Chapter 2

10 0 0
                                    

Janine's POV

Kamusta na kaya si Lola Felicia? Maayos na kaya siya? Ilang araw din na wala sya dito sa ampunan, ang ibang mga bata nag tatanong na tungkol kay Lola Felicia

10 pm lagi lang akong nandito sa labas sa may garden tumitingin sa mga bituin, kapag hindi ako makatulog.

Nagpapasalamat ako dahil pinag aral ako ni Lola Felicia ng high school kahit na nasa loob lamang ng ampunan masaya na ako, sa susunod na pasukan ay 4th yr na ako, hanggang elementary lang kc ang sakop ng ampunan kasi wala nang naabot ng 11+ yrs old dito kaya ganun nalang din ang pagtataka ko kung bakit hanggang ngayon nandito pa rin ako

Nagulat ako ng may tumabi sa akin

"Kasama kaba nung Caleyn na magbantay dito?"

"Hindi po, isa ako sa mga bata na nasa ampunan"

Nakita ko sa mukha nya ang pagkabigla, nagtataka din siguro sya o baka naman iniisip nya na walang gustong umampon sa akin

Pagkatapos nun wala nang nagsalita sa amin

Sya yung kasama nung Anak ni Lola Felicia

"Ezekiel, Ezekiel Gonzales" tinapat nya naman sa akin ang kamay niya

"Janine Alexis Fordez" abot ko naman sa kamay niya

"Diba ang Alexis name lang for boys?"

"Hm, natanong ko na rin sa sarili ko yun, pero nung malaman ko yung meaning nung Alexis"

Napatigil ako dahil na rin sa sinabi sa akin dati ni Lola Felicia nang itanong ko ang tungkol sa pangalan ko

"Ano naman yun"

"Defender"

"Cool"

"Hah?"

"I said it's cool"

"Ano namang cool dun?"

"I find it Cute"

Namagitan na naman ang katahimikan sa amin

Medyo nagulat ako nang mag ring yung cellphone nya

"Excuse" bigla naman syang umalis

Naalala ko ulit yung tungkol sa name ko

-Flashback-

"Lola Felicia, tinutukso po nila ako"

"bakit naman little janine?"

"panglalaki daw po kasi yung pangalan ko, tomboy daw po ako huhuhu T_T "

"Halika dito" hinawakan ni Lola Felicia ang kamay ko at pinaupo ako sa may sofa

"ssh, wag ka nang umiyak little janine, alam mo ba na may kahulugan yun?"

"po?"

"ibinigay sayo ng mga magulang mo ang Alexis para maging matapang ka"

"bakit naman po? eh pang boy naman po yun eh"

"Alexis ang ibig sabihin nun ay Defender ibinigay yun sayo para hanggang paglaki mo matapang ka tska hija hindi naman pang boy lang yun pwede din yun sa girl"

"eh sabi po nila huhuhu T_T"

"hindi kasi nila alam yung kahulugan ng name mo maganda kaya, pag may nagsabi sayo na pang boy ang pangalan mo sabihin mo lang na isa akong defender"

"Talaga po Lola Felicia isa akong defender? parang superhero?"

"oo naman little janine"

KUYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon