Chapter 50
.Continuation of Flashback. (still Xavia's POV)
Unti-unting napadilat ang mata ko.
N-nasaan ako? At bakit sobrang sakit ng katawan ko? H-hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi rin ako makapagsalita dahil n-nanunuyo ang lalamunan ko.
Pilit kong inaalala ang nangyari. Ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.
Parang malamig na tubig ang bumuhos sa akin nang maalala ko ang tama malapit sa dibdib ko.
Namumuo na ang luha sa gilid ng mga mata ko. "B-bebs..." bulong ko.
Ang kapatid ko. Kailangan kong malaman kung buhay ang kapatid ko!!
Bigla akong napatigil. Teka, sigurado ba akong buhay ako ngayon?
Napatingin ako sa paligid. Nasa isang kwarto ako. Hindi pang-ospital. Yung mala-hotel na kwarto. Ibig sabihin, hindi pa ako patay.
Pinilit kong tumayo kabila sa sakit na nararamdaman ko. Kumikirot pa rin ang lugar kung saan ako binaril.
Hirap na hirap akong tumayo. Ginamit ko ang table na malapit sa akin upang alalayan ako nitong tumayo.
Pagkatapos ng ilang beses na subok ay napaluha na lang ako. Nakatayo na ako. Kailangan ko na lang maglakad. Kailangan kong makita ang kapatid ko.
Dahan-dahan, kahit sobrang sakit, ay tinungo ko ang pintuan.
Ngunit bago pa ako makarating sa pinto ay napatigil ako sa harapan ng isang salamin. Kitang-kita ko doon kung gaan kaputla ang mukha ko at mukhang wala na akong buhay. Kung paano nasunog ang isang gilid ng mukha ko.
Hindi ko akalaing mabubuhay pa ako sa lahat ng naranasan ko. Huminga ako ng malalim, kahit na masakit at ipinagpatuloy ang paglalakad papunta ng pinto.
Nasa harap ng ako ng pinto at aabutin ko na lang ang doorknob kaso hirap na hirap kong igalaw ang kamay ko. Naluluha ako sa bawat subok ko sa pag-taas ng braso ko.
Kaso biglang bumukas ang pinto, na ikinagulat ko.
Hindi ko maiwasang mapaatras at matumba dahil sa gulat.
"Xavia! What are you doing up?! Hindi ka pa magaling, bakit ka tumayo agad?!"
Napatulala lang ako sa lalakeng nagsasalita sa harapan ko. Hindi ko namalayan na binuhat na pala niya ako pabalik sa higaan at inihiga ako doon.
H-hindi ko kilala ang lalake. At mas matanda siya sa akin. Mukhang kasing edad niya lang ang..papa ko.
BINABASA MO ANG
His Gangster Girl [STBP by LIB; Unedited Version]
ActionMeet Janine Park, the leader of the strongest girl gang in the Gangster World. But somehow, someone wanted them DEAD. They hid in the small part of Philippines where they knew they won't be found. They hid their identities and tried to live a normal...