Sorry. Ang tagal bago mag UD. =))
Dedicated to her. Thanks nga pala :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 4
Kent's POV
Andito kami sa condo ko ngayon. Kompleto sana ang barkada, andito si Kyle, si Gian. At si Jacob? Tss. Wala. Hindi ko alam kung ano na nangyari dun sa lalaki na yun.
Ang usap-usapan kasi, break na daw si Jacob at si Sab.
At simula din nung araw na narinig ko yun, o scratch that, 'kumalat' pala.. eh hindi ko na halos nakikita yung bespren ko. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa yun eh.
Palagi siyang absent, tinatawagan at tinetext namin siya pero wala.
Ang laki talaga ng epekto ni Sab sa kanya.
Kasi siya ang unang babaeng sineryoso ni Jacob.
Oo. Playboy, flirt, chickboy, o kahit anong gusto niyong itawag sa kanya, ganun talaga siya dati. Pero simuka nung nakilala niya si Sab? Oh God. Naniwala ako sa himala.
Naalala ko pa nga nung unang beses namin nakita si Sab..
*FLASHBACK*
First Day of School : 2nd Year College
"Bro!" Masayang-masaya akong tinawag ni Jacob. Anyare?
"Huh?!" Kahapon lang ang lungkot nito ah? Tapos ngayon parang batang binigyan ng candy. Grabi makangiti.
"Kent. I think I'm inlove!" Hanudaw?!
"Inlove?! Kelan pa nadagdag sa dictionary mo yun?!" Eto nanaman siya. Inlove nanaman DAW.
Kala mo naman alam niya meaning ng salitang INLOVE.
"Oo tol! Nakita ko na kung sino magiging asawa ko!"
-________________-"
Yung totoo? Anong nahithit nito?
Joke. ^^
"Tss. Sino naman?" Tanong ko. Naglalakad kami ngayon, kakapasok pa lang namin ng Campus at inaasahan ng madaming tao dahil first day nga ngayon.
At itong katabi ko? Mas lalong lumawak ang ngiti. -_____-
Naka-shabu nga ata.
"HOY!" Sabay batok sa kanya.
Aba? Di effective?! Perstaym to ah!
Hahahaha. Grabe itsura ni Jacob oh. Parang bata na takam na takam sa cake ^^
"Hoy! Laway mo naman! Tutulo na oh!" Sabi ko. At dahil dun bumalik siya sa realidad niya.
"Huh?!" Sabay punas sa bibig niya.
"Wala naman eh. G*go ka talaga!" HAHAHAHA.
"E para kang tanga jan e, ang layo ng tingin mo. Haha."
"E tol, nakita ko na nga siya eh. Ayun oh!" Sabay turo sa baabeng...
*jaw drop*
W-O-W!
"Tara lapitan natin!" Sabi ni Jacob,
Ang ganda nga nung babae. Anu kayang pangalan nun?
