LBTS --- Chapter 3.5

39 0 0
                                    

 Please I need your Vote and Comment.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 3.5

Loraine's POV

I'm so happy! ^^ Alam niyo ba guys? Nagkakatext na kami ni Kent. Mag-iisang linggo na. Kilig to the max! Siguro inlove na talaga ako sa kanya! Hihihihi.

At inaya niya akong lumabas.

As in.... mag date.

^^ Im so kilig! 

Hmm. Alam niyo ba kung pano ito nangyare? 

Ganto kasi yun.

*FLASHBACK*

Andito na ako sa bahay. Tsk. Nakakainis naman oh. Bakit si Maddi yung pinansin ni Kent? Eh ako yung super nag-ayos ah. Nagmake-up na pa nga ako eh. Nagkulot ng buhok. Lahat na! Pero bakit yung bestfriend ko pa? Eh wala naman kaayos-ayos sa kanya eh. 

Hindi naman sa nilalait ko si Madds, ang point ko lang. Bakit siya yung nagustuhan ni Kent? Eh ang akala ko ba ang gusto nun ay yung mga babaeng pala-ayos?

Hayy. Bahala na nga.

*knock knock*

"Anak! Kakain na tayo. Bumaba ka na." Mama. 

Wala akong ganang kumain -____-

"Sige ma, mauna na po kayo." 

"Sige anak. May problema ba?" Tanong ni Mama. Alam na alam niya kasi kung okay ako o hindi kahit sa boses pa lang. 

"Wala ma. Pagod lang po ako. Ang dami kasing ginawa sa school."

"Okay anak. Kumaen ka mamaya ha?" 

"Opo." 

 Inaantok ako. Haayyy. -_____-

Nasaan na ba yung cellphone ko? 

Hanap...

Hanap...

At pagkakita ko.. May one unread message. 

Syempre binuksan ko agad.

-----

From : 09*********

Hi. Is this Loraine? :) 

-----

"Sino naman to?" 

Nireplyan ko agad.

-----

To : 09*********

Yes. Sino to? How did you get my number?

-----

"Hi Baby." Ang sweet talaga ng boyfriend ko. ^^

"Oh, baby. Andyan ka na pala *smile*" Andito kaso ako sa garden ng school. Hinihintay ko siya kasi sabay na kaming papasok. 

"Oh." Sabay abot ng malaking paper bag sa akin. 

"Ano to? Para saan?" Tanong ko.

"Wala. Masama bang bigyan ng regalo ang napakaganda kong girlfriend?" Tanong niya. HAHAHA. Kilig alert ^^

And when I opened it, I saw a big teddy bear. 

"Cute! Thanks Babe!" Then niyakap ko si Kent. 

Yes. Kent. Boyfriend ko. 

"No problem babe, at hinding hindi ako magsasawang bigyan ka ng regalo. At lalong hindi ako magsasawang mahalin ka." Kilig!

"Loraine?" 

-_______-

"Huy." 

"Gising na. Hindi ka pa kumakaen anak."

Huh?!

"Anak."

-_-

o_-

-_o

o_o

Pagkabukas ko ng mata ko. Tadaaah nakita ko si mama. Psh. Nakatulog pala ako >.<

PANAGINIP LANG PALA! 

"Anak, kain na."

"Sige ma."

Nadaganan ko pa yung cellphone ko. 

Oh. May text nanaman.

----

From : 09*********

Kinuha ko yung number mo sa kaibigan mo. Si Kent ito. :)

----

Totoo ba 'to?

"Ahhhhhhhhhhhhhh!" Yan ang sigaw na pabulong. Hahahaha.

Nagreply ako. 

----

To : 09*********

Ahh. Sige :)

----

Pahumble mode. 

Wala pang 1 minuto may reply agad siya.

----

From : Kent<3

Uhm. Pwede bang magtanong?

----

Pwede bang manligaw? Yeah Sure! 

Hahaha. Joke lang, 

Nagreply ulit ako. 

----

To : Kent<3

Sure. Ano yun?

----

Ayan. Ang bilis magreply ni Kent. 

----

From : Kent<3

Can I ask you for a date?

----

"Oh-my-G!" Is this real? Baka nananaginip nanaman ako!

Sampal sa sarili.

"Ouch!" 

Ang sakit nun huh.

Totoo nga. Haha. Inaaya niya akong magdate!

Nagreply na ulit ako. 

----

To: Kent<3

Oh. Kailan? Sure.

----

Oh. Wag niyo ng sabihing malandi ako or what. Bakit? aangal pa ba ako? Blessing na yan oh! Hahaha. 

Jacob's POV

Halos isang linggo na ang nakalipas. Pero hindi ko pa din makalimutan ang katangahang ginawa ko. Hindi ko alam! Bakit ko ba ginawa yun? Pero parang hindi ko pinagsisisihan. Ewan ko ba?! 

Ang gulo shet! >.<

Bakit ko ba hinalikan si Maddi?!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang bilis dumamoves ni Kent! :D

Sorry for the late update! Bukas na po yung kadugtong nito. :)

Love behind the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon