HGG [4]

179K 3.4K 54
                                    

Chapter 4

Janine's POV

Mabilis na dumaan ang morning classes. At dahil nga ngayong lunch ang laban ni bes ay todo kabado siya.

"B-baka mamatay ako! Bes! Back-out na ako!!" naiiyak na sabi niya.

I rolled my eyes. "Drama mo bes. Tsaka diba may date ka pa kapag nagawa mong maging Princess?"

Biglang tumigil siya sa kadramahan niya at tumahimik.

"Ehh.. goodluck Ellaine! Kaya mo yan!" natutuwang pagchi-cheer sa kanya ni Riza.

Tinaasan naman niya ng kilay si Riza. "Paano mo naman nalaman na kaya ko to eh hindi mo nga alam kung paano ako makipaglaban? O di kaya kung marunong akong lumaban?"

Biglang napangiti si Riza. "Alam ko kasi sabi ni Janine, ikaw ang pinakamalakas doon sa karate classes niyo" sagot niya.

"Goodbye class" sabi ng teacher.

"Goodbyeee and thank yooouuu, missss." sabay-sabay na sabi namen.

Hanep noh? Highschool na nga kami pero ganyan pa rin kami bumati.

Bigla akong natauhan ng niyugyog ni bes ang balikat ko. "LUNCH NA BES. LUNCH. NA. PAKSH--"

"No cursing allowed" pagtitigil ko.

Napabuntong-hininga naman siya. "Alam mo, ang oa mo bes. Alam ko namang kayang-kaya mo yan diba? Ikaw pa!" sabi ko.

Papunta na kami sa basketball field. Doon daw kasi gaganapin yung laban.

Lalabas na sana kami ng room nang bigla kaming sinalubong ni Ace.

Nakapoker-face lang siya nung una then bigla siyang ngumiti. Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko nung nakita ko siya. Mygawd!

"Hi.." hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nakalimutan ko nga pala ang pangalan ni Ace.

"Jarett" bulong sa akin ni Riza.

"Hi Jarett!"

Nginitian niya naman ako. "Anong kailangan mo?" tanong ko.

"Ihahatid ko lang sana kayo sa basketball field. Teka, siya ba yung lalaban. Pwede na rin. Maganda siya" sabi niya habang pinagmamasdan si bes.

"Hoy! Wag mo ngang pagnanasahan ang bes ko! Taken na yan (ni Prince.. hihihi!)!" sabi ko naman habang hinaharangan si bes from Ace.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon