Chapter 14

11 0 0
                                    

Janine's POV

"WHAT ARE YOU DOING?!!"

Nagulat ako, natatakot ako, bakit kasi ako lumapit sa kanya. Ano ba kasing ginagawa ko sa harapan nya. Nakita ko lang naman na dumudugo yung kamay nya kaya hinawakan ko at pinunasan ko, binawi nya naman yung kamay nya sa akin.

"DON'T EVER DO THAT AGAIN!" pagkatapos nyang sabihin yun iniwan nya na ako.

Gusto ko lang naman tulungan sya pero mali yung nagawa ko, nakikitira lang naman ako dito, kaya hindi ko dapat sya pinapakialaman, nadala lang ako nakampante ako sa good side nya, wala lang siguro sa kanya yun naawa lang sya sa akin kaya nya nagawa yun pero walang ibig sabihin na pakikialaman ko na sya sa buhay nya

Know my limit Janine, hindi lahat magagawa ko dito. Pumasok na ako sa kwarto, hindi naman ako makatulog

Galit ba sya sa akin dahil hindi ako naka attend sa birthday ng pinsan nya, tapos hinawakan ko pa sya? maiigi pa dati kahit na hindi kami nag kakausap atleast alam kong hindi sya galit sa akin.

Kinabukasan maaga akong pumasok kaya magkasabay kaming pumunta ng school pero ni isa sa amin walang gustong magsalita.

Nakarating kami sa school na ganun lang.

"Janine! pinapatawag ka ni Sir" tawag sa akin ni Devine, classmate ko sya at the same time officer din ng school

"bakit daw?"

"may itatanong daw sayo"

Kinakabahan ako minsan lang kasi magpatawag si Sir lalo na kung may itatanong, may mali kaya sa report ko? o di kaya dun sa paper works? wag naman sana, kung nagkataon ipapaulit sa yun lahat ni Sir. Matatambakan na naman ako.

Pagdating ko sa CSG Office, sinalubong ako ni Sir

"Ms. Fordez may itatanong lang ako sayo about dun sa articles mo sa paper work"

Hala, this is it! baka may nagawa na mali, patay ako nito ilang page pa naman yun.

"I like your idea with the foundation day"

"po?" ang totoo nyan hindi ko alam kung anong nakasulat dun. Ang dinagdag ko lang dun ay yung tungkol sa Intrams Event

"Your Idea na pumunta sa mga ampunan and spend time with them and usually ang ginagawa lang sa mga foundation day ay ang mag games but when you say na 'Foundation is not all about the games or contest, We must be active to any charity not to gave something to them but a happy heart that never forget'"

"ah, yun po ba sir?" medyo naiilang ako kasi naman hindi naman ako nag gawa nun kundi si Ezekiel

"So I must say na sa 1 week nating Foundation Day icecelebrate natin yung with other people"

"Talaga po Sir?"

"of course, do you have any idea kung sang ampunan"

"yes Sir"

Nakapag decide ako na dun sa ampunan ni Lola Felicia ganapin yung Foundation Day at excited na akong bumalik ulit dun. Nakakamiss yung luto ni Manang

Umuwi na agad ako, dahil magandang balita ang nasagap ko ngayong araw. Nakabili na rin ako ng mga pasalubong sa mga bata kahit kulang pa yun may ilang weeks pa naman, ginamit ko yung ipon ko sa allowance ko.

Pagdating ko sa kwarto ibinababa ko muna yung mga pinamili ko at nagpalit ng damit. Manunuod na muna ako ngayon, tutal wala naman na akong gagawin

"JANINE!" sigaw sa akin ni Aling Rosie

Agad agad kong binukasan ang kwarto ko at nakita kong ang mga katulong ay nasa tapat ng kwarto ni Ezekiel

"bakit po kayo nasa tapat ng kwarto ni Ezekiel? ayaw nya po ng ganun diba?"

"kasi naman janine maghapon na syang hindi lumalabas at ayaw kumain tas kanina lang narinig namin na may nababasag na kinakabahan na kamin dito, hindi naman namin macontact si Madam (mommy ni Ezekiel)"

KUYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon