Chapter 10 My brother

133 5 7
                                    

AMARTAS POV

Huh? Magkakilala sila?
Piping tanong ko sa sarili

Tinignan ko si Sir tapos si Won

"Magkakilala kayo?"
Tanong ko habang nakaharap Kay won pero imbes na sagutin ang tanong ko mabilis nyang hinawakan ang kamay ko

Napakahigpit ng hawak nya kaya diko mapigilang titigan sya ng may pagtataka

"Of course because his--"
"My friend"
Pagputol ni won sa dapat sabihin ni Sir.sord pero nandoon sa tono ng boses nya ang panlalamig

Bakit ganon nya tignan si sir kung Magkaibigan sila?

Ngumisi lang si sir habang naka tingin ng deretso sa mga mata ni won na gaya rin nyang nakatitig din sakanya

"Yeah, his friend"
Nakangisi pagsang ayon ni sir

Bumaling naman ng tingin sakin si Sir

"Pasensya kana Amarta, may masakit paba sayo?"
Lalapitan nya na sana ako ng humarang sa harap ko si won

"Ako ng Bahala sa kanya"
Bakit ang lamig nya magsalita?
Bahagyang tumaas ang gilid ng labi ni sir dahil sa ginawa ni won pero agad din syang bumaling ng tingin sakin

"Sige,mauuna na ako"
Ngiti nyang paalam sakin na ginantihan ko rin

Ng tuluyan ng makaalis si sir naramdaman ko ang pagluwang ng pagkapit nya sa kamay ko dahilan para mapatingin Ako sa kanya

Nakatalikod parin sya sakin kaya ako nalang ang kumilos papunta sa harapan nya para makaharap siya

"Won,may problema ba? Bakit ganon mo tignan si sir.sord?"
Nagaalala kong tanong

Nabaling ang tingin niya sakin
At nagtaka ako ng bakas sa mga mata niya ang pag aalala

Yumuko sya ng bahagya para mapantayan ang mukha ko
Ikinulong nya iyon sa dalawa nyang palad

"Wag na wag kang lalapit sa kanya"
Derekta nyang utos habang titig na titig sa mga mata ko

"Ha? Bakit?"
Naguguluhan kong tanong sa kanya

"Basta! Gusto kong layuan mo siya---"
"Sabihin mo sakin ang dahilan won, dahil hindi madaling gawin ang pinapagawa mo dahil Professor ko siya!"
Pagputol ko sa sasabihin nya
Tinanggal ko narin ang pagkakakulong ng palad nya sa mukha ko

"Sundin mo nalang yung sinabi ko!"
Napapitlag ako ng bahagyang tumaas ang boses nya

Sinigawan nya ako?

"S-sorry, hi-hindi ko sinasadyang sigawan ka"
May bakas din ng gulat at pagaalala sa mukha nya dahil sa nangyari

"Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nagkakaganyan ka! Pero ang pinakaayaw ko sa lahat ay sinisigawan ako!"
Bahagya naring tumaas ang boses ko dala ng sobrang pagkainis

"S-sorry"
Hahawakan na nya sana ang kamay ko ng tabigin ko yon palayo

"Mauuna na ko"
Tinignan ko sya ng seryoso bago sya iniwan don

Hindi ko alam pero napakabigat ng pakiramdam ko habang naglalakad palayo sakanya
Bakit ba kasi ako nagpapadala sakanya!? Samantalang nung nakaraan lang kami nag kakilala

Haayst! Sumasakit na yung ulo ko kaiisip sa lalaking yun!

Imbes na dumaretso sa room pumunta muna ako sa garden

Naupo ako sa isa sa mga bench dun kung saan nakaharap sa fountain

Napatingin ako sa relo ko at sa mga oras na to nagsisimula na ang klase namin pero wala akong pakialam kailangan ko ng sariwang hangin at alam kong dito ko lang malalasap yun

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG STALKER KONG ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon