lingon ko ay tama nga! Si Allysa, may bangs. Morena at may braces. Kambal ko ba talaga 'to? Maganda siya at makinis, mapayat din. At kamukha ko naman, mga bente o sampung paligo lang.
"Hi Mom and Dad!" sabay yakap niya kay Mama at Papa.
"Hi ate!" tiyaka siya nag smile saakin.
Papunta na kami sa isang restaurant. Nandito ako sa harapan dahil si Aj ang nag dradrive. Sila Mama, Papa at Allysa naman nasa likod. Nag suggest kasi 'to si Aj na mas mabuti daw kung nasa iisang kotse kami, kaya ayun. Pinadala yung van na gamit nila Mama at Papa kanina.
May tiwala naman kami sa driver dahil simula bata palang ako siya na driver namin, hanggang ngayon. Kanina nga nakita ko yun si Manong e, nanonood ng Kalyeserye sa cellphone niya. Sikat na sikat ang AlDub, kahit dito sa America andaming pinoy na nanonood. Kaya pati ako nakinood na.
Nakakakilig sobra, lalo na yung nagkita si Yaya Dub at si Alden. Naku! Napapatili ako ng wala sa oras sa sobrang kilig. Isa pa, may aral kasing natututunan sa Kalyeserye. Kahit may kilig factor, atleast may matututunan. Lalo na sa mga kabataan, tama talaga ang sinabi ni Lola na sa tamang panahon.
Noon hindi ako nakinig kay Mama at Papa nung pinagsabihan nila ako tungkol kay Red, kaya tignan niyo ngayon ang nangyari. Naku! Hindi maganda. Pero hindi naman masama mag break ng rules, pero minsan, kailangan talaga nating makinig sa magulang natin. Dahil papunta palang tayo, pabalik na sila.
--
Sa restaurant..
Ang ganda naman ng restaurant na 'to, lalo na't may watermelon pa. Lalong gumanda sa paningin ko. Elegante ang itsura, sossy na sossy!
BINABASA MO ANG
Muling Ibalik
Teen FictionMaibalik pa kaya ang nakaraan na noon ay nawasak dahil sa kasikatan at pagka-wala ng komunikasyon?