CHAPTER 9 They know each other?

76 4 1
                                    

AMARTA'S POV

"Ang lungkot mo"
Napabaling ang atensyon ko kay won ng magsalita sya

Naglalakad na kami ngayon pauwi ng bahay sina Apple naman nauna na

"Gusto mo ba sya?"
Deretso nyang tanong

Si Vans? Gusto ko?

"Hindi ko alam, hindi lang kasi ako sanay na ganon sya na binabalewala nya ako"
Napayuko ako ng muling sumagi sa isip ko ang malamig na tingin nya sakin kanina

"Hindi mo ba napapansin? May gusto sya sayo"
Napahinto ako dahil sa sinabi nya at tinitigan sya

Seriously? Si vans? May gusto sakin?

"Mula ng makita kita sa gubat, hindi na kita nilubayan lagi na akong nakasunod sayo kaya nakikita ko rin kung paano sya mag-alala sayo"
Napaisip ako sa mga sinabi nya,
Oo tuwing may problema ako noon si Vans lagi ang nasatabi ko kapag may nangyayari namang masama sakin sobra sobra sya kung mag alala

"Won"
Tinitigan nya ako sa mga mata

"Nakikiusap ako sayo"
Ikinulong nya ang mukha ko sa pagitan ng mga palad nya

"Bigyan mo ako ng chance para ipakita sayo kung gaano kita ka gusto! Hayaan mo kong ipadama sayo kung gaano kita kamahal, kahit hindi kita lubusang kilala sa sandaling panahon minahal na kita"
Parang sasabog na yung dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok

"Hindi ko kakayanin kong mapupunta ka sa Vans nayun! Oo matagal na kayong magkakilala mas higit na kilala mo sya kesa sakin pero sana pagkatiwalaan mo ko, pinapangako ko sayo gagawin ko ang lahat manatili kalang sa tabi ko"

Hindi ko namanlayan na tumulo na pala yung luha ko na agad din naman nyang pinahid

"Mahal na mahal kita"
Bulong nya at agad akong niyakap

VANS POV

Nasuntok sa katawan ng puno ang kamao ko dahil sa sakit na raramdaman ko dahil sa mga nakikita ko

Yakap ng lalaking yun ang babaeng gusto ko!

Kung Hindi sana ako naging torpe! Kung umamin na sana ako sakanya noon palang! Baka siguro ako ang nasa pwesto ng lalaking yun! Ako sana ang nakayakap Kay Amarta ngayon!

Hindi! Hindi ako papayag! Masyado nang malalim ang pagmamahal ko sa kanya kaya hindi ko sya kayang bitiwan ng ganon kadali!

Wala pa akong nagagawa! Wala pa akong nasisimulan!

AMARTA'S POV

"Won?"
Nagtataka kong tanong ng makita kong nakasuot sya ng uniform ng school

"Lalo bang gumwapo?"
Sabay pogi pose pa sya
Napairap naman ako dahil sa kahanginan nya pero sa totoo lang mas gumwapo nga sya.

"Halikana sa loob?"
Yaya nya sakin na agad ko namang tinanguan

Habang naglalakad kami papasok nasaamin nakatingin ang lahat ng mga studyante lalong lalo na sa lalaking nasatabi ko ngayon

'Wow! Ang gwapo naman nya!'
'Ngayon ko lang sya nakita dito?'
'Napakaswerte talaga ni Amarta!'
'Shemay! Sana sakin nalang siya!'

Diko maiwasang di-mapangiwi dahil sa mga bulung-bulungan nila na rinig na rinig namin

"Narinig mo yun? Ang gwapo ko daw? At ang swerte mo daw?"
May halong pagmamalaki sa boses nya

"Hindi ko alam na mahangin din pala ang mga aswang!"
Ngisi ko sakanya

"Hindi na ako aswang ngayon! Haha"
Diko maiwasang mainis sa sarili ko dahil naisahan nya ako isa na nga pala syang tao ngayon

"Teka paano ka nga pala nakapasok agad dito sa Univ? Diba kagabi kalang naging tao?"

ANG STALKER KONG ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon