HGG [39]

136K 2.7K 261
                                    

Chapter 39

Janine's POV

Nararamdaman ko ang sarili kong lumulutang sa hangin.

Hmm..asan ba ako? Ang sarap naman ng pakiramdam ko ngayon. Feeling ko lumilipad ako.

Doon ko narealized na nananaginip lang ako at hindi totoong lumilipad ako sa hangin.

Pero bakit ganun? Feeling ko talaga lumilipad ako eh.

Unti-unti akong dumilat upang malaman ko kung bakit ako lumilipad. Gising na gising na kasi ang diwa ko, hindi pedeng nananaginip pa rin ako hanggang ngayon.

Tumumbad sa akin ang mukha ng isang gwapong nilalang. Uwaaaaaahh! Nananaginip nga ata ako. Nakangiti pa siya sa akin eh.

"Patay na ba ako?" wala sa sarili kong sabi.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Patay na nga ata ako.."

Ang gwapong nilalang ay tumawa na mas lalong naging hawt sa paningin ko.

"Okay lang ba siya? Buti na lang nasalo mo" Narinig ko ang boses ng isang pamilyar na lalake sa malapit lang.

"Mukhang pinagnanasahan ka King oh" rinig ko pang sabi ng isa.

Doon ako nagising. At nalaman na..buhat-buhat pala ako ni King mula kanina.

"Patay na patay sayo oh" Rinig kong sabi ni Ace bago magtawanan sila ni Jack. Langya tong mga to ah.. pinagtatawanan ako.

Napaupo ako pero nakalimutan kong buhat-buhat nga pala ako kaya nabitawan niya ako. Naglanding ako sa sahig at shems. Masakit.

"Takte naman King! Di mo man lang ako sinalo?" asar na sabi ko sa kanya habang tumatayo at hinihimas ang masakit kong puwet.

"Sinalo na kita kanina. Hindi mo lang alam" nakangising sabi niya na ipinagtaka ko.

"Hay hay hay nako Queen! Diba nakatulog ka kanina sa rooftop?? Eto, muntik ka ng mahulog dahil makulit ka palang matulog, buti na lang pinapanood ka ni King at nasalo ka" sabi ni Ace.

Napalaki naman ang mata ko. Yun ba yung feeling na nahuhulog ako kanina. Akala ko talaga nananaginip lang ako eh.

"Teka wait sandali. Kailan yon nangyari?" tanong ko.

"Ngayon ngayon lang" sagot ni Ace.

"So ibig sabihin..kanina pa ako pinapanood ni King?"

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon