HGG [23]

156K 3K 227
                                    

Chapter 23

Janine's POV

"Bakit ayaw mo bitawan ang hawakan?" Nakangiti kong tanong sa kanya. 

"Shut up" sabi niya habang mahigpit pa din ang hawak sa hawakan. Natawa na lang ako ng mahina. Is King afraid of riding horses? ~^^~

Nakakatawa na nakakatuwa. Mehehehe~

Binilisan ko ang lakad ko. "H-hoy! Bagalan mo nga!" angal ni King. Napatawa na lang ako. 

Halos lahat sila ay nakatingin na sa amin at natatawa din. Lels, nakakatawa si King eh. Imbwes na bagalan ay mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko. 

Hindi ko matignan ang itsura ni King dahil hindi ako makatingin sa kanya. Pano na lang kung may puno pala sa harapan ko at hindi ko nakita? Napango pa ang cute kong nose? 

Biglang tumabi sa amin ang kabayo ni bes. At pinicturan si King XD

Nakangiting bumalik si bes sa kanila at pinagdiskitahan ang picture ni King. Ngayon, tumatakbo na ako, as in tumatakbo ng mabilis.

Inikot namin ang buong ring. Maya-maya ay napagod na rin ako at umupo sa patong-patong na kahoy. Tinignan ko ang itsura ni King. 

Mahigpit pa rin ang hawak niya sa hawakan sa saddle at namumutla. Oops. Masyado atang mabilis ^_^'''

Lumapit ako sa horse ko at pinaurong si King. 

"Ayaw!" sabi niya. Enebeyen. May gantong side si King? Di ako makapaniwala (_ _''')

"Urong ka lang ng konti! Sasakay ako" sabi ko naman. Umurong naman siya. Sige, ayos na yan. Kasya naman siguro ako diyan. 

Sumampa na ako sa horse ko. Ako yung nasa unahan. Ako magle-lead eh ^_^

Kinuha ko na rin ang tali. "Hawak kang mabuti" sabi ko. Dun pa rin kasi siya nakahawak sa hawakan kahit nasa harapan niya ako. Mukha tuloy niya akong niyayakap.

But I don't mind. Wag kasing lagyan ng malisya! >//<

"Kyaaa~ Ang sweet ni King and Queen!" 

"O-em. Nilalanggam na ako!"

"Nakakainggit naman!" si bes po nagsabi nito. - _ -

"Gusto gayahin natin sila sweetheart?" tanong ni Prince. 

"Eh...okay! ^^" 

Tss! Gaya-gaya! = _ = 

Inikot lang namin ang buong ring. Pero hindi ko na pinatakbo ng sobrang bilis. Mamaya hindi lang yakap ang magawa nito sakin eh. 

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon