xReizelle's POVx
Si Mama ba iyon? Bakit kamukhang-kamukha niya? Kala ko patay na? O baka namamalik-mata lang ako?
*Tok tok tok!!!*
Pinatay ko itong kotse saka bumaba. Bumungad sa akin si Prinz na naka-kunot ang kanyang noo. Mukhang napahintay ko ata siya ng matagal.
"Tagal mo! Daig mo pa pagong sa kabagalan mo! Tss~!" Badtrip na tuloy siya.
Iimik na sana ako kaso naalala ko na naman si Mama. Impossible naman na si Mama iyon. Lumabas sa isang napakalaking mansion na mas malaki kila Prinz? Hays, daydream ko lang yun.
Pumasok na kami ni Prinz sa building na naman na ito nung kahapon pa. Pagpasok namin, bumungad na naman si Lex. Ngumiti ako sa kanya at gumanti naman siya ng ngiti rin.
"Good morning!" bati ni Lex at di man lang umimik si Prinz kasi nilagpasan lang siya.
"Mukhang badtrip siya." bulong ni Lex sa akin.
"Di ko nga siya inimikan mula kanina. Wala ako sa mood na kausapin siya, eh." sabi ko naman sa kanya.
"LQ???" agad niyang napasabi kaya napatawa ako.
"LQ agad? Di ba pwedeng wala lang talaga sa mood?" angal ko then nandito na kami sa dressing room ni... Lex? Bat dito sa dressing room ni Lex? Nakita ko kasi yung pangalan sa harapan ng pintuan kaya alam kong kay Lex ito.
"Anyway, tulungan mo pala ako sa paghanap ng susuotin ko. Pleaseeee, Rei." nagmamaka-awang sambit ni Lex sa akin with matching puppy eyes. Siya na ang GWAFUUUU~!
"Wala ba yung fashion or dressing assistant mo?" tanong ko at tumango lang siya. "Sige." sagot ko then may...
"Bawal." sabi nitong si Prinz.
"Why?" napatanong agad ni Lex.
"GPA ko siya kaya hindi mo siya pwedeng utusan hanggat di ko sinasabi na pwede." sabi ni Prinz kaya napa-simangot ako.
"Ang sabihin mo, nai-inggit ka. Ako kasi pinansin niya, hindi yung gini-GPA niya." sabat ni Lex kaya napa-ngisi lang si Prinz.
"Hahanap na ko ng damit na isu-suot mo." singit ko na lang saka pumunta sa mga damit niya.
"Wag mong gawin yan!" sigaw nitong si Prinz kaya napatingin ako sa kanya. "Wala kang benefits na makukuha diyan." dugtong niya kaya...
"Anong sabi mo? Walang makukuhang benefits? Sa tingin mo ba, ginagawa ko ito para sa benefits? Hindi sa lahat ng ginagawa mo, may benefits kang makukuha. Saka simple lang naman ito di tulad ng mga pinapagawa mo sa akin." sabi ko kay Prinz ng diretso at napa-taklob ako ng bibig. The hill~! Nasabi ko ba yun?!
"Stupid!" napasabi lang niya saka nag-walk out.
"Naku, mukhang kailangan mo siyang habulin."
"Hayaan mo siya, Lex." sabi ko na lang saka namili na ng damit para kay Lex.
After 20 minutes...
Nakapamili na kami ng isu-suot ni Lex para sa modeling niya. Grabe, dami naman kasi ng damit niya! Kaya nahirapan tuloy ako. Lumabas na kami ng dressing room ni Lex at nakita ko si Prinz na may dalang jacket with hood.
Wait lang, yan yung jacket na nagbigay sa akin ng Wanted thingy poster sa akin nung naoalayas ako sa restaurant ah? Di kaya... BTW, maraming jacket na magka-parehas, ok?
"Prinz!" tawag ko sa kanya at humarap naman siya sa akin.
Make my son fall in love with you...
Magagawa ko kaya yung deal na yun? Mukhang malaking HINDI na ata iyon.
"Why?" walang emosyon na tanong naman nito.
"Wala. Gwapo ka, boyfieee ko!" sabi ko at ngumisi lang siya.
"Tss~!" Aba, pasalamat siya at sinabihan ko siya ng ganun.
"Ang landi talaga!" may um-epal sa likuran ko at pagkatalikod ko, bumungad sa aking ang tatlong impostora. Yung tatlong babae na bumanta sa akin yung isa na may makapal na face--- este make-up?!
"Jessie, bat ka nandito?" napa-tanong ni Prinz sa tatlo? Kilala niya mga ito?
"Wala. Gusto ko lang kamustahin yung malandi mong GPA." sabay tingin sa akin nung tatlo. Yung nasa gitna ang sumagot kaya siya si Jessie. Ganda ng pangalan, sa sobrang ganda wala ng natira para sa ugali niya!
"She's not. Umalis nga kayo dito!"
"Pati pa naman ikaw, Lex? Nilandi ka siguro nitong GPA ni Prinz noh?" Gusto ko magsalita sa sinasabi nila pero naunahan na ko..
"Would you shut your mouth! And please, don't put make-up too much. You look like a clown!" Himala! Si Prinz ba to?
Napatingin ako sa tatlo na naka-nganga. Yuck, baka tumulo pa yung laway nila sa ginawa nila. Umalis na lang sila agad-agad at saka naglakad na kami nila Prinz at Lex palabas ng building na ito.
"Salamat, Rei sa lahat! Ingat kayo ni Prinz!" palama ni Lex sa amin at saka sumakay na kami ni Prinz sa kotse.
Pauwi na kami ng napadaan na naman kami sa mansion na malaki na nadaanan ko kanina. Nakasara na yung gate kaya wala na. Hays, si Mama ba iyon o hindi? Bahala na nga!
____
BINABASA MO ANG
WANTED: PA and Be His GF (Will not update)
Teen FictionPapasok ka ba sa trabahong ganyan? PA ka na nga ng AMO mo, Girlfriend ka pa niya? Ano? Mag-a-apply ka pa ba? o hindi na? ~~~♥♥♥ By YourCheapQueen