Chapter 15

244 8 0
                                    

×Reizelle's POV×

1 month na kong GPA ni Prinz and pa-ulit ulit lang naman ang nangyayari. Pupurihin ko si Prinz na gwapo siya dahil boyfiiieee ko siya then ngi-ngisi lang siya. O uutusan niya ko ng bongga pero di pa rin ako sumusuko sa kanya.

Kaso ngayong araw na ito, di man lang siya nagparamdam sa akin. Paano kasi, nasa Singapore siya para mag-bakasyon ng tatlong araw unlike me, iwan dito sa mansion while waiting him... Let me correct that. While waiting them. Talagang ako lang saka mga maid at buttler lang naiwan dito sa mansion. Hayahay ang buhay~!

Biglang nag-ring yung phone ko kaya agad ko iyon sinagot na walang tingin-tingin.

[Hello, Reizelle!]

"Oh, Tita? Napatawag po kayo?"

[Musta trabaho mo? Ang laki ng naipapadala mo sa akin ah?]

"Ok lang naman po saka malaki talaga sweldo dito."

[Alam mo, sulitin mo na andiyan ka para makapagtapos ka ng pag-aaral at makapag-trabaho ng mas maayos at mas mataas.]

"Kaso may deal, Tita. Alam mo yung deal ay kailangan mapa-inlove ko si gini-GPA ko para tuparin yung mga hiling ko."

[Galingan mo, ah! Kaso...]

"Ano po?"

[Mahirap yan baka kasi ikaw yung unang ma-in love, di siya. Paano yan?]

"Tita, tiwala lang."

[Ay siya, sige! Ikaw bahala! Goodluck na lang!]

"Okie.."

[Pero wait, may good news ako.]

"Ano po iyon?"

[Buhay pa ang Mama at Papa mo!]

"ANO?! TOTOO?!"

[Yes, nagulat nga din ako dahil bigla na lang ako tinawagan.]

"Ano sabi?"

[Kukunin ka na daw pabalik sa kanila after 1 month.]

"Ehhhh??? Kaso..."

[Why? Ayaw mo ba?]

"Neermind, Tita. Bye na pala." then in-end ko na.

Nakakagulat talaga yung balitang iyon. Buhay pala? Bakit di man lang nila ako hinanap? O baka... hinanap nila ako ng mga ilang taon na pero... Hays, basta!

"Rei, eto po." sabi ni Jes, isang maid dito sa bahay na kabigan ko na.

"Aanhin ko yang telepono, Jes?" napatanong ko habang kinukuha sa kanya yung telepono.

"Si Sir Prinz ang tumatawag.. Ikaw daw ang kakausapin." Aba, mukhang nami-miss na ata ako ni Boyfieee ah? Wahahahaha!

"Hello?" habang nakalagay sa tenga ko yung telepono at..

[Reizelle, may nakita ka ba diyang sun glasses na color red ang frame?]

"Wait.." Dumiretso ako sa kwarto niya at hinanap yung shade na sinasabi niya.

[Did you found it already?]

"Not yet. Mukhang wala naman ata dito sa kwarto mo."

[Sh*t! Naiwala ko na talaga yun!]

"Why? Mahalaga ba yun sayo?"

[Wala ka ng pakialam dun!]

"Ay? Pabebe ang boyfieee ko? Hahahahahha!!!"

Then pinatay na niya yung tawag. Aba! Bastos na ang boyfieee ko? Heller, Rei, masanay ka na diyan. Di ba nga ASA?! Pch.

"Salamat, Jes." sabi ko at binalik sa kanya yung telephone.

Babalik na sana ako ng kwarto ko ng gusto ko muna mag-discover sa kwarto ni Boyfiee... Wat, YUCK! Kanina pa ko ng 'Boyfiiee~!' Tama na nga, Prinz na nga lang.

Pumunta ako sa cabinet niya. Well, normal lang naman dahil mga damit lang ang nakikita ko. Pero may box sa ilalim. Kukunin ko na sana iyon ng...

"Hoy~! Ano yan, ha?" Gosh, bat andito si Lex?

"Hehe! May pina-paayos sa akin si Prinz, eh." pagda-dahilan ko.

"Liar!" Huhu, paano niya ko nahuli? "Masinop si Prinz sa cabinet niya kaya bakit ipapa-ayos niya pa yan sayo? Saka.." Lumapit siya sa akin at hinigit ako palabas ng kwarto ni Prinz.

"Uy! Saan mo ko dadalhin?"

"Magde-date tayo habang wala pa si Loko!" Kikiligin na sana ako pero... bakit genon? Parang iba yubg feeling.

"Magbibihis lang ako, wait!" sabi ko kaya binitawan na niya ako saka humarap sa akin.

"You don't need to change." sabi niya kaya hinigit na naman niya ako.

...

Andito kami sa mall. Di ko alam kung bakit dito. Pagkakaguluhan lang naman siya dito. Habang naglalakad kami ay bigla niya kong inakbayan. Hinayaan ko na lang para kasing.. nanghihina na ko.

Napatingin ako sa isang seafood restaurant. Naalala ko tuloy nung pinag-allergy ako ni Prinz ng isda. Wait, bakit biglang sumulpot sa isip ko yun?

"Rei, may itatanong ako." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Lex.

"A-Ano yun?"

"What about kung na-fall sayo si Prinz at na-fall ka din. Anong pipiliin mo, lumayo o ipaglaban ang nararamdaman niyo?"

"Anong tanong iyan, Lex? Sa tingin mo ba mapo-fall ako kay Prinz?"

"Oo.." sagot niya kaya napatahimik at napatigil kami doon.

Nagkatitigan kami. Shems, bakit kasi yun ang tanong at sagot niya? Arrggghhh~!

"Punta na lang tayo sa isang store. May gusto akong bilhin doon." sabi ko at ako naman ang humila sa kanya. Narinig kong tumawa siya pero di ko na lang pinansin iyon.

Ang gwapo naman nung hinihila niya.

Wait, yung lalaki ay isang model. Di ba?

Oo nga! Kyaahhhh!!!

Pumasok agad kami sa isang store at pumunta sa mga men accessories. May nakita akong sumbrero at sunglasses. Sun glasses? Napatingin ako dun sa isang sun glasses na red frame. Naalala ko tuloy yung tawag sa akin kanina ni Prinz.

"Tulala ka na naman?" napatanong ni Lex kaya napa-iling na lang ako.

"Kumuha ka na nga lang ng sumbrero at sun glasses for disguise. Pagkakaguluhan ka na naman ng mga yun, eh."

"Ok." sambit niya at kumuha siya ng black na sumbrero at yung sun glasses na red ang frame. Yun talaga ang kinuha niyang sun glasses?

"Rei, wala ka ba talagang naa-alala dito sa sun glasses na red frame na ito?"

"Wala naman. Ano ba yun?"

"Wala lang. Let's go sa Women Accessories. Bili ka ng gusto mo dun."

"Libre mo?" napatanong ko at ngumiti ng malapad sa kanya.

"Sure.."

WANTED: PA and Be His GF (Will not update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon