Chapter 8

241 11 3
                                    

......

×Reizelle's POV×

Dahil nakakain ako ng isda. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ewan ko parang napawisan agad ako. Parang ang kati-kati ng buong katawan ko. Tumayo agad ako at pumunta agad sa banyo. Agad-agad kong sinuka yung isdang pinakain sa akin ng AMO KONG WALANG AWA!

Pagkatapos nun at mga 1 oras na ko dito sa banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at namumula pa rin ako at may tumutubong mga buklid-buklid na mapupula. Gusto kong kamutin dahil sa sobrang kati pero hindi pwede, baka mas lalong lumaki o dumami.

Naghilamos na lang ako at namamaga ang mga mata ko. Bat ba ang sensitive ko sa allergy? May nakita akong tissue roll at kinuha ko iyon. Hindi ko namalayan na naiiyak na ko sa kati at sa sakit.

"GPA na nga ko! Umaabot pa ko sa ganito! Letcheng buhay na to!" nangingiyak na sigaw ko.

Hindi na lang ako lumabas ng banyo kundi hinintay ang pagkawala ng mga allergy ko sa kawatan mas lalo sa mukha ko. Mga ilang minuto, nawala agad kaya naghilamos ako at nag-ayos. Lumabas na ko ng banyo pagkatapos at babalik na sana sa table namin ng makitang... wala na pala siya pero nandun pa rin ang bag ko. Kinuha ko yung bag ko pero may lumapit sa aking waitress.

"Miss, your order were served." sabi niya at nilapag ng ilang waiter ang pagkain sa lamesa.

May iba't-ibang pagkain na hindi na ko maa-allergy. Wait, sino nag-order nito? Wala naman akong in-order ah dahil yung AMONG WALANG AWA NA MUKHA PANG ASO ang nag-order para sa akin.

"Pero hindi po ako nag-order." sambit ko.

"Mr. Zed ordered that for you. So please, take a seat and enjoy eating this food." sabi niya at saka sila umalis.

Umupo naman ako at kumain mag-isa. Wow, feeling mayaman ako noh? Nagulat ako ng may papel sa unahan na nakatiklop at nakatayo kaya kinuha ko iyon. Wow, may sulat siya sa akin noh? Ang sweet talaga ng BOYFIE KONG MUKHANG ASO NA WALA PANG AWA.

Enjoy eating that, Fishllergic GPA!

Grabe ha?! Hinding-hindi ako magte-thank you sa kanya! Hmmp!

...

Pumunta agad ako sa sunod kong klase dahil nag-ditch ako ng isang subject. Wala na eh.. Saka paano ako makakahabol kung nagka-klase na sila saka kumakain pa ko? Letche kasi yang AMO KONG WALANG AWA PERO MERON NAMAN KAHIT KONTI LANG! Sana naman kahit sa study ko, hindi siya ganun. Scholar student pa naman ako.

"Aba! Andito ang GPA ni Prinz KO." napalingon ako sa likod at may babaeng matangkad na mukhang manika sa sobrang kapal ng make-up. Daig niya pa ang clown sa sobrang kapal ng make-up niya mas lalo na yung red lipstick na nakalagay sa makapal niyang lips. Maganda nga, pure fake naman!

"Wait, sinong Prinz na tinutukoy mo?" tanong ko agad sa kanya.

"Edi yung gini-GPA mo, LOSER!" Ano daw? Loser ako? WhatDaPak?!

"I'm not LOSER!" napasigaw ko at napa-ngisi lang siya.

"You're such a LOSER at ang LANDI mo pa, right?"

"You don't know me..."

"And you don't know me, also." sabat niya kaya hindi na ko naka-imik. Sino ba siya?

Nilagpasan na lang niya ko pero may isang salita siyang iniwan na ikinikilabot ko.

"Don't mess with me and my Prinz, Ok? Because I can kill you anytime."

______________________________

HAPPY UPDATE to me! ^_^ haha xD Tagal kong di nag-update XD

Happy 50+ vote for this story!!!! (^0^)/ SALAMUCH SA INYONG LAHAT!!!!! LOVELOTS :*

WANTED: PA and Be His GF (Will not update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon