CHAPTER 7 Diyos ng kagwapuhan

126 5 1
                                    

AMARTA'S POV

"anak, ayos kalang ba?" nabalik ako sa katinuan ng marinig kong nagsalita si mom

"p-po?"

"kanina kapa tulala! may hindi kaba sinasabi sakin?" bakas ang pag aalala sa mukha ni mommy

muli nanamang bumalik sa isip ko yung mga nangyari kagabi, yung mga sinabi niya hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kaya niyang sabihin yun lalo pa't isa syang aswang

kagabi, hindi na nya ako hinayaang umuwi ng mag isa, hinatid niya ako sa gilid ng bahay namin kaya maayos nakong nakauwi kagabi.

"w-wala po"

"sigurado ka?" paninigurado niya, tumango naman ako bilang tugon

tinapos ko muna yung breakfast ko bago pumasok sa school, nagka emergency pala yung family ni manong kahapon kaya napauwi siya ng di-oras kaya hindi niya rin ako nasundo si mommy naman wala rin kahapon sa bahay at si kuya naman pumunta sa mga kabarkada niya

pagkarating ko sa school sinalubong agad ako nila apple

"Good morning" bati nila na sinagot ko rin ng good morning

dumeretso na kami ng room at tulad ng dati napaka boring parin sa klase, natapos nalang ang lahat ng subject namin na puro discussion.

CANTEEN~~

VANS POV

"guys,gusto nyo bang mamasyal sa park mamayang gabi?"

tanong ni Mack pagkaupo namin sa table NAMIN dito sa canteen, yeah may sarili kaming table dito at hindi yun pwedeng upuan ng iba dahil para samin lang tong pwestong to.

"sige ba, total wala rin naman akong gagawin mamaya"

masayang sagot ni Nassy

"Sama na ko" -belly
"Ako rin"-Apple
"Me too"-Mori
"Of course hindi ako papahuli"
Ani ko.

At isa nalang ang hindi nagsasalita
Napatingin kami kay amarta

"Ikaw amarta sasama kaba?"
Tanong ni Mack

Hinihintay namin siyang sumagot pero nanatili lang siyang tahimik.
dahil kaharap ko sya agad akong nag snap ng diliri sa Harap nya dahilan para mapakurap sya at bumalik na mula sa pagkakatulala

"H-ha?"
Nagtataka niyang tanong

"Kanina kapa tulala ah! May problema ba?"
Nag aalalang tanong ni Apple

"W-wala, may naalala lang ako. Ano nga palang pinaguusapan niyo"
Nakangiti niyang tanong

"Ang sabi ko gusto mo bang sumama sa park mamayang gabi?" Pag uulit ni mack

"Ah, oo ba"
Pagsang ayon niya

----

"May problema kaba?"
Tanong ko kay amarta habang naglalakad kami papuntang park medyo malapit lang naman dito ang park kaya pinili nalang naming maglakad

"Ha? Bakit mo naman natanong?"

"Kanina kapa kasi tulala, may nangyari ba?"

"W-wala naman, bilisan na natin nahuhuli na tayo oh!"
Nauna na siya saking maglakad para maabutan sila Mack na medyo malayo na ang distansya samin

AMARTA'S POV

ano bayan! Bakit ba lagi nalang nila ako tinatanong!? Nakakainis din naman tong sarili ko kasi minsan hindi ko maiwasang mapatulala

Nang makarating kami sa Park, nag Simula na kaming tumingin tingin sa mga panindang nakatayo sa tabi-tabi medyo maraming tao rin kasi gabi na, 8 pm na at ganitong oras kadalasang dumadagsa ang maraming tao

ANG STALKER KONG ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon