Chapter 7

8 0 0
                                    

Ezekiel's POV

Maaga akong nagising dahil pinapatawag daw ako ni Lola Felicia.

Agad naman akong pumunta at pagdating ko nakita kong nakasandal sya, paupong posisyon sa kama.

"Ano po yun Lola?"

"Hijo, alam kong mahirap ito para sayo pero gusto ko sanang pumayag ka na ikaw na ang bahala kay Janine"

"Lola paano ko magagawa yun 16 palang ako, paano ko ibibigay yung mga bagay na kakailanganin nya?"

"May parte sya sa mga ipon ko hijo, huwag mo sanang mamasamain pero apo, hati din kayo sa lupang ito, ang bahay na'to ay nakapangalan sa inyong dalawa"

"Lola"

"Hijo, ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari babantayan at aalagaan mo si Janine, parang apo na rin ang turing ko sa kanya. Kung dumating man yung araw na hindi kayo magkaintindihan, ikaw na ang umunawa dahil ikaw ang nakatatanda"

"Lola, kung yun, yung gusto nyong mangyari, gagawin ko po yun pero hindi ko po maipapangako na magiging madali sa kanya ang lahat"

"Kaya yan ni Janine, mauunawaan nya, basta hijo gabayan mo sya dahil alam mong lumaki sya sa ampunan"

"Opo lola"

"Salamat" niyakap ako ni Lola Felicia, kahit siguro tumanggi pa ako ay paulit ulit akong kukulitin ni Lola tungkol sa bagay na yun. Kaya pumayag na din ako.

~

Tumawag lang kanina si Mommy, kinamusta nya ako at sinabi nya na baka mga 3 weeks lang sya dun at babalik na din.

Bago ako lumabas sa kwarto ni Lola Felicia inabot nya sa akin ang isang folder, nang buksan ko yun, nandun ang birth certificate nya, NSO at iba pang mga importanteng documents. Sinabi sa akin ni Lola Felicia na ang TUNAY na mga magulang ni Janine ang nag ayos ng ibang documents kasama ng pag iwan nito sa Ampunan.

"Sir, Sir!" agad kong binuksan ang pintuan at nakita ko si Anne na namumutla

"Bakit Anne?"

"Si Lola Felicia po"

Hindi ko na sya tinanong pa at pumunta agad ako kay Lola Felicia, nakaramdam ako ng takot at kaba.

Pagkarating ko, may doctor at mga nurses na ang nandun, nasa tabi ni Lola Felicia si Janine at umiiyak

"Doc, a-anong nang- nangyari?"

Tinapik ng doctor ang balikat ko at tska nagsalita "I'm sorry"

Kanina, kanina kausap ko lang si Lola Felicia bakit ganito?

"Lola" pilit ko syang ginigising

"Lola wag naman ngayon" hindi ko napigilan ang nagbadyang luha sa mga mata ko.

Kahit hindi ako lumaki sa tabi nya mahal na mahal ko si Lola Felicia.

"Ang duga mo naman Lola" nanginginig na boses ni Janine

Ilang oras din akong nasa tabi nya, pati si Janine.

Nakatulala lang ako sa kawalan. Paano kaya kung kasama namin si Lola Felicia sa U.S sana natutukan namin sya para hindi humantong sa ganito

"Sir" dumating na ang mag aayos kay Lola Felicia.

"Sir ako na pong bahala, alam na rin po ng Mommy nyo ang nangyari at sabi nya makakabuti kung nandito po muna kayo sa bahay" tumango nalang ako sa sinabi ni Anne

~

Matapos ang paglilibing kahit na anong gawin ko lutang pa rin ako. Hindi ko magawang isipin na wala na. Sa tuwing gumigising ako sa umaga ang lagi kong iniisip ay panaginip lang ang lahat, pero hindi.

Ang sabi ni mommy uuwi sya pero hanggang ngayon wala pa rin sya. Nandito ako ngayon sa terrace. Tinitignan ang bawat galaw ng mga hardinero, at ang paglilinis ng ibang mga katulong sa pool.

"Aalis na po ako" napalingon ako kung sino yun.

"Janine" mahina kong banggit

"Babalik na po ako sa ampunan"

"No"

Ngumiti sya sa akin na halata namang napilitan lang sya.

"Namimiss ko na rin ang mga bata" - Janine

"But you can't"

Napatingin sya sa akin.

KUYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon