Chapter 1

21 0 0
                                    


Walang kasiguraduhan, walang kasiguraduhan ang lahat. Yan ang pag describe sa buhay ko dito sa ampunan. Walang kasiguraduhan kung makikita ko pa ang mga TUNAY kong mga magulang, walang kasiguraduhan kung may mag aampon pa sa akin sa ganito kong edad, minsan naisip ko bakit hanggang ngayon nandito pa ako? samantalang yung ibang kababata ko dati maganda na ang buhay nila ngayon, kung anong pagkukulang ng mga TUNAY na mga magulang nila nararamdaman na nila ngayon.

"Ate si mia oh!" lumapit sa aking ang isang batang nag ngangalang mae nung isang taon lang sya pumasok dito sa ampunan

"Oh? Bakit?"

"Nilalagyan ako ng powder" sabay yakap nya sa akin

"Mia, alam mo namang bawal kay Mae ang powder diba?"

"Binibiro ko lang naman sya eh" lumapit na rin sya sa amin

"Stop na, baka makita pa kayo ni Ate Caleyn papagalitan kayo nun sige"

Ako ang pinakamatanda dito sa Bahay Ampunan, sa kabila ng lahat natutuwa naman ako dahil malapit sa akin ang mga bata na kasama ko dito

"Janine, maghanda ka ng meryenda at may bisita tayo" pagtawag sa akin ni Ate Caleyn

"Nandyan na po"

"Oh pano behave kayo dito ha" tukoy ko kila Mae at Mia

Ang weird lang, nung baby pa ako nang dalhin ako ng magulang ko dito sa ampunan may iniwan na kwintas sa akin at dun nakalagay ang pangalan ko Janine Alexis Fordez

"Matagal pa ba yan Janine"

"Ito na po"

Si Ate Caleyn, sya ang pinagbilinan na magbantay sa amin pansamantala dahil si Lola Felicia ay sinugod sa Ospital dahil sa pagtaas ng dugo nito

Nakasanayan nang Lola ang itawag namin sa kanya dahil ang mga apo at anak niya ay nasa ibang bansa ang balita daw ay ginusto ng pamilya nila na isama ito pero dahil sa sobrang lamig daw doon ay pinili na lamang ni Lola Felicia ang pag stay dito. Kaya naman napag desisyunan na magpatayo ng Ampunan para daw may mapaglibangan si Lola Felicia lalo na't mahilig daw ito sa mga bata

"Naku, Mam nasa Ospital po ngayon si Lola Felicia" rinig kong sabi ni Ate Caleyn sa bisita

"Meryenda ho" nakita ko ang isang magandang babae na siguro ay nasa 26 lang ang edad at may kasama sya na lalaki sa pagtingin ko sa kanya siguro ay mga ka edad ko lang sya

"Salamat Hija"

"Nga pala, Caleyn wag ka nang mag alala may pinadala na kami dito na papalit muna kay Mama"

Ano? Mama? Ibig sabihin, hindi ko napansin na sya pala ang tinutukoy sa akin dati ni Lola Felicia ang kaisa isa nyang anak

"Ganun po ba"

Umalis na ako dahil magpapaligo pa ako ng mga bata, yung mga tumutulong kasi dito sa Ampunan ay kasama ni Lola Felicia sa Ospital kaya ako na muna ang bahala sa kanila

"Mga bata maligo na"

"Ate ako nalang po mag isa ang maliligo big boy na po ako"

"Ikaw talaga john, papaliguan ka pa din ni Ate baka mamaya madulas ka"

"Ako din Ate, ako nalang maliligo mag isa"

"Naku, mag si tigil kayo papaliguan ko kayo lahat"

"5 yrs old na kami Ate"

"kahit na"

"Ako, ako Ate paliguan mo" sabay sabay na sabi ng mga batang babae at meron din naman ilang batang lalaki ang tumaas pa ng kamay at nagsisitalon

"Ate gusto lang nila john ligong aso kasi ayaw tumigil maglaro"

"hahahaha! amoy aso na nga ligong aso pa"

sabay tawanan din ng mga bata sa loob

"Kayo talaga, tigil nyo yan ha maligo na para makatulog na kayo"

KUYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon