...
xReizelle's POVx
Nandito na ko sa dinner namin nila Lex, Mom ni Lex and specially, ang Dad niya. Lutang pa rin ang utak ko ng makita ko yung sun glasses sa cabinet ko. Paano napapunta iyon doon?
"What's your name, hija?" tanong nung Dad ni Lex.
"Reizelle Pervuze po..."
"Nice name, Reizelle. Thank you for joining our dinner. Buti naman at pumayag ka."
"Hihi, you're welcome po."
Then tumahimik na naman. Paunti-unti lang ako ng subo ng pagkain. Napatingin ako kay Lex na nasa tapat ko lang saka niya ko sinipa sa binti. Binigyan ko tuloy siya ng What-was-that look.
"Lex, siya ba yung si Reizelle. Ang GPA ni Prinz?"
"Yes, Dad." naka-ngiting sagot ni Lex at tumango-tango lang ang Dad niya.
"Buti naman at nakatagal ka. Himala kasi ang tumagal ng isang buwan kay Prinz." sambit ni Mom ni Lex.
"Kailangan ko po kasi specially for my studies." paliwanag ko sa kanila.
"Makakaya mo yan, Rei. Kayang-kaya mo nga ang pinsan kong loko!" sabi ni Lex na nagpangiti sa akin kaso binatukan siya ng Dad niya.
"Wag mo ngang sabihan ng loko yung pinsan mo." saway ng kanyang Dad.
"Dad, sinasabihan din ako nun ni Prinz kaya fair lang." At nagtawanan ang lahat.
Sa tingin ko, masaya naman si Lex sa pamilya niya. Kahit busy ang bawat isa, di nila nakakalimutan ang bonding ng isa't-isa. Sana ako rin. May Mom at Dad katulad ni Lex at Prinz. Pero tumawag si Tita na buhay sila Mama at Papa. Kung totoo man iyon, sana masaya kami kapag nagkasama-sama.
"Rei, asan pala ang Mom at Dad mo?" napatanong ni Mom ni Lex.
"Uhmm... Namatay na raw po sila sabi ni Tita. Pero ngayon, Tita said that they're alive kaya kukunin na nila ako pabalik sa kanila. I don't know if it is true or not." paliwanag ko na nagpatahimik sa paligid.
"Sana totoo iyan ng may buo na kayong pamilya." singit ni Lex.
...
"Lex, thanks sa dinner natin ng Mom at Dad mo. I'm happy that I met them."
"You're welcome. Goodnight, Rei."
"Goodnight, Lex. Thanks for everything."
"Same to you." Saka umalis na siya ng tuluyan.
Pumasok na ko sa mansion at pagbukas ng pintuan ng mansion, bumungad sa akin ang isang lalaki na na-miss ko ng sobra. Wait, isang araw pa lang ah? Nandito na siya sa harapan ko ngayon?
"Saan galing ang GPA ko?" Wait? Bat may 'ko?'
"P-Prinz, kala ko tatlon---"
"Answer me, first!" seryosong tugon niya.
"Nag-dinner lang with Lex' family. Bat di ka nag-text or tawag man lang na nandito ka na?"
"Look at your phone." Kinuha ko yung phone ko sa bag ko.
GHAD! Ang daming missed calls and new messages. Puro 'Prinz' ang nandoon. Tumingin ako kay Prinz at ngumiti sa kanya ng dahan-dahan.
"Sorry.. Naka-silent kasi." paliwanag ko pero hinila lang ako ni Prinz papasok at papuntang...
Saan ako dadalhin nito? Hindi kaya....
"Waaahhhhh!!! Bitawan mo ko, Prinz! Sorry naaaa!!! Hindi na mauulit!!! Wag mo kong parusahannn!!!" Then bigla siyang tumigil ng paglalakad kaya napatigil din ako.
Nandito kami sa kwarto ko at binitiwan niya ko saka may kinuha ng kung ano sa higaan ko. At pinakita iyon sa akin saka tinutok ng husto sa dalawang mata ko.
"Wala ka bang naalala dito?" seryosong tanong niya.
"Hmmm.. Nope." sagot ko.
"Talaga? Di ba, eto yung tinatanong ko sayo nung tumawag ako."
"Ahhhh, oo! Sorry ah! Hindi ko naman alam na nasa cabinet ko yang sun glasses mo."
Hindi na siya umimik at may nilabas siyang kung ano sa bulsa niya. Kinuha niya yung kamay ko saka nilagay yung ano na iyon. Ano kaya ito?
"It's souvenir from Singapore. Pasala---"
"OH MY GASHHH!!! THANK YOU MY BOYFIIIEE!!!" Saka ko siya niyakap ng husto. Kala ko, hindi niya matatandaan iyong sinabi ko.
***flashback***
"I will be on Singapore for 3 days of vacation."
"Ehhhh? Singapore? Hindi ako kasama?" sabay pout.
"Vacation trip yun at hindi ko kailangan ng GPA doon. So dito ka muna."
"Okie pero in one condition."
"What?"
"SOUVENIRRRR!!!" tatalon na sigaw ko.
"Tss~ Would you lower your voice? Sound like a stupid radio!"
"Okie, arte mo! Basta, souvenir ah?"
"Ok. So pack my things."
"What?!"
"You're my GPA so you should do that." sabi niya kaya ginawa ko na iyon.
***End of Flashback***
"Hey, let go of me!"
"Sorry, Prinz. Salamat talaga ah?" sabi ko habang binibitawan ko siya sa pagkayakap ko sa kanya.
"Whatever." sabi na lang niya saka siya lumabas ng kwarto ko. "I'm tired, okay? So don't bother me." huling sambit niya saka siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Pagkalabas niya ay tinitigan ko yung souvenir na binigay niya sa akin. Isa itong little teddy bear na key chain na may nakatatak na 'singapore' sa t-shirt ng teddy bear. Napangiti ako ng wala sa oras.
Ang bait niya, kahit pa-paano.
BINABASA MO ANG
WANTED: PA and Be His GF (Will not update)
Teen FictionPapasok ka ba sa trabahong ganyan? PA ka na nga ng AMO mo, Girlfriend ka pa niya? Ano? Mag-a-apply ka pa ba? o hindi na? ~~~♥♥♥ By YourCheapQueen