Chapter 13

214 9 0
                                    

xReizelle's POVx

Hays, panibagong araw na naman ito. Kakagising ko lang, ah? Kaya wag niyo kong asarin, yung lasing na lang.. pwede pa! Pagka-alis ko sa higaan ko, pumunta agad ako sa banyo para mag-ayos na. Diretso ligo na ko at bihis ng uniform ng pang-GPA. Pangalawang weekend na ngayon and it's sunday!

Anyway, my GPA uniform ay fitted-dress na black at may cute na silver white na belt. Then ang itsura ko ay simple, nag-polbo lang ako saka pink-lip gloss. Then nag-puyod ako ng maayos.

"Ang ganda ko!" napasabi ko sa sarili ko ng napaharap ako sa salamin.

*knock knock knock!*

Binuksan ko agad ang pintuan at tumambad sa akin ang tatlong maid. Wait, bat ang dami ata nilang dala? Paper works yung dala nung isang maid, yung isa ay pang-gym bag ang dala at yung isa naman ay isang picnic basket. Kaso biglang may humabol na isang maid na may dalang naka-hanger na mga damit na nakasupot pa.

"Ma'am, etong lahat ay ang dadalhin niyo lagi kapag kasama niyo si Master Prinz." sabi nila kaya..

"Pwedeng palagay na lang po sa kotse? Kung pwede lang naman.."

"Kaso utos ni Master ay dalhin niyo po itong lahat at ilagay sa kotse." sabi nung isa kaya pinapasok ko sila saka nilagay yung mga gamit dun sa higaan.

"Salamat!" sabi ko habang naka-ngiti. Pagkalabas nila, agad ako napa-upo.

Tinaggal ko agad ang 2 inches na heels ko na dapat suot ko ngayong magdamag pero dahil sa dami kong dadalhin, mamaya ko na siguro susuotin kung kailangan. Ang daming gamit naman nito, maglalayas ba siya? Pch!

"Hey.." yung nakakakilabot na narinig ko na mula sa likod ko.

Hindi na ko tumingin pa sa kanya dahil for sure, siya lang yun! Binuhat ko muna yung paperworks or kung ano man yun saka lumabas ng kwarto at nilagpasan ko lang siya. Kakagaling ko lang kahahapon! Hmfp!

"Want some help?" alok niya pero di ako nagsalita. Wala ako sa mood para kausapin siya.

"Ang tahimik naman ni Stupid.." pang-aasar niya at di ko pa rin siya pinansin dahil patuloy akong naglalakad palabas dito sa mansion.

"No respond, huh?" At nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Tinalisod niya ko at natumba ako then kalat yung paperworks o ano man yun na dala-dala ko.

Hindi pa rin ako nagsalita. Ewan ko, wala talaga ako sa mood magsalita. Pinulot ko na lang isa-isa yung paperworks or ano man yun. Nung napulot ko na lahat, may isa pang paper na apak-apakan ni Prinz. Kahit nabu-bwiset na ko sa kanya. Di pa rin ako nagsalita.

Hinayaan ko na lang yung papel na inaapakan niya saka tumayo ako ng dahan-dahan saka dinala muli itong paperworks na ito o kung ano man. Nilagpasan ko muli siya saka lumabas na ng mansion saka nilagay ito sa kotse niya.

"Hindi ka ba talaga magsasalita? Himala!" sabi lang niya at bumalik muli sa kwarto ko para dalhin ang gamit niya at ilagay sa kotse niya.

After 15 minutes...

Tapos na ang lahat na walang imik kay Prinz. Nahiya na kasi ako simula ng ginawa niya kahapon. Hindi pa rin ako maka-get over dun. Himala ata nangyari kahapon, eh.

Su-suotinko na sana yung heels ko pero nawawala. Asan na yun? Hinanap ko sa buong kwarto pero wala. The hill~! Asan na ba yun? Angnakita ko lang ay flat na black doll shoes. Eto na nga lang.

Nang bumalik ako sa may kotse ni Prinz, wala na pa lang kotse dun. Iniwan siguro ako ni Prinz sa tagal. Bahala siya, wala siyang kasamang GPA dun sa pupuntahan niya. Kaso may nakita akong sobreng puti kaya pinulot ko yun at may nalaglag na susi. Napatingin ako dun sa black na kotse. Di ko alam kung anong tatak ng kotseng ito pero ang masasabi ko, ANG GANDAAAAA~!

Binasa ko yung dun sa may sobre..

Stupid! Mag-drive ka papuntang Asdfghjkl... Kailangan saktong 7:00 AM, nandun ka na.

Pasalamat siya na marunong akong mag-drive. Hello, pumasok kaya akong driver ng jeep, bus at taxi. Basta kailangan ng trabaho, kakayanin ko.

Pumasok na ko sa kotse saka pina-andar ito. Buti alam ko din yung sinasabi niyang pupuntahan ko, baka masakal ko siya kapag di ko mahanap eh! Joke langs~! Baka mawalan pa ko ng trabaho noh?

Habang nagda-drive ako, may nadaanan akong isang mansion na mas malaki kila Prinz. May naalala ako dito eh... Siguro sa panaginip ata. Then agad na may lumabas na babae...

"Mama?"

_______________________________

Hello mga readers diyan!!!! HAPPY 1K READ ditooooo!!!! Waaahhhhh!!! Alam niyo, kayo ang nagpasimuno nan kaya SALAMUCH talaga!!! :* MUWAAHHHHHH~!

Ipagpatuloy niyo hanggang maka-abot tayo sa mas mataas... XD thanks talaga...

Sorry kung tagal ng update ko, ah? Hahahaha ^_^ Happy reading!!!! :)

WANTED: PA and Be His GF (Will not update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon