CHAPTER 3 OUR NEW ADVISER

122 8 2
                                    

BELLY'S POV

"Ok tama ka, may gusto ako sa kanya"
Napansin kong bumuntong hininga sya bago muling nagsalita

"But promise me belly! Walang makakaalam nito kahit sino, lalo na si Amarta"
Bakas sa mukha nya ang pagsusumamo

Confirm! sabi na nga ba eh may feelings talaga sya for Amarta
At hindi ako masaya sa nalaman ko why? Bahala kayong umalam -.- chos! Of course i love him! Yes! I LOVE HIM matagal na! Pero nanatili lang tikom ang bibig ko kasi baka layuan nya ako.

Wala nakong ibang nagawa kundi ang tumango,

"Thanks belly"
Ngiting-ngiti nyang pasasalamat
At ako naman ngumiti narin sana lang hindi nya mahalatang pilit

But honestly, korny man pero gustong-gusto ko ng umiyak at magwala dito sa kinatatayuan ko kaso nandito sya sa harap ko eh! Ayoko magmukhang tanga sa harap nya.

"Vans!!!"
Napalingon kami sa sumigaw at nakita namin si Apple kasama si Nassy at Amarta

"Ayos kana ba? Kumusta na pakiramdam mo?"
Hanggang ngayon bakas parin sa mukha ni Vans ang pag aalala

Hey! I'm here!
May nasasaktan dito sa tabi!

Gusto ko sana isigaw kaso wag na! Di ko kaya!

"I-im ok"
Walang emosyong sagot ni Amarta

Teka! Ano ngabang nangyari sa kanya ng mapahiwalay sya samin kahapon?

"What happened to you last night Amarta? Bakit parang sobrang takot na takot ka?"
Teka mamaya na kadramahan ko ha curious talaga Ako eh o.O

Napataas ang kilay ko sa naging reaksyon nya para bang gulat na gulat ang itsura nya ngayon

"M-merong A-aswang! I saw his face! H-his in front of me a-and He chased me!, im so scared!"
Muli nanaman syang umiyak kaya ito namang si Vans agad syang niyakap

Spell selos! B-E-L-L-Y -.-

F*ck! I need to leave this place now! Anytime babagsak na tong mga peste Kong luha!
Bwisit! Napaka babaw ko talaga!
Parang niyakap lang iiyak na agad? F*ck again!!!

Hindi ko na natiis pa at umalis nako ng walang paalam
Wala eh! Hindi ko na kayang pigilan! Kaya heto ako ngayon umiiyak habang naglalakad

Bakit kasi si Vans pa?!
Bakit yung ugok nayun pa?!
Bakit yung siraulong yun pa?!

Argh! Kung pwede lang turuan ang puso! Kaso hindi! Ilang beses ko ng sinubukang mag hanap ng iba, lumande, maging timer pero wala paring nagyayari!
Vans parin ang sinisigaw ng puso ko! Si Vans parin hinahanap ko!

Hay buhay! Pakamatay na kaya ako?

AMARTA'S POV

Nandito na ako ngayon sa loob ng classroom nakatunga-nga,
And as Usual marami nanaman ang nakatitig sakin at marami rin ang nagnanasa sa sobrang ganda ko. Wala eh pinanganak akong maganda kaya sorry sila!
Pero dahil Ramdam ko parin ang takot hanggang ngayon binalewala ko nalang sila,
Ayaw sana akong papasukin ni mommy kaso nag pumilit akong pumasok. Oo takot parin ako Pero hindi dahilan yun para mag mukmok Ako sa bahay.

"Ok Good morning class"
Bati sa amin ni Ms.Bartolo ng makapasok sya.
Hindi na kami nag abalang tumayo pa binati nalang namin sya pabalik. Para san pa Diba? Sakit lang yan sa paa -.-

"Ok I have an announcement"
Panimula ni ms.bartolo
"From now on Hindi na ako ang inyong Adviser"
Biglang nag Simula ang ingay sa buong classroom
Hay buti naman! Never kong naging close yang Prof nayan! Pano insecure sa ganda ko

"I want to introduce to you your new adviser Mr.Quinn"
Kasabay ng pagbanggit ni Ms.Bartolo ang pag pasok ng isang lalaking nakasuot ng salamin, matangkad, may makisig na pangangatawan, matangos ang ilong, Kumikinang sa itim na kulay ng buhok at kissable lips, wow ulam! Chos! Hahaha oo sya na gwapo!

"Good morning I'm your new adviser, Sord Quinn call me Sir.Sord"
Sabay ngiti nya dahilan para kiligin yung mga classmate ko kikiligin narin sana ako ng mapansin kong dumako ang tingin nya sakin,
Mas lalong lumawak yung ngiti nya ng magtama ang mga mata namin.
Bakit ganon sya makangiti sakin? Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o kikilabutan?
Di kaya na love at first sight sakin to? Haha ang assuming ko talaga
Nginitian ko nalang sya ng pilit

END OF CHAPTER 3

---AMARTA in multimedia box :)

VOTE & COMMENT

ANG STALKER KONG ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon