Chapter 8

6 0 0
                                    

Janine's POV

"But you can't"

Napansin ko din na may bahid ng galit at lungkot ang mga mata nya.

"wala na po si Lola Felicia" sabay namang pagpatak ng luha ko.

"ganun nalang yon?" yung tingin nya sa akin, nakakatakot kaya naman napaatras ako

"kailangan ko na rin po kasing tumulong sa ampunan."

"you can't" pagpigil nito sa akin at pagkuha ng mga dala kong gamit.

Nagulat ako ng bigla nya akong hatakin papunta sa kwarto ni Lola Felicia.

"Alam mo ba . ." binitawan nya ang pagkakahawak sa akin at naupo ito sa kama kumalma sya ngunit bumalik ang tingin nya sa akin at mabilis na pumunta sa tapat ko

"Alam mo bang kahit sa huli ikaw pa din ang iniisip nya! Alam mo bang sa tuwing nag uusap kami hindi pwedeng wala ka sa usapan namin! sabihin mo nga bakit ba kailangan pang gawin yon lahat ni Lola para sayo ha!"

Naguguluhan ako hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya, anong kailangan pang gawin ni Lola para sakin? hindi ko maintindihan na sa tuwing mag-uusap sila ako yung pinag-uusapan nila. Napaluha nalang ako, wala akong magawa. Paikot ikot lamang sya sa kwarto at halatang problemado.

"Can you please go back to your room now"

Sinunod ko lang yung sinabi nya, wala akong magawa, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

-----

Katatapos lang namin magbreakfast at ngayon pumasok na naman sya sa kwarto nya. Naisip ko na umalis muna, nagpaalam naman ako sa isa sa katulong nila. Kahit hindi ko masyadong alam ang manila naglakad lakad lang muna ako tinatandaan ko naman kung saan ako dumadaan. May nakita naman akong park kaya umupo muna ako sa may tabing puno.

Lola bakit mo kaya ako iniwan agad? wala ka man lang sinabi kung anong gagawin ko. Para akong isang bata na iniwan sa isang lugar na maraming tao na hindi ko alam kung san ako pupunta. Makakaya ko kaya 'to Lola? Bakit kaya ayaw nya akong pabalikin sa ampunan. Namimiss ko na rin ang mga bata sa ampunan, sa tingin ko wala na yata akong patutunguhan, parang isang tao na nasa gitna ng dagat at hindi alam kung anong mangyayari. Nahihirapan ako sobra. Hindi ko alam kung san ako magsisimula, wala na talaga si Lola Felicia.

"why are you here?" napatingin ako sa taong nasa harapan ko ngayon, si Sir Ezekiel, umupo din sya sa tabi ko at tumingin sa itaas

"I'm sorry ... I'm sorry for what i did yesterday" napaiba naman ang tingin ko nang tumingin sya bigla sa akin

"I don't really know who you are, where you from?, I just know na mahalaga ka kay Lola"

"si . . si . . sir gusto ko lang po na makabalik na ulit sa ampunan"

"how many times do I have to tell you na wag mo akong tawagin sir at wag ka na ring mag 'po' sakin, but by the way, yun ba talaga ang gusto mo?"

" si. sige nandun na kasi yung buhay ko eh"

"hanggang kailan mo kayang nasa ampunan ka lang?"

"wala na rin naman kasi akong nakikitang ibang dahilan para hindi bumalik sa ampunan"

Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa nang magsalita ulit sya

"Bukas, mag-eenroll tayo sa Catherine Academy"

"po?"

"dun ka mag-aaral at hindi ka babalik sa ampunan pero kung ayaw mo talaga, may pagpipilian ka naman"

"ano naman yun?"

"you are going to study at Catherine University or you're going to study abroad" 

KUYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon