Chapter 2
Jacob's POV
"Keeeennnnnttt!" Yung babae, bigla na lang niyakap si Kent. Hahaha. Lakas ng tama shet.
Eto namang kaibigan ko parang siraulo. Tinutulak tulak pa yung babae. -_-
“Whoa. Miss. Miss. Easy.” Hahaha. Loko talaga tong lalaking to.
"Sorry." Yung babae. Napayuko na lang siya.
“Uhm. Miss?” Ooooopss. Mukhang di ko gusto trip ni Kent. Alam ko na balak nito.
Tinatawag niya yung kasama nung yumakap sa kanya which is Maddi.
Hindi siya pinansin. Hahaha.
“Hey. Miss.” Ulit niya.
“Ha.Ha?” Sagot ni Maddi. Mautal utal pa nga eh.
“Uhm. Hi? Pwede ko bang kunin number mo?” Kent.
Psh -______- Sabi ko na nga ba eh. Mukhang uunahan pa ko nito kay Maddi. Haha. Joke lang. Matino ako no.
“Ha?” Maddi. Bingi ba to? Or may sayad? Puro HA? lang ang alam sabihin eh.
“Sabi ko, pwede ko bang kunin yung NUMBER mo?” Si Maddi naman di ata alam ang sasabihin. Para lang siyang statue sa kinatatayuan niya.
Tapos bigla na lang tumakbo yung babaeng naka make-up
Awts. Nagalit ata kasi si Maddi yung pinansin ni Kent.
At ito namang lalaking to hidi pinansin. Tuloy lang siya sa paghingi ng number ni Maddi.
“Ano na Miss?” Kent.
“Ah. Ano kasi eh. Ano.” Sagot ni Maddi.
Di siya sumagot. tumakbo na lang siya bigla..
*booogsh*
Shit! Nabangga niya ako. Tutulungan ko dapat siyang tumayo kaso nakatayo agad siya at tsaka tumakbo ulit.
"Hey." Tinawag ko siya. Magsosorry lang ako. Nakaharang ako sa daan eh. Hahaha :)
Psssh. Tuloy lang siya sa pagtakbo, hindi man lang lumingon.
"Shit. First time may mang-snob ng kagwapuhan ko." Kent.
(_ _')
"Baka di ka type tol." Kasi baka sa akin may crush. Hahahaha.
"Okay lang. Haha. Pero tol, maganda naman yung kasama ni Maddi diba? Siguro magugustuhan ko yun kung walang make-up." Kent.
"Hahaha. Nako Kent, kailan ka kaya magtitino?"
"Pag nahanap ko na ang dyosa ng buhay ko." LOL. DYOSA pang nalalaman.
Maddi's POV
Malapit na rin mag uwian. Nakaisip na ako ng paraan kung paano ko maibibigay yung number ni Loraine kay Kent.
At syempre secret ko na lang kung paano yun.
Hehe. Joke. Eto balak ko.
Isusulat ko sa paper yung number at pangalan ni Loraine. Tapos ibibigay ko kay Kent. Magmamakaawa ako. Luluhod ako, iiyak ako. Hahaha. OA. Gagawin ko yan kung kinakailangan.