Jacob's POV
Maaga akong gumising ngayon. Madami akong dapat asikasuhin dahil monthsary namin ng mahal kong girlfriend na si Sab. 4th monthsary namin.
Hmm. Ano bang magandang iregalo?
Roses?
Wag yun!
Chocolates?
Tss. Sasakit lang ngipin nya dun eh.
Dress?
Mayaman si Sab. Marami siyang pangbili nito, tsaka baka pagkamalan pa akong bakla sa mall eh. Lalaki ako tapos hinahanap ko dress? Psh.
Perfume?
Hindi naman siya mabaho eh. Ang bango bango nga ng baby ko eh. ^^
Stuff toys?
Bata? Bata? Regaluhan ko ng barbie? Hahaha.
Gusto ko yung bago. Yung ako pa lang ang makakagawa. Yung alam kong ikasasaya ng girlfriend ko.
Wait. Si Kent ang maraming alam sa mga ganyan eh. Matawagan nga.
Calling......
Kent
Ang tagal sagutin. >.<
"Ano ba?! Istorbo naman eh!" Makasigaw? Nalayo ko tuloy yung phone sa tenga ko. Nakaloud speaker pa naman yun.
"T*ng*na mo! Bakit ka ba nasigaw? Lamig ka lang tol!" Namura ko tuloy.
"Huy, wag kang maingay. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh."
Narinig kong sabi ng babae sa kabilang linya..teka.. may kasamang babae si Kent?
Bale bale talaga tong bespren ko! Hahaha.
"Sorry." Sagot ni Kent dun sa kasama niya.
"Bakit ka ba kasi tumatawag? May date ako ngayon tol. Epal ka naman eh." Mahina na yung boses niya. Hahaha. Nakakatawa naman tong lalakeng to.
"Asan ka tol? Sino kasama mo?" Tanong ko.
"Starbucks. Si ano..si..Teka..bakit ba?" Tae to. Sino kaya kasama nitong mokong na'to? Para kasing narinig ko na yung boses na to eh. Pamilyar.
"Magkita na lang taoy mamaya. Baka naaabala na kita eh. Haha. Ge tol. Damoves!"
"Psh. Ge. Panira*toot*toot*toot*"
Haha. Inend call agad.
Bakit pakiramdam ko paarang may mangyayareng hindi maganda?
Tss. Nababaliw lang siguro ako.
Makaligo na nga muna.
*After an hour*
Tapos nakong mag-ayos ng sarili. Kaya ready to go na ako. Pupunta na ako sa Starbucks para i-meet si Kent.
Matext na nga para alam niyang papunta na ko. Baka mamaya kung saan saan nanaman maglandi yun eh. Haha.
Pagkuha ko ng phone ko. Walang text or call.
"Kahit si Sab walang text?"
TAE NAMAN! Mukhang nakalimutan pa ata na monthsarry namin ngayon ah?!
Tss.
Pagkatapos kong itext si Kent umalis na agad ako ng bahay.
Pagdating ko sa Starbucks. Guess what?