Chapter 13

5 0 0
                                    

Janine's POV

Ang sama ng pakiramdam ko, siguro dahil sa naulanan ako kanina. Naiwan ko kasi sa kwarto yung paper works kaya kailangan kong umuwi, dahil sa pagmamadali naiwan ko yung payong ko. Hindi ko naman din akalain na uulan biglaan lang.

Buti nalang at maaga ang uwian kanina dahil p.e lang kami sa isang linggo kasi may free time kami tuwing thursday Mapeh lang ang subject namin kaya 3:30 pm na ang uwian namin

Pag uwi ko humiga agad ako, siguro puyat lang to nasabayan lang na naulanan ipapahinga ko nalang.

Nagising ako ng maubo ako. Pagtingin ko nasa harapan ko si Ezekiel tatayo sana ako pero pinahiga nya ako.

Anong meron at parang aalis yata sya.

"Sabihin mo kung ayaw mong umattend hindi yung kailangan mo pang magkasakit to make excuse"

hah?

"Ezekiel pasensya na nakalimutan ko kasi eh"

tatayo sana ulit ako pero pinigilan nya ako.

"No. magpahinga ka nalang muna. Nagdala na ako kay Anne ng soup pagkatapos mong kumain iminom kana ng gamot"

Iniwan nya rin ako agad, anong meron dun lately parang ang bait bait nya sa akin. Hindi naman nagtagal bumalik ulit sya. May dala syang gamot. Umalis ulit sya.

Ano bang meron sa kanya, mas maigi pa yung dati na hindi kami nagpapansinan pwera nalang kung may kailngan sya o may inuutos. Naninibago ako sa kanya.

Dumating na si Anne dala yung pagkain, kumain ako ng konti tas uminom na ng gamot, bumalik ako sa pagkakahiga pero hindi na ako makatulog.

Lumabas na muna ako, feeling ko mas lalagnatin ako kapag nakahiga lang. Narinig ko sya sa may terrace may kausap, parang nag aaway sila.

"Can you please stop it!"

Nakita ko na may kausap sya sa phone.

"You can't do that to me, you know I have responsibilty here and I must follow what Lola told me!" Natatakot ako, iba sya, hindi sya yung kilala kong Ezekiel, galit na galit sya ngayon.

"FINE!!! I HAVE NO CHOICE. BUT REMEMBER THIS . . . . YOU ARE THE ONE WHO SAID THAT. MARK YOUR WORDS!"

Umupo sya sa isang balcony, napahilamos nya yung kamay nya sa mukha nya

"f*ck! sh*t!" sigaw nya

Umalis sya pero sinundan ko din naman

Pumunta sya sa may gilid ng pool hinarap nya yung pader, akala ko kalmado na sya pero nagulat ako ng suntukin nya yun ng sunod sunod. Nabigla ako kaya napuntahan ko sya

"d*mn you!"

"tama na" napatingin sya sa akin

"WHAT ARE YOU DOING?!!"

KUYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon